"Ma, ginagabi na yata kayo ng uwi ngayon, ah," puna ni Andy sa ina niya na naging ama pa nilang tatlong magkakapatid.
"Busy lang sa trabaho, nak. Dami kasing gawain," sagot naman nito.
"Ahh ..ganun po ba? Dahan-dahan po kayo baka bumigay 'yang katawan niyo dahil diyan sa pagiging busy niyo lagi," paalala niya rito. Napangiti naman ang ina niya sa kanyang pagiging alalahanin.
"Naku! Ang anak ko ..talagang maalalahanin," nakangiti nitong saad.
"Nag-alala lang po ako sa inyo. Kayo na lang 'yong meron kami, kaya ayaw kong may mangyaring di maganda sa inyo kasi papaano na kami ng mga kapatid ko?" nakanguso niyang pahayag na siyang nagpagaan sa kalooban ng ina.
"Ok lang talaga ako. Hmmm?"
"Ma, malapit na ang pasukan. Tatlo kaming mag-aaral, kaya niyo po ba?" nag-alala pa rin niyang tanong. Alam niyang hindi madali ang magpaaral ng tatlong estudyante lalo na at walang katuwang ang kanyang ina na si Fe.
"Oo naman noh! Basta para sa inyo, kakayanin ko. Si wonder woman kaya tong Mama niyo," masigla nitong sabi.
"Salamat, Ma. Salamat sa lahat-lahat."
"Halika nga dito. Payakap naman."
Lumapit naman kaagad si Andy sa ina saka sila nagyakapan. Swerte talaga nilang magkakapatid dahil nagkaroon sila ng isang inang handang magsakripisyo para sa mga anak.
Wala na kasi silang ama, sumakabilang bahay na hindi nila alam kung bakit nito nagawa sa kanila 'yun basta ang alam lang nila, hindi sila nagkulang sa rito bilang mga anak at lalo ng di rin nagkulang ang kanilang ina ruto bilang asawa. Ganoon nga siguro ang buhay ano? May mga tao talagang di nakukuntento sa kung anong meron sila pero sa sitwasyon nila ngayon, ok lang na wala na silang ama kesa naman 'yong meron nga pero di naman nila nararamdaman ang pagiging ama nito sa kanila.
Alam nilang nasaktan ng labis ang kanilang ina sa ginawa ng kanilang ama pero di nito pinapakita 'yon sa kanila dahil ayaw nitong magmukhang mahina sa harap nilang magkakapatid. Naaawa na siya sa kanilang ina kaya nga nagsisikap siya sa pag-aaral para naman balang-araw makababawi sila sa lahat ng mga paghihirap nito para sa kanila.
Tuloy lang ang buhay, yan lang laging sinasabi nito sa kanila at ganoon na rin ang ginagawa nila.
Makalipas ang ilang araw na naging linggo, lagi ng gabi umuuwi si Fe at napapansin na rin iyon ng dalawang kapatid ni Andy pero lagi nitong sinasabing busy lang raw talaga sa trabaho pero isang gabi, pag-uwi nito galing sa trabaho, agad itong nakatulog sa sobrang pagod. Sobrang naawa si Andy sa ina.
Nilapitan niya ito at pinagmasdan, alam niyang pagod na pagod na ito pero heto lumalaban pa rin para sa kanila. Hinagod niya ang mukha nito at hinaplos tapos maya-maya lang nahagip ng mga mata niya ang mga kamay nito, napatitig siya rito at napakunot ang kanyang noo sa nakita.
Napaawang ang kanyang mga labi sa sobrang pagtataka kung bakit at kung saan nito nakuha ang iilang sugat sa mga kamay nito. Hinawakan niya ang kamay nito na siyang nagpagising sa natutulog na ina. Agad nitong itinago ang mga kamay nito nang mapansing nakatingin siya rito.
"B-bakit gising ka pa?" tanong nito. Hindi makasagot si Andy dahil pakiramdam niya, barado ang kanyang lalamunan.
"S-sige, matutulog na 'ko sa kwarto. Good night, nak," agad nitong paalam. Halatang-halata na may iniiwasan.
Hinalikan siya nito sa pisngi at saka agad na lumakad papuntang kwarto.
"Bakit may sugat ang mga kamay niyo?" agad niyang tanong. Napahinto sa paglalakad ang Mama niya kaya hinarap niya ito.
"Ma, bakit nagkasugat ka? Anong nangyari? Sabihin mo naman, ohh," mangiyak-ngiyak niyang pakiusap.
"Gabi na, matulog ka na," pag-iiwas nito. Hindi na napigilan pa ni Andy ang mga luha niya sa pagtulo.
"Bakit ayaw mong sabihin? Ma, naman. Please. Anong nangyari sa'yo?"
"K-kasi...kasi 'nak. Buong maghapon akong naglalabada kaya ako nagkasugat. Alam mo namang------"Naglalabada?..." nagtataka niyang tanong, "...p-pero bakit? Di ba nagtatrabho kayo sa isang restaurant?"
"Oo! Pero kasi...humina kasi ang income ng restaurant kaya kinakailangan nilang magbawas ng trabahante at...i-isa ako sa mga ibinawas, nak," pagtatapat nito.
"Kailan lang?"
"Mag-iisang buwan na." Napaawang ang mga labi ni Andy sa narinig.
"Ba't di niyo sinabi? Ehh...di sana kahit papaano nakagawa kami ng paraan para makatulong man lang sa inyo." Umiling-iling naman ang ina sa narinig.
"Di niyo kailangang gawin 'yon kasi ako ang ina, responsibilidad ko kayo. Ayaw kong nakita kayong naghihirap kaya ------"Ma!" awat niya rito.
"Kaya ko 'to. Sinubukan kong mag-apply kaya lang wala talaga ehh. Wala raw'ng vacant pero ok lang ako. Promise," nakangiti nitong sabi na siyang pumunit sa puso ni Andy.
Ramdam na ramdam niya ang paghihirap ng ina. Ano bang dapat niyang gawin? Kailangang may gagawin siya, di 'yong hanggang awa lang ang kaya niyang gawin kaya kinabukasan...pinuntahan niya ang dating restaurant na tinatrabahuan ng kanyang ina.
"Ahh...excuse me po," sabi niya sa isang babaeng nasa labas ng office ng may-ari ng restaurant.
"Yes, ma'am? What can I do for you?" tanong nito.
"Ahh...nandiyan ba si Mrs. Montemayor? I just want to talk to her. Can I?"
"Ahh...ok po. Wait a minute ma'am."
Ini-on ng babae ang inter-com na nasa table nito saka ito nagsalita.
"Ahh...Ma'am Lucy, may gusto pong kumausap sa inyo. Can I let her go inside in your office?"
"Ok," narinig niyang sagot nito. Tumingin sa kanya ang babae saka nagsalita.
"Pasok na po kayo, Ma'am," nakangiti nitong sabi. Iginaya siya nito sa papunta sa pinto ng office nito.
"Thank you."
Di pa siya nakapasok sa office nito ay para nang sasabog ang dibdib niya sa sobrang kaba.
"Relax, Andy. Relax. Inhale- exhale. Inhale- exhale. You can do it, Andy," paalala niya sa sarili.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at saka pumasok. Nakatalikod siyang nakaupo sa swivel chair na nakaharap sa labas ng gusali.
"Magandang araw po," bati niya kaagad dito. Agad naman itong humarap sa kanya saka siya tiningnan.
"Have a seat," aniya.
"Thank you po."
"What can I do for you? May I know you first?"
"Ahhmmm ...I'm Andy Malintang po. Daughter of Mrs. Fe Malintang," pagpapakilala niya rito.
"Ohh ..I see. So why are you here?"
"I'm so sorry for this pero...kailangan po ni Mama ng trabaho. Nakikiusap po ako sa inyo, 'wag niyo po siya tuluyang tanggalin kasi...siya na lang ho 'yong nagtatrabaho para sa'min. Maawa po kayo," nakikiusap niyang sabi at hindi na niya napigilang mapaluha.
"Sorry, Andy. I'm really sorry but ----"Please po nakikiusap po ako..." umiiyak niyang pakiusap saka lumuhod., "...kahit ano, gagawin ko ho basta ibalik niyo lang si Mama sa trabaho. Pinapangako ko po. Please po. Maawa po kayo."
"Lahat? Lahat gagawin mo?" paniniguro nito.
"Opo kung 'yan lang ang paraan para tulungan niyo kami."
"Sige," matipid nitong sagot.
Nakatulalang nakatitig si Andy sa natutulog na mukha ng kanyang ina. Kitang-kita niya sa mukha nito ang paghihirap nito ngayon pero anong magagawa niya? Ipinangako ni Lucy na ibabalik nito ang Mama niya pero sa isang kondisyon na di niya naman kayang tanggapin. Gulung-g**o na talaga ang isipan niya.