Episode 20

1880 Words
Uwian na, ito na 'yong hinihintay ng mga studyanteng gaya ni Rex. Tumakbo na siya  papuntang hide-out nilang magkakaibigan dahil gusto na niyang makita at masilayan ang babaeng nagpapatibok sa kanyang puso. Si Andy! Pero bago pa man siya nakarating sa hide-out nila, he saw Clyde standing in front of the school's garden. Anong ginagawa niya diyan ng mag-isa?, nagmumuni-muni? Nagpapahangin? Napatingin sa kanyang mga kamay si Rex, he's holding something. Nakakintriga kaya nilapitan na siya ng kanyang kaibigan "What is that? A ring?" tanong sa kanya ni Rex. Nakita ni Rex kung paano siya nabigla at dali-dali rin niyang itinago sa bulsa niya ang hawak na singsing. "Where's it came from? For whom is it?" muling tanong sa kanya ni Rex. "Ah ..that's ring?" aniya na para bang naguguluhan pa kung ano ba ang dapat sasabihin sa kaibigan, "...ano ...n-napulot ko lang yon, Dude," sagot niya rito. "Ahh ..ganu'n ba?" ani Rex. "Tara sa hide-out," agad niyang aya kay Rex para hindi na ito magtanong pa tungkol sa singsing. Nilagpasan niya si Rex pero nanatili lang nakatayo ang kanyang kaibigan. Napaisip si Rex. A ring, no! It's not just a ring ------- it's a wedding ring and if he's not mistaken, he saw it before because it's so familiar to him but when? Where? Whom? "Surprise!!" sigaw ng tropa nang mapagbuksan ito ni Andy ng pintuan isang umaga nang wala man lang silang kaalam-alam sa plano ng mga itong pagdalaw. Sobrang nagulat si Andy at halos hindi niya alam kunh ano ang dapat niyang gagawin ng mga oras na 'yon. "Andy, don't you want us to get inside?" pukaw ni Dani sa naguguluhan niyang diwa. "Huh? A-ano kasi ...ah ------"Who's that, Andy?" Mula sa loob ng bahay, lumabas si Clyde na bagong ligo habang pinupunas pa ng ginamit na tuwalya ang basang buhok. Lahat napatingin at napasilip kay Clyde. Lahat nagtataka kung bakit nandito sa bahay ni Andy ang binata. "Hey, Dude. Dito ka nakatira?" tanong ni Oliver nang makita nito ang paglabas ni Clyde. Kung pa'no si Andy nabigla ng makita ang grupo, mas nabigla pa yata tong si Clyde na agad namang napahinto sa pagpupunas ng kanyang buhok  ng makita ang tropa. "Huh? Ahmmmm -------" "Napadalaw lang yan. Di ba insan?" agad na putol ni Andy sa iba pa sanang sasabihin ng kanyang asawa. "Ahh ..o-oo!" wala sa sariling sagot  ni Clyde. "Nang ganito kaaga?" tanong ni Kent. "At dito pa naligo?" segunda naman ni Oliver. "It's not bad if he wants to visit his cousin as early as he want, di ba?" singit ni Rex. "Oo, naman! Pero sandali lang huh. Papasukin niyo muna kami at sa loob na kayo magpapaliwanag kasi nagmumukha na kaming strangers dito. Ok?" ani Dani na halatang nangangalay na ang binti sa katatayo sa labas ng bahay. "Ahh ...oo naman! P- pero ...pwede, hintay muna kayo sandali kasi medyo magulo pa sa loob, eh. Aayusin ko muna. Ok?" pakiusap naman ni Andy sa kanila. "Ok lang yan, Andy.  Magulo rin naman yong bahay namin. Pasok na kami huh? C'mon, guys," sagot naman ni Dani. "Ah! T-teka lang! Ano -------" "May problema ba?" agad na singit ni Kent sa iba pa sanang sasabihin ni Clyde. "Syempre, w-wala naman!" "Are you hiding something inside?" Napatingin ang lahat kay Rex kasi tumpak na tumpak siya sa kanyang tinuran. "Huh? W-wala!" Halos magkasabay na sagot ng mag-asawa. "Oh, di tara na sa loob," agad na aya ni Nico. Di na napigilan nina Andy at Clyde ang tropa.  Tuluy-tuloy na pumasok ang mga ito. Palihim na hinawakan ni Clyde ang kamay ni Andy at bahagya niya itong pinisil na para bang sinasabi niyang " it's ok, wala na tayong magagawa ". Pumasok na rin sila at tama nga. Hawak na ni Dani ang wedding picture nilang dalawa. Idinisplay kasi nila yon nung dumalaw si Grandma dito noon at nakalimutan na nilang iligpit at itago. Tumingin silang apat kina Andy at Clyde habang si Rex, nakaupo lang sa sofa habang nakayuko "D-Dani?" sambit ni Andy sa kanyang kaibigan. "What does it mean?" tanong nito saka ipinakita sa kanila ang wedding picture nilang hawak-hawak nito. "Ahh ..Dani, ano kasi -------" "You two! You're a liar! A big liar! Why did you do that? Why did you lied?" Hindi na naituloy pa ni Clyde ang iba pa sana niyang sasabihin nang biglang magsalita si Dani. "Dani -----" "Do you consider us as your friends?" tanong nito sa kanilang dalawa. "Yes," sabay na sagot ng dalawa. "Then why you'd lied?" "Let us explain first, please," ani Andy . "Andy, it's almost one year from our first met, we walked together, we eat together and I think, every part of my life, I'd shared it to you. Wala akong itinago, I don't have a secret. Pero bakit? Bakit kayo nagsisinungaling? Di pa kami mapagkakatiwalaan huh?!" nagtatampo nitong sumbat sa kanila. "Dani, it's not what you think. It's -------" "Keep your explanation because I don't want to hear it right now." Pabagsak na inilagay niya sa mesa ang wedding picture na hawak nito at bahagya pa nitong binangga si Andy saka ito tuluy-tuloy na umalis palabas ng bahay. Napatingin sina Andy at Clyde sa apat na naiwan. Tumayo sina Oliver, Kent at Nico saka lumakad palabas. "Dude, please." Hinabol ni Clyde ang tatlo. Si Rex, dahan-dahan namang tumayo . "Rex?" nag-aalalang tawag ni Andy dito. "Don't worry, I'm not mad." "Rex, we're so sorry. Please, forgive us for being a ------" "As what I've said, I'm not mad, Andy.  Yes, I admit, masakit..." Mapait na ngumiti si Rex, "...but it's ok. Pero may magagawa pa ba tayo?" dagdag pa nito. "I know we're so selfish. Sana di na lang namin to itinago." "It's already done. All you need to do is to fix your relationship with those four. Okey?" He tapped Andy's shoulder saka siya humakbang palabas pero bago pa siya tuluyang nakalabas, lumingon muna siya kay Andy sabay kapa sa kanyang bulsa. "Oh, before I forget," aniya saka lumakad siya pabalik kay Andy, kinuha niya ang kanan nitong kamay and he put something on her palm and when Andy saw it, napanganga siya at nagtataka. She looked at Rex's face. Ngumiti ito ng pilit and she don't know what to say. How come na napunta sa kanya ito? A small thing that she was trying to keep. Her wedding ring! "Rex, p-panong -----" "Do you still remember when you invited me to have a meal with you and when we're eating our meal, biglang tumawag si Clyde and after you picked up his call, nagmamadali kanang umalis. Sa sobrang pagmamadali mo, di mo napansin na may singsing pala yong perang binigay mo sa'kin.  Iniisip ko lang na baka bigay sa'yo yon ng parents mo o di kaya from your past boyfriend. I was planning to return it to you but then I forgot and then one day, I saw Clyde, may hawak siyang singsing. Familiar sa'kin ang singsing na hawak niya and then I remember your ring. Doon ko na-realized kung bakit familiar sa'kin ang singsing na hawak ni Clyde kasing magkaparehong-magkapareho kayo. Matagal na akong may hinala kaya lang ...pinili kong magkunwari at isiping wala akong alam," mahaba nitong paliwanag. "I'm so sorry, Rex," nahihiyang paghingi niyang paumanhin. "Hayy ..sabi ko naman sa'yo.  Ok lang yun," sabi nito sa mapait na boses. "Sana, hindi yon sapat na reason para layuan mo na ako." "I will never leave you. I can't do that, hirap kaya gawin yon. Promise, hindi kita lalayuan but there's one thing I can't promise to you." "Ano yon?" kunot-noong tanong ni Andy. "Kung sasaktan ka ni Clyde, I can't promise na hindi ko siya sasaktan." Napangiti na lang si Andy sa sinabi ni Rex. She hugged him sabay sabing " thank you ". Tinanggal nito ang kanyang mga braso na nakayakap saka tuluyan na itong lumabas at maya-maya lang ay dumating si Clyde.  Wala na silang nagawa maliban sa magkatinginan na lamang. Kinabukasan, pinilit talaga ni Andy na kausapin si Dani kasi di siya sanay na wala silang imikan kahit sa loob ng room lalo na sa loob ng tambayan. Napaka- awkward kasi at si Clyde naman, kinausap din niya ang apat na lalaki. "Dani, sorry na," aniya pero wala siyang sagot na nakuha mula sa kaibigan. "Dani, please. Patawarin mo na ako," muli niyang sabi. "You are free to explain within 5 minutes maximum." "5 minutes? Pwede, 15 minutes?" Napatingin sa kanya si Dani na may bahid ng inis ang mga mata. "Ikaw na nga yong may atraso, ikaw pa yong demanding?" "Sorry," aniya. "Your 5 minutes starts now." "Ahhh ..." Hindi niya alam kung papaano at saan siya magsisimula. "Ano? Paubos na yong 5 minutes mo pero di ka pa rin nagsasalita. Gusto mo bang magpaliwanag o hindi?" "Gusto!" "Ehh ..ganun naman pala." "Kaya lang ... I don't know how and where to start," pagtatapat niya sa kaibigan. "Andy, naman! Syempre, magkwento ka mula sa simula kung papaano kayo nagkakilala ni Clyde." "Okay." Nagkwento na siya.  Ikinuwento niya kung paanong nagkaroon ng kasal. Sinabi rin niya kung ano ang naging kapalit sa pagpapakasal niya kay Clyde.  Wala na siyang itinago sa kaibigan at isa pa, di na siguro niya dapat pang itago. "So, kung di nyo ginusto ang kasalang yon ...it means, you're not inlove with each other?" maya-maya'y tanong sa kanya ni Dani. "Hmmmf," sagot niya sabay tango. "What if ...mainlove ka sa kanya?" Natahimik si Andy sa tanong ng kanyang kaibigan. "Oh, my! In love ka sa kanya?!" bulalas ni Dani. "No! Hindi, syempre!" "Deny to the max pa, oh. Andy, baka nakalimutan mong babae rin ako, I feel you "Hindi nga!" giit pa niya. "Yong totoo?" Natahimik muli si Andy sa tanong ni Dani at ewan ba niya kung bakit ang hirap sagutin ng tanong ng kaibigan kahit napakasimpleng tanong lang naman sana 'yon. "In love ka, ano?" muli pa nitong tanong. Hindi na nakaimik si Andy. "Ano? Sumagot ka naman." Makaraan ang ilang sandali ay napatango na rin siya para sa tunay niyang nararamdaman. "Ohh!! Kitams! Kunwari ka pa." "Pwede bang sa'tin lang yon?" pakiusap niya rito. "Sure," nakangiting sagot nito. "So ...ok na tayo?" Napatingin sa kanya ang kaibigan bago ito sumagot. "Matitiis ba kita, bruha ka," nakangiting tanong sa kanya ni Dani. Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Andy saka niya niyakap si Dani. Sobrang saya niya dahil ok na uli silang dalawa. "So, it means... she's your fake wife?" tanong ni Oliver kay Clyde matapos niyang ikwento sa mga ito ang tungkol sa kanila ni Andy. "Yeah," matipid niyang sagot. "You don't love her?" tanong naman ni Kent saka siya tumangu-tango. "Yong fake-fake na yan ..wala bang pag-asang maging real?" tanong sa kanya ni Nico. "Wala," agad naman niyang sagot. "Seryoso?" paniniguro ni Oliver. "Oo naman! Di siya ang tipo ko at kailan man hindi ako iibig sa kanya." "That's good.  So ...can I court her?" tanong ni Rex. Napatingin naman siya rito. Kita sa mukha nito ang pagiging desperado para ligawan si Andy. "Oo naman! Di naman kami totoong nagmamahalan nu'n, eh! Sa'yo na yon." "Yes! Thank you, Dude," masayang bulalas ni Rex. Bakit ganu'n? Iba ang kanyang pakiramdam, parang gusto niyang pigilan si Rex sa binabalak nito kay Andy pero dapat ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD