Cassandra's POV "Congratulation Miss Cassandra!"salubong sa akin ng mga tauhan ko sa botique. Napangiti ako sa kanila. May party poppers. May mga decorations pa sa buong botique. Si Clara naman ay inabutan ako ng bouquet of roses. "Salamat!" Sabi ko sa kanilang lahat. "Babe- Wohhh! Sinong may birthday?" Tanong ni Elvin na nakasunod pala sa akin. "Congratulation Emperor!" Sabay sabay na bati ng mga empleyado ko dito. "Wow! Thank you! Pero malayo pa ang birthday ko." Nakangiting sabi nito sa mga empleyado ko. "Hindi po birthday. Para po sa nalalapit nyong kasal." Sabi dito ni Mara. Tumango tango pa ito. "Well. Thank you again!" Sabay ngiti ulit nito. I just rolled my eyes. Nagtilian naman sila sa pangunguna ni Hera. Napailing nalang ako at hinarap si Elvin. "May nakalimutan ka?" Ta

