Cassandra's POV Nang idilat ko ang mga mata ko ay puting kisama ang nabungaran ko. Sigurado akong ospital na naman itong nagisnan ko. Nangangamoy kaseng alcohol. Nararamdaman ko ang kirot sa kaliwang balikat ko. Lagi nalang ganito ang nangyayari sa akin. Laging ospital ang bagsak ko. Kundi bugbog sarado, wala sa sarili. Am I that really weak? I sighed. "Babe." Napabaling ang tingin ko sa nagsalita. "How are you feeling?" masuyong tanong nito habang hinahaplos ang buhok ko. Pinilit kong ngumiti sa kanya. "Ayos na ako. You don't have to worry." Hinaplos ko ang muka nito. Halatang halata ang pag aalala sa gwapong muka nito. Hinawakan lang nito ang kamay ko at dinala niya sa labi niya. I giggled kahit may masakit sa akin. He winked at me. "Ayos kana nga. Kinikilig ka na naman sa kagwapu

