Cassandra's POV May pagtataka sa isip ko kung bakit laging sa akin nakatutok ang camera ng videographer na nagcocover ng birthday party ni Lola Margs. Kanina kung anu ano ang tinanong nito sa akin na wala namang kinalaman sa Lola ni Elvin. Meron man ay kakaunti lang. Laging puro tungkol sa amin ni Elvin. "Liway, hindi ka ba nagtataka?" tanong ko kay Liway ng tinutulungan ako nitong isuot ang gown. Dahil hanggang ngayon ay nakacast pa rin ang kaliwang braso ko. Sabi ni Matt next next week pa daw pwedeng tanggalin. Kaya ang nag aasikaso ngayon sa susuotin ni Lola ay sila Clara at Hera. "Saan Cassandra?" "Kase hindi naman ako ang may birthday. Hindi rin naman ako ang apo, pero bakit sa akin laging nakatutok yung camera? Tapos kanina may interview pa?" napakamot nalang ito sa ulo. "Hindi

