Cassandra's POV Wala sa sarili akong lumabas ng bahay. Nakasalubong ko si Clara pagbaba ko sa kwarto. Tinawag ako nito pero hindi ko siya pinansin. Tuloy tuloy lang ako sa paglabas. Pinipigilan ako nito ng sakyan ko ang kotche pero hindi ko siya pinansin. Nakarating ako sa isang kilalang mall. Maghapon akong naglalakad sa loob nito. Paikot ikot lang ako. Parang wala akong patutunguhan. Wala akong pakialam kung ano ang itsura ko o kung may makakilala sa akin ngayon. Basta ang gusto ko lang ay mapag isa at makapag isip. Inabot na ako ng pagsasara ng mall kaya lang ako umalis. Wala sa sariling pumara ako ng taxi at nagpahatid sa address na sinabi ko. Manhid na manhid ang pakiramdam ko. Walang akong ginawa kundi ang umiyak. Mugtong mugto ang mga mata ko. Ngayon lang ulit nangyari ang bagay

