Cassandra's POV Ilang linggo ko na ring iniiwasan si Elvin buhat ng nakita ko ito na may kahalikan sa labas ng condo unit niya at buhat nang nangyari ang tagpo sa ospital. Ngayon stable na naman ako, ay hindi ko pa rin ito hinaharap. Para sa akin tapos na ang lahat lahat sa pagitan namin. Oo na, inaamin ko naman na mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya kaya ako nasasaktan ng ganito kahit wala naman KAMING dalawa. Naiinis ako sa sarili ko, na sana sinunod ko nalang ang instinct ko at nag stick nalang ako na hindi nga ang kagaya niyang lalaki ang babagay sa kagaya ko. Nililigawan palang niya ako pero may iba na siyang kinahuhumalingan. Baka nga girlfriend niya na iyong babaeng iyon at isa lang ako sa mga pinaglilibangan niya. At siguro nga na thrill lang siya sa akin dahil iba ako sa m

