"Ano!? Hindi mo pipirmahan ha!" sabi sa akin ni Mama at inginudngod ako sa sahig. "T-tama na po Mama! W-wag po!" umiiyak na pagmamakaawa ko. Lalo lang niyang idiniin ang muka ko sa sahig. Hindi pa ito nakuntento ay inuumpog naman ako nito sa pader. Pakiramdam ko ay nalasog ang buong katawan ko sa ginawa niya. Hindi pa ako nakakahuma ay hinawakan na naman ako nito sa buhok at pilit na ipinasusulat nito sa papel ang pangalan ko. "Pirmahan mo sabi!" galit na galit na utos nito sa akin. Wala akong mahingan ng tulong dahil wala naman ng mga kasambahay. Pinalayas na niyang lahat. Tapos lagi niya pa akong kinukulong sa kwarto at sinasaktan. "Ayoko po!" umiling iling pa ako. Bilin kase sa akin ni Papa na wag na wag akong pipirma nang kahit na anong papeles na ipapapirma sa akin ni Mama o na

