Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang pumulupot sa baywang ko ang mga kamay ni Yvo. Nilagay niya ang kanyang baba sa balikat ko. Bahagya akong nakiliti sa kanyang patubong balbas. "Ano ba Yvo, nagluluto ako!" Pakunwaring saway ko sa kanya sabay hampas sa kanyang kanyang braso. "Pagpatuloy mo lang 'yang pagluluto mo. I will not disturb you." Saad nama n niya. Tinampal ko ang kanyang noo. "Paano ako makakapagluto ng maayos kung nakayakap ka sa akin aber?" Sinubukan kong tanggalin ang mga kamay niya pero mas hinigpitan pa niya ang paghawak. Mas lalo pa niyang dinikit ang kanyang katawan sa akin. Alam kong wala siyang suot na pang-itaas na damit dahil ramdam na ramdam ko ang init sa katawan niya. Magdamag din siyang nakatulog na nakahubad. Ang taas na ng kumpyansa niyang ibalandra ang kanyang k

