Chapter 1

2207 Words
HINDI MAGKAMAYAW ang mga mata ko sa paglilibot sa buong paligid ng mansyon ng mga Jontaciergo. Ito ang unang beses na makapasok ako rito. Kahit sa labas pa lang ay sobrang busog na busog na ang mga mata ko sa katitingin sa buong paligid. Sa harap ko ay nakatayo ang isang matayog na mansyon. Halos puting pintura ang pumuno sa kabuuan nito. Nakapalibot dito ang mga magagandang halaman at mga puno ng pine tree na nakaayos na nakahilera. Sa 'di kalayuan sa kanang bahagi ay may isang fountain. Parang krystal ang tubig nito dahil na rin sa sinag ng araw na tumatama rito. Walang ibang namutawing pakiramdam sa akin kung 'di ang kagalakan. Kung hindi ako isinama ni nanay ay hindi ako makakapasok rito. Kulang kasi ng tao para sa mansyon kaya nagpresenta ako at hindi na iyon napigilan ni nanay. Kailangan ko rin kasing makapag-ipon para sa susunod na pasukan. Dahil magfo-fourth year na ako ay alam kong maraming requirements. Hindi ko rin gustong dumepende kay nanay dahil marami rin kaming gastusin at ayaw kong maging pabigat sa kanya. "'Nak halika na, dito tayo dadaan sa likod." Nawala ang pagkatulala ko nang magsalita si nanay. Agad naman akong tumalima at sumunod sa kanya. Sa likod kami dumaan kung saan naroon ang malaking kusina. Hindi ko rin maiwasan ang mamangha dahil mukhang bahay ng maituturing ang kusina. Mas malaki pa sa buong bahay namin. Maraming mga katulong ang nandoon na nakasuot ng mga uniporme. May isang matandang babae ang sumalubong kay nanay. Agad siyang kinausap nito. "Mabuti at dumating ka na Linda. Naku, kailangan namin ng tulong mo. Mukhang ang mga luto mo talaga ang gusto ng pamilya ni Don Emilio. Sinabi ko naman sa iyo na mamasukan ka na rito e." Anang matandang babae kay nanay. "Huwag kayong mag-aalala at mamasukan na ho ako rito." Lumingon naman sa akin si nanay at tinawag ako sa tabi niya. "Ito nga ho pala si Mikko. Ito 'yong sinabi kong anak ko na marunong ding magluto." Ngumiti ang matanda. Agad naman akong lumapit dito at kinuha ang kamay upang magmano. "Kay bait namang bata. Kumusta ka hijo?" "Mabuti naman po ako lola." Magalang na sagot ko rito. Hinawakan nito ang pisngi ko at bahagyang ginulo ang buhok ko. "O siya, halina kayo at magtrabaho. Marami tayong lulutuin. Masyadong pihikan ang mga anak ni Donya Helena kaya marami tayong lulutuin." Kumilos na kami ni Nanay at nagsimulang magluto. Tulong-tulong ang mga katulong sa paghanda ng mga rekados. Hati naman kami sa lulutuin ni nanay upang mabilis matapos. Pagkalipas ng higit isang oras ay natapos kami. Maya-maya ay narinig ko si lola na gising na raw ang buong pamilya ng Jontaciergo at nasa hapagkainan. Hindi naman nagkakaundagaga ang mga katulong sa pagkilos. Siguro ay ganito na talaga sila kapag kumakain na ang mga amo. Hindi rin kasi kung sinu-sino ang mga ito. Sila ang pinakamayaman sa aming bayan at hawak pa nila ang kabuuan nito dahil Gobernador ang matandang Jontaciergo. Habang aligaga ang mga katulong sa kusina ay naisipan kong sumilip mula sa kusina. Doon nakita ko ang buong pamilya ng Jontaciergo. Sa magkabilang dulo ay nakaupo si Don Emilio at Don Julio. Sa makabilang tabi ng huli ay nakaupo ang asawa nito na si Donya Helena. Kaharap nito, sa tingin ko, ang panganay na anak ng mag-asawa na nakatalikod sa direksyon ko. Sa gitnang parte ay naroon ang dalawa pang anak ng mag-asawa. Hindi ko namang mamangha sa mukha ng mga ito. Gwapo at maganda. Ang puputi at ang kikinis pa. "Hijo? Anong ginagawa mo riyan?" Agad akong napatayo ng tuwid nang tanungin ako ng isang katulong. "Ah wala po. Sige po, lalabas na ako." Nagpaalam ako kay nanay at lumabas ng kusina. Tumungo ako sa hardin upang tumulong sa hardinero. Trabaho ko rin ang tumulong sa gawaing bahay ngunit hanggang sa kusina lamang ako at labas ng mansyon. Kasulukuyang tinatanggal ng hardinero ang mga d**o sa halaman ng datnan ko siya roon. Agad akong nagpakilala sa kanya at kalauna'y tumulong na rin. Malapad ang hardin. Maraming mga bulaklak. Samu't-sari. Mahilig kasi sa mga bulaklak si Donya Helena kaya ganito kaganda at kalaki ang kanilang hardin. Sanay ako sa mga ganitong klaseng trabaho kaya wala sa akin ang sikat ng araw. Tutal maaga pa naman at hindi pa nakakasunog ng balat. Hindi na rin ako nito natatablan dahil dahil maitim na ang balat ko. Malayong-malayo na sa kulay ko noong unang mapadpad ako sa bayang ito. Dalawang oras ang lumipas bago kami natapos sa pagdadamo. Habang nagtatrabaho ay nakikipagkwentuhan ako kay Mang Elvie---ang hardinero ng kung anu-anong bagay. Bumalik na agad ako sa kusina upang tumulong naman sa paghahanda para sa pananghalian. Katulad kanina ay hati ulit kami ni nanay sa lulutuin. Nang matapos ay inihanda na agad ito ng mga katulong. Maya-maya ay naroon naman ang buong pamilya ng Jontaciergo sa hapagkainan. Hindi na ako nakasilip dahil inutusan ako ni lola Sima na hatiran ng pagkain ang mga gwardya na nagbabantay sa malaking gate. "Salamat Iko." Ani Kuya Rigor. Kilala ako nito dahil isa ito sa mga kapitbahay namin. Bago bumalik sa kusina ay nakipagkwentuhan muna ako sa kanya at ganoon na rin sa mga kasama niya. Pagbalik ko sa kusina ay nagliligpit na ang mga katulong sa pinagkainan ng mga amo namin. Tapos na raw kumain ang mga ito. Inutusan naman ako ng isang katulong na ihatid ang mga natirang pagkain sa likod kung saan kumakain lahat ng tao sa bahay. Ang ilang katulong ay naroon na rin. Dumating na rin ang iba at nag-umpisa na kaming kumain. Nang makapagpahinga ay pinauwi na ako ni nanay. Hanggang hapon lang kasi ang pagtatrabaho ko. Kailangan ko rin kasing magluto sa bahay para sa panghapunan namin nina tatay at ng kapatid kong si Aiko. Habang naglalakad sa daan ay may huminto na magandang motor sa tabi ko. Galing ito mula sa direksyong dinaanan ko. Hindi ko makita ang mukha ng nakasakay dito dahil nakahelmet ito pero nakatingin ang posisyon ng mukha nito sa akin. Base sa tindig nito ay isa itong lalaki. Sino kaya ito? Anong kailangan nito sa akin? "Ano pong kailangan nila?" Magalang na tanong ko rito. Hindi ito sumagot bagkus tinaas nito ang salamin ng helmet. Bumungad sa akin ang magandang mga mata nito. "You! Tama ako. Ikaw nga 'yon!" Tinuro ko ang sarili ko. "Ako?" Anong ako? Anong kailangan niya sa akin? "Hindi ko kayo kilala pero anong kailangan ninyo sa akin?" Muli kong tanong. Hindi sumagot ang lalaki bagkus tinanggal nito ang helmet sa kanyang ulo kay ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang mamukhaan ko ang lalaki. Agad na lumukob ang kaba sa aking dibdib. Siya. Siya nga iyong pinagbintanggan akong magnanakaw at tumawa pa nang mahulog ako sa puno ng mangga. Siya iyong salbahe at mapang-matang lalaki. Sa kabila ng kaba ay umusbong naman ang inis. Porket mahirap ako ay pwede na niya akong kutyain ng ganoon. Pareho lang kaming tao at nakakaangat lang siya. At lamang lang siya ng ilang paligo sa akin. Napaatras ako nang umalis ito sa kanyang motor lalo na nang tumalim ang titig nito sa akin. Napalunok ako. Pero kahit ganoon ay nanatili akong matatag. Hindi dapat ako matakot sa kanya. "Ikaw. Ikaw nga talaga iyong bubwit na nambato sa akin." "Hindi ako bubwit!" Giit ko. "Iba talaga ang tapang mo eh nu? Pero 'di ba ang sabi ko hindi ko na gaganti ako once na makita kita." Muli akong napaatras nang humakbang siya sa akin. "Sinabihan mo rin ako ng gag0 'di ba?" Habang papalapit siya sa akin ay umaatras naman ako. "Scared?" Sumilay sa mukha niya ang ngisi nang makita ang reaksyon ko. "H-Hindi ako natatakot." "And why are you stuttering? Namumutla ka eh." Nang muli akong aatras ay maagap niyang nahawakan ang braso ko. Napapitlag ako dahil sa pagdampi ng balat niya sa balat ko. "Now, you're going to pay what you did." Hayag niya at itinaas ang kamay. Susuntukin niya ako. Kaya bago pa lumapat ang kamao niya sa mukha ko ay inunahan ko na siya. Tinuhuran ko siya. Impit siyang sumigaw at bago pa man siya makabawi ay sinuntok ko na siya sa mukha at mabilis na tumakbo. Nagmumura namang sinisigawan niya ako habang nakahawak sa harap niya. Bagay nga sayo. Hindi ako nanghihinayang na sinuntok ko ang mukha ng lalaki kahit na gwapo pa siya. Inapi niya ang pagkatao ko kaya bagay lang sa kanya ang ginawa ko. Hindi ako natatakot sa kanya. Nararapat lang ang ginawa ko. Hingal na hingal ako nang tuluyang makalayo. Hindi naman siguro ako maabutan ng lalaki iyon kahit may motor pa siya dahil sa kakahuyan ako dumaan. Umupo ako sa isang nakaulbong ugat ng isang malaking kahoy at doon nagpahinga. Pagkuway napangiti ako dahil nagawa ko ang gustong gawin noong unang beses kaming nagkita. Ngunit, sa kabila nito ay nakaramdam pa rin ako ng takot. Paano kung balikan ako ng lalaking iyon? Mukhang mayaman pa naman at kaya akong ipakulong. Pero hindi. Ako ang naapi rito. At isa pa, hindi naman niya ako mapapakulong dahil menor de edad pa lang ako at higit sa lahat hindi ako mangmang sa batas at alam ko ang mga karapatan ko kapag nagkataon. Nasa tama ako kaya hindi dapat ako matakot. Nang makabawi ng hininga ay umuwi na akong bahay. Naabutan ko naman doon si Aiko na gumagawa na ng apoy. "Ako na diyan Ai-Ai." Wika ko at lumapit sa kanya. "Ako na dito kuya para hindi ka na mahirapan." Napangiti naman ako at ginulo ang buhok nito. "Ang bait talaga ni bunso kaya mahal na mahal ka ni kuya eh." Sabi ko sabay kurot sa kanyang pisngi. Tinungo ko na agad ang kabinet at kinuha ang mga lulutuing gulay. Dahil may pinirito namang isda, pakbet na lang ang lulutuin ko at ito ang gagamitin kong pangsahog. Sakto namang pagkatapos kong magluto ay dumating si tatay. Kumuha agad ako ng malinis na bimpo at pinunasan ang kanyang mukha at likod. Si Aiko naman, ay kinuha ang kanyang boots at inalagay sa ilalim ng hagdan. "Salamat mga anak." Ani tatu at binigyan kami ng isang malaking ngiti. "Nakakawala talaga kayo ng pagod." "Walang anuman tay, tamang-tama tay, tapos na po akong magluto. Kain na po tayo." Gabi na nang umuwi si nanay. Hindi na rin siya kumain dahil tapos na siya sa mansyon. Kaya maaga rin kaming natulog. Kinabukasan ay nasa mansyon ulit kami ni nanay ngunit may bitbit na kaming mga gamit niya. Doon na kasi siya mamalagi dahil ganap na siyang katulong. Kailangan kasing maaga siyang makapagluto ayon na rin sa sinabi ni lola Sima. Minsan daw kasi ay maagang nagigising ang pamilya kaya dapat nakahanda na ang mga pagkain sa mesa. Kaya kinuhang tagapagluto si nanay ay dahil umalis na ang dating tagapagluto rito. Inirekomenda kasi si nanay nang kakilala ni lola Sima. May eksperyensya kasi si nanay sa pagluluto dahil nakapagtrabaho siya sa isang malaking karenderya sa bayan noon at paminsan-minsan ay tinatawag siya ng mga kapitbahay kung may mga handaan. At sa pagsama-sama ko sa kanya ay natuto rin akong magluto. Hindi naman dapat ako pwedeng magtrabaho dahil sa edad ko ngunit nagawang pakiusapan ni nanay si lola Sima dahil na rin sa pamimilit ko. Maliban sa suswelduhin ay sadya ko rin ang makapasok ng mansyon. Kaya tuwang-tuwa ako nang pumayag ito. Hindi na ako tumulong sa pagluluto dahil halos lahat ng niluto ni nanay ay prito lang din ayon na rin sa utos ni Donya Helena na kasalukuyang nakaupo sa may malaking salas nila at nagbabasa ng dyaryo. Nakita pa ako nito kanina na sobrang ikinagulat nito. Ipinakilala naman ako ng maayos ni lola Sima. Pinagsabihan ako na huwag lang maging makulit at magtrabaho ng maayos. Bagamat may pagkaistrikta ang donya, nakikitaan ko naman ito ng kabaitan. Kasama si Mang Elvie at isang katulong ay nagwalis kami sa palibot ng mansyon. Ilang oras din bago kami natapos at halos hindi ko maituwid ang likod dahil sa sakit nito dulot ng pagwawalis. Pagkatapos nito ay diniligan ko naman ang mga halaman at bulaklak sa hardin. Nasa kalagitnaan ako ng pagdidilig nang makarinig ako ng boses ng lalaki na parang may pinapagalitan. Hinanap ko ang kinaroroonan nito at nakita ko ang isang lalaking nakatalikod mula sa direksyon ko habang may katawag sa cellphone. "Fvck you! Humanda ka talaga kapag nakabalik ako diyan! Babalatan kita ng buhay!" Rinig kong mura mula sa lalaki. Pagkatapos ay pinatay nito ang tawag at muling nagmura. Pamilyar naman sa akin ang boses ng lalaki at kahit ang tindig nito kaya ganoon na lang ang gulat ko nang magpasino ito nang humarap ito sa direksyon ko. Naitulos ako sa aking kinatatayuan. Kita mula rito ang pamumula ng pisngi niyang sinuntok ko kahapon. Nakita ko rin ang pagkagulat sa mukha niya nang makita ako pero agad itong napalitan ng galit. Ang mga mata niya'y naging matalim. Nakakuyom ang kanyang kamao habang papalapit siya sa akin dahilan upang mapalunok ako ng ilang ulit. Anong ginagawa ng lalaking ito dito? Bakit siya nandito? Huwag niyang sabihing... Bago pa man siya tuluyang makalapit sa kinaroroonan ko ay walang-malay na naitaas ko ang host sa kanya at sumirit ang tubig muli rito. Nagsisigaw siya habang sinasalag ito. "Fvck! Sh!t! Stop that right now!" Katapusan mo na Mikko. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD