***IKALAWANG YUGTO*** [ Pangsiyam Na Tabas - 3.3 ] BASTA naramdaman ko umupo siya sa kama. Niyakap ko unan ko. "Hoy pards. Seryoso ako--ligawan ko si Makyo. Ano? Tulungan mo ako." Sabi nya. "Bakit pa kita tutulungan? Kaya mo ng ligawan yun. Bigyan mo ng bulaklak at chocolate. Bilhan mo rin ng malaking teddy bear." Ganun ang pinayo ko sa kanya. Pero nakatalikod parin ako sakanya. "Tang!na--hindi naman babae si Makyo para bigyan ko ng ganun." Sagot niya. "Haranahin mo." "Gago. Di ako marunong kumanta at mag-gitara. Alam ko lang magjakol ng magjakol." "Ayain mo lumabas." "Saan naman kami pupunta? Sa mga pinupuntahan ng mga malilibog na tropa? Tsk! Dapat kaming dalawa lang." "Punta kayo, Tagaytay, malapit na rito yun." "Paano kung ayaw sumama? Gago kasi yun pakipot pa--as if naman v

