THIRD PERSON POV Nagulat si Molly nang pagkabukas niya sa main entrance door ng kanyang studio ay bumungad sa kanya ang gwapong mukha ng boyfriend ng kanyang kaibigang si Savannah. Hindi niya inasahan ang pagsulpot nito sa harap ng kanyang negosyo para sa araw na iyon. Molly: Saul? Anong ginagawa mo rito? Sumilip pa siya sa likuran ng lalaki para tingnan kung kasama nito ang kasintahan. Nang wala siyang makitang ibang tao ay muli niyang binalingan si Saul. Napansin niya ang hawak nitong plastic sa kanang kamay. Molly: Anong ginagawa mo rito? Kung hinahanap mo si Savannah, wala siya rito ngayon. Wala kaming photo shoot for today. Napansin ni Molly ang kakaibang ngiti sa mga labi ni Saul bago ito nagsalita. Saul: Ikaw naman, por que girlfriend ko si Savannah, siya na kaagad ang inisip

