KACEY’s POV Mariin akong pumikit habang dinadama ang pagdaloy sa aking katawan ng malamig na tubig na nagmumula sa showerhead. Maraming bagay ang pumapasok sa aking isipan na may kinalaman sa mga taong aking pinaghihigantihan dito sa Malaking Bato Subdivision. Isa na rito ang ginawang pagtataksil ni Paul Madrigal sa asawa nitong si Mila noong araw ng house party na ginanap dito sa aking bagong-biling bahay. Ang kataksilan ni Paul kasama si Krista. Isang pagtataksil na hindi mangyayari kung hindi dahil sa akin. Maganda na rin ang nangyari na hindi si Georgia kundi si Krista ang nakainom ng likidong hinaluan ko ng pampagana sa pakikipagtalik dahil mas magiging mabigat ang consequence kapag isinawalat ko na sa lahat ang tungkol sa gabi ng pagniniig nina Paul at Krista. Si Krista ay pinsa

