KABANATA 17

2184 Words
KACEY's POV Muli kong hinalikan sa mga labi nito ang aking boyfriend na si Bogs bago nito binuksan ang pinto sa tabi ng driver seat ng kotse nito. Aalis na si Bogs mula sa aking malaking bahay para bumalik sa totoong bahay nito na hindi naman gaanong malayo mula rito sa Malaking Bato Subdivision. Talaga namang sinundan lang ako ni Bogs dito sa aking bagong bahay para i-check kung okay ba ang lahat sa aking paglipat at para na rin i-update ako na hindi na namin pwedeng ituloy ang nauna naming plano kaya nag-proceed kami sa aming Plan B ng aking paghihiganti. Hinintay na rin ni Bogs na matapos ang aking in-organize na house party bago nito naisipang umuwi na sa bahay nito at ipagpatuloy ang trabaho nito bilang private investigator. May mga kliyente rin naman si Bogs na kailangang asikasuhin pero rahil sa mahal ako ng aking boyfriend at supportive ito sa aking mga desisyon sa buhay kaya lagpas isang linggo itong nag-stay sa aking bagong bahay. Ngayon nga ay aasikasuhin muna ni Bogs ang mga naiwan nitong trabaho para sa mga kliyente nito ngunit nangako namang pupunta-punta ito rito sa Malaking Bato Subdivision para kumustahin ako at sa tuwing kakailanganin ko ito. Napakaswerte ko talaga sa aking kasintahang si Bogs. Bogs: Basta i-message mo lang ako if you need anything, baby. I'll call you kapag nakarating na ako sa bahay. Lumapit ako kay Bogs at yumakap dito. Kacey: Pwedeng mag-request, baby? Nakangiting nakatingala ako kay Bogs habang nakayakap dito. Nakayuko naman sa akin si Bogs at nang hindi ako nito matiis ay hinalikan ako sa aking mga labi na akin namang ginantihan. Nang maghiwalay ang aming mga labi ni Bogs ay ngumiti ito sa akin. Bogs: What is it, baby? Sumandal muna ako sa malapad na dibdib ni Bogs bago nagsalita. Kacey: Can you say "hi" to my Dad for me? Sabihin mo na rin sa kanyang I'm okay here. I don't want him to worry about me. Can you do that for me, baby? Muli akong tumingala kay Bogs at pa-cute na ngumiti. Bogs: Sure, baby. Iyon lang ba? Sasabihin ko na rin kay Tito Lucas na pupuntahan kita rito paminsan-minsan to check on you para mas mapanatag siya. Okay ba iyon? Matamis akong ngumiti kay Bogs at muli na naman ako nitong hinalikan sa aking mga labi. Hay. Gumagaan talaga ang aking pakiramdam sa tuwing nasa tabi ko ang aking boyfriend na si Bogs. Lumalalim ang halikan namin ni Bogs kaya ako na ang kusang tumapos niyon at baka hindi pa ito makaalis. Natatawa akong tumingin kay Bogs. Kacey: Ikaw talaga, baby. Marami ka pang kailangang asikasuhin. Mamaya kung saan na naman mapunta 'yong paghahalikan natin. Malakas na tumawa si Bogs at umiling-iling. Bogs: Ikaw kasi, baby. Masyado kang masarap kaya lagi akong nate-tempt. Tumawa na rin ako at pabirong kinurot sa tagiliran nito si Bogs. Kacey: Sus. Nambola ka pa. Sige na. Umalis ka na at sigurado akong nami-miss ka na ng mga kliyente mo. Pabiro ko pang itinutulak si Bogs papasok sa loob ng kotse nito. Natatawa namang umupo sa driver seat si Bogs. Bogs: Mami-miss kita, baby. Magugulat ka na lang at nandito na naman ako para samahan ka. Ngumiti ako kay Bogs at ginawaran ito ng isang mabilis na halik. Kacey: Sige na, baby. Hihintayin ko ang pagbabalik mo. Drive safely. Pabiro pang sumaludo sa akin si Bogs at maya-maya lamang ay inihahatid ko na ng tanaw ang papalayong kotse ng aking boyfriend. Hay. Mag-isa na lang ako rito sa Malaking Bato Subdivision. Pero kailangan kong lakasan ang aking loob kung gusto kong mapagtagumpayan ang aking planong paghihiganti kay Edgar at sa mga taong yumurak ng aking pagkatao. Napatingin ako sa bahay na nasa katapat ng aking malaking bahay. Ang bahay ng mag-asawang Edgar at Sandy Santillan. Ngumisi ako nang maalala kung paanong nakipaghalikan si Edgar kay Barbie kahapon sa aking in-organize na house party. Umpisa pa lang iyon ng aking mga plano para sa aking paghihiganti kay Edgar. Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Ang gabing sumira ng aking pagkatao. At kahit wala si Edgar sa lugar nang gabing iyon ay nasisiguro kong siya ang mastermind ng mga bagay na ginawa sa akin ng kanyang mga kaibigang sina Paul, Bernard, Arabella, at Veronica, pati na rin ng binabaeng si Molly. Hindi naman mangyayari sa akin ang mga bagay na iyon kung hindi ako ipinakilala ni Edgar sa kanyang mga kaibigan. Kaya sigurado akong si Edgar ang nag-utos sa kanyang mga kaibigan na gawin ang mga bagay na iyon sa akin. Si Edgar. Si Edgar Santillan ang ugat ng galit na aking nararamdaman sa aking puso. Kaya magbabayad si Edgar. Magbabayad siya sa lahat ng mga kasalanan niya sa akin. Nagbabaga ang aking mga matang muling sumulyap sa bahay ng mga Santillan nang maya-maya ay nakita kong nasa bakuran ng mga ito ang pinsan ni Sandy na si Krista. Base sa aking nakikita ay mukhang aligaga si Krista ngayon. Napangiti ako sa aking isipan. Maaaring iniisip pa rin ni Krista hanggang ngayon ang mga nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Paul kagabi. Malinaw pa sa aking isipan ang mga mukha nina Paul at Krista na punung-puno ng agam-agam at pag-aalala rahil sa katotohanang may nangyari sa kanila kagabi. Nang matuklasan kong naka-lock na ang pintuan ng madilim na kwartong pinagdalhan namin ng aking boyfriend na si Bogs kay Paul ay agad akong humarap kay Georgia at binitiwan ang kamay nitong hawak ko kanina. Kacey: Georgia, I'm sorry kung hinatak kita rito. Magpapatulong sana ako sa iyong kuhanin ang ibang gamit sa loob na pwedeng gamitin ng ibang bisitang gustong mag-overnight dito sa bahay. Kaso hindi ko yata sinasadyang mai-lock ang pinto. Gusto kong hangaan ang aking sarili rahil sa aking husay na mag-isip agad ng idadahilan kay Georgia. Nakita kong kumunot ang noo ni Georgia ngunit tumango rin naman makalipas ang ilang sandali. Georgia: Sige, Kacey. Balik na ako sa ibang bisita. Ngumiti ako kay Georgia at tumango. Kacey: Oh, sure. Enjoy the house party, Georgia. Hinintay kong mawala sa aking paningin si Georgia bago ko kinuha ang spare key para sa naka-lock na kwartong iyon. Ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang makita kung sino ang babaeng kasama ni Paul sa loob ng kwartong iyon. Si Krista. Ang pinsan ni Sandy na asawa ni Edgar na matalik na kaibigan ni Paul. Huling-huli ko sa akto ang nagmamadaling pagsusuot nina Paul at Krista ng kanilang mga pinaghubarang underwear at shorts. Umakto akong gulat na gulat at dahan-dahang isinara ang pintuan ng kwarto. Kacey: A-ano ang ibig sabihin nito, Paul, Krista? Palipat-lipat ang aking nanlalaking mga mata kina Paul at Krista na ngayon ay pareho nang nakaupo sa ibabaw ng kama at nakayuko sa sahig ng kwarto. Umarte akong parang gulantang na gulantang dahil sa aking naabutang sitwasyon ng dalawa. Kacey: Paul, hi-hindi ba ay may a-asawa ka? Kitang-kita ko ang pagsisisi sa mga mata ni Paul nang tumingala ito sa akin. Ilang beses bumuka ang bibig ni Paul para magsalita ngunit agad din naman nitong itinitikom dahil hindi nito alam ang sasabihin. Ganyan nga, Paul. Magsisi ka sa mga kasalanan mo. Napangisi ako sa aking isipan dahil sa aking nakikitang anyo ni Paul ngayon. He seems super lost. Ganitong-ganito ang aking anyo nang gabing iyon kung kailan naranasan ko ang mga masasamang bagay mula kay Paul at sa mga kaibigan nito. Tumingin ako kay Krista at naroon sa aking mga mata ang simpatya para rito. Kacey: Krista, are you okay? Ma-may masakit ba sa iyo? Ka-kailangan mo ba ng tulong? Nakita ko ang takot sa mga mata ni Krista habang nakatingin ito sa akin. Kacey: D-did Paul hurt you? Sandali akong tumingin kay Paul at nakita kong mabilis itong tumingin kay Krista. Nakita ko ang sandaling pagdaan ng pagkataranta sa mga mata ni Krista nang muli ko itong tingnan. Sumulyap muna si Krista kay Paul bago ito muling tumingin sa akin at umiling. Krista: Wa-walang masamang ginawa sa akin s-si Kuya Paul. Nakita ko ang relief sa mukha ni Paul nang marinig iyon mula kay Krista. Pero hindi ko hahayaang tumagal ang relief na iyon sa pagmumukha ni Paul. Umarte akong nag-aalala para kay Krista. Kacey: Paano kapag na-nalaman ito ng Ate Sandy mo, Krista, a-at ng asawa ni Paul? Doon na tuluyang nanlaki ang mga mata ni Krista at nakita ko ang pangingilid ng mga luha sa mga mata nito. Kacey: Hi-hindi ba at matalik na kaibigan pa ng asawa ng pinsan mo si Paul? A-at ano na lang ang sasabihin ng mga taga-Malaking Bato Subdivision? Tiningnan ko si Paul at napangisi ako sa aking isipan nang makita ang pagbalatay ng pangamba at takot sa mukha nito. Muli akong tumingin kay Krista at ipinagpatuloy ang aking pagsasalita. Kacey: Iisipin nilang galit na galit ka sa ginawa sa iyo ni Savannah rahil sa pang-aahas niya sa ex-boyfriend mong si Saul, pero mas matindi pa pala ang ginawa mo rahil may asawang tao ang pinatulan mo. Gusto kong idikdik sa utak ni Krista kung gaano katindi ang epekto ng ginawa nitong pakikipagtalik sa isang may asawang tao at matalik na kaibigan pa man din ng asawa ng pinsan nito. Ngunit habang sinasambit ko ang mga katagang iyon ay sinisigurado ko pa ring naroon ang pag-aalala para kay Krista sa tinig ng aking boses. Nakita ko ang pagdaloy ng isang patak ng luha sa pisngi ni Krista. Perfect. Tumingala sa akin si Krista at nakita ko sa mga mata nito ang pagmamakaawa. Krista: Ka-Kacey, la-lasing kami. Hi-hindi namin alam ang aming ginagawa. Sunud-sunod na ang naging patak ng mga luha sa magkabilang pisngi ni Krista. Tiningnan ko si Paul at nakayuko lamang ito. Lugmok na lugmok ang anyo nito. Well-deserved. Agad kong nilapitan si Krista at umupo sa tabi nito. Niyakap ko ito at hinimas-himas ang likod nito. Kacey: Krista, calm down. Don't worry. Wala akong pagsasabihan ng aking mga nakita ngayon. Umatras si Krista mula sa aking pagkakayakap dito at tumingin sa aking mukha. Krista: Hi-hindi ka mag-magsusumbong kina Ate Sandy at Kuya Edgar? Pa-pati na rin kay Ate Mila? Nakakaunawang ngumiti ako kay Krista at umiling. Kacey: Hindi, Krista. Ikaw at si Paul, both of you are consenting adults. Whatever you do in private is your own business. But the thing is, Paul is married to Mila. At alam mo naman siguro ang ibig sabihin niyon, hindi ba? Matiim kong tinitigan sa mga mata nito si Krista. Hindi rin nawawala ang kunwa-kunwariang pag-aalala para kay Krista sa aking mga mata. Nakita kong nanginig ang mga labi ni Krista at muli na namang pumatak ang mga luha sa magkabilang pisngi nito na sandaling tumigil nang yakapin ko ito kanina. Krista: Na-nalilito ako, Kacey. Hi-hindi ko alam ang gagawin. Napangisi ako sa aking isipan sa aking nakikitang kalituhan sa mukha ni Krista. Nilingon ko si Paul at nakayuko pa rin ito. Kawawang Paul. Hindi alam ang gagawin at sasabihin sa mga oras na ito. Gusto kong purihin ang aking sarili rahil umaayon sa aking mga plano ang nangyaring ito kina Paul at Krista. Muli kong tiningnan si Krista. Kacey: Kung ako ang pinoproblema ninyo, wala kayong dapat alalahanin sa akin. Hindi ako makikialam sa bagay na ito. Nakita ko ang pagkamangha sa mga mata ni Krista. Nahagip din ng aking peripheral vision ang pag-angat ng ulo ni Paul at pagtingin nito sa aking direksyon. Kacey: But friendly advice lang. Mas makabubuti kung sasabihin ninyo ang tungkol sa bagay na ito sa mga taong maaapektuhan oras na sumambulat ito sa kanilang mga mukha. Naguguluhang tumingin sa akin si Krista. Tumingin ako sa tiyan ni Krista at nakita kong sinundan nito ang hinayon ng aking mga mata. Kacey: I assume you didn't use protection dahil sa kalasingan, tama ba? Narinig ko ang magkasabay na pagsinghap nina Paul at Krista. Tumingin ako kay Paul at pagkatapos ay bumalik ang aking tingin kay Krista. Kacey: It may sound cliché but walang lihim na hindi nabubunyag. Sinigurado kong maririnig nina Paul at Krista ang concern sa tinig ng aking boses. Yumuko si Krista at kitang-kita kong gulung-gulo ang isip nito nang mga sandaling iyon. Nang lingunin ko si Paul ay nakita ko ang pagkataranta sa mga mata nito. Mala-demonyong napangisi ako sa aking isipan habang tinititigan si Paul. Umpisa pa lamang ito ng mga sunud-sunod na dagok na darating sa buhay ni Paul. Nagbuntung-hininga ako at tumayo mula sa pagkakaupo sa ibabaw ng kama. Kacey: Lalabas na ako. Make sure na hindi kayo sabay lalabas mula sa kwartong ito. Mahirap na kapag may nakakita sa inyong dalawa na parehong nanggaling dito. Hindi sumagot sina Paul at Krista. Maya-maya ay lumabas na ako ng kwarto at dahan-dahang isinara ang pintuan. Good job to me. Muli kong tiningnan si Krista sa bakuran ng mga Santillan. Mukhang kagagaling lang nito sa pag-iyak dahil namumugto pa ang mga mata nito. Kawawang Krista. Nadamay sa aking planong paghihiganti para kay Edgar. Pero kung iisipin ay hindi ako ang nagdala kay Krista sa kwartong iyon. Sarili nito ang nagdala sa loob ng madilim na kwartong iyon. Maaaring malinis ang aking konsensya sa namagitan kina Krista at Paul. ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD