NILAPITAN agad ni Clover si Trevor nang makita niya itong mag-isang naglalakad papunta sa isang restaurant. May binili naman sandali si Zach sa isang souvenir store kaya nagpaiwan na lang siya sa labas ng tindahan. Sakto pa na nakita niya ang kaibigan kaya nilapitan na niya ito. "Trevor." "Oh, Clover. Good morning." luminga-linga ito sa paligid na parang may hinahanap. "Hindi mo kasama yung boyfriend mo?" "No, he's with me. May binili lang siya sandali. Gusto ko sanang mag-sorry sa'yo about last time. Hindi man lang kita nasamahan mag-breakfast, hindi ko natupad yung kasunduan natin." Trevor chuckled. "Naku wala yun. It seems like your boyfriend just jealous when he saw us together. Ako nga dapat ang mag-sorry, I'm so insensitive." Sakto naman na dumating si Zach. Agad nitong ipi

