Mavvie. Matulin dumaan ang isang linggo, kasabay ng pangungulit ni Albert na pakikipag balikan sa akin. Kaya naman hindi makapurma si Stellan na makalapit sa akin o kahit sa bahay ko. Dahil gustohin man niyang puntahan ako, lagi namang dumaladalaw si Albert. Dahilan na kinainis ni niya. Ngunit isang bagay din na kinatuwa ko dahil nakakaiwas ako sa nais niyang gawin sa'kin. "Hindi parin ba sumusuko ang ex-boyfriend mong manuyo sayo?" Galit at naiinis niyang tanong habang kausap ko sa telepono. Bumuntong hininga ako, at sinilip sa bintana si Albert. "Yes! He still here." Pagod kong sagot sa kan'ya. "D*mn it.. Do something sweetie or else ako ang pupunta d'yan para paalisin siya." Naalarma ako bigla at mabilis umalis sa tabi ng bintana. "No!.. Anong pinagsasabi mo?" Mariing tugon

