Mavvie. Five Years Later The Present...... Malayo pa lang dinig na dinig ko ang halakhak ni Marevic at iyak ni Charlie. Umiling na lang ako dahil sigurado akong bunot na bunot naman ang anak ko sa kakabiro ng Tita niya. Kakauwi ko lang galing bayan para bumili ng grocery namin sa bahay kasama ang girlfriend ni Ethan na si Ashley. "Naku Ate mukhang napasabak nanaman po si Charlie kay Maying!" Natatawang aniya nang marinig din ang iyak ng anak ko pagkababa sa kotse. "Sinabi mo pa," sagot kong nagmamadaling bumaba at papasok sa loob ng bahay para awatin ang kapatid kong bruha. Pagpasok ko pa lang ay agad kumaripas ng takbo ang anak ko papunta sa akin nang makita ako. Umiiyak siya, namumula ang mata at magulo ang buhok nang makalapit sa akin para magsumbong. "Mama... Mama... Mama!

