Mavvie. Makalipas ang ilang minuto nang mapuno namin ang maliit na basket, niyaya na agad kaming kumain ni Tito Anton ng tanghalian. Kwentuhan at biroan ang ganap dahil sa nakakatuwang kwento at bentang-benta naman ang biro ni Anne sa mag-ama habang ako nakangiti lang. Samantala si Stellan panay lang ang sulyap sa akin pero hindi ko pinapansin. Nang matapos ang tanghalian ay agad na rin kaming nagpaalam na uuwi na. Nagpasalamat kami sa bigay nilang prutas bago tuluyang umalis. "Ohhhhh bad mood ka yata Mav?" Tanong ni Anne sa akin nang mapansin akong wala sa sarili habang nagmamaniho ng sasakyan. "Wala to! Wag mo na lang pansinin." "Weee!?.... Dahil ba kay Stellan?... Pansin ko kase na ang lagkit ng titig sayo kanina pa, may hindi ba kayo napagkakaunawaan?" Bumuntong hininga a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


