THREE

1056 Words
Dala ang tray na may ilang bote ng beer, bucket ng yelo, at pulutan at dumiretso si Annina sa table 8. Bukod sa boss niya, may apat pang hindi niya kilalang lalaki ang nakaupo doon at ilang babae na maiiksi ang suot. "Boss Creig. Ito na po yung pinapadala nyo," agaw nya sa atensyon nito. Tumingin naman sa kanya sa Creig. Pati na rin ang mga kasamahan nito, sa kanya nakatutok ang mga mata. But what's bothering her is the man on the rightmost part of the sofa. He’s looking at her intently. Para bang binabasa ang pagkatao niya. Mukhang masungit ang lalaking iyon. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. “Salamat, Anni. Pakibaba mo na lang dito,” yumukod siya at ibinaba ang tray sa lamesa. “I could see your f*cking bra from here, young lady,” halos mapatalon siya sa gulat nang magsalita ang lalaki na nasa dulo. At agad siyang napatayo ng tuwid. Napatingin siya sa dakong dibdib niya. Disente naman ang kanyang damit, nakapolo shirt siyang puti at itim na pantalon, at may pulang apron na nakatali sa bewang niya. Naningkit ang mga mata niya at nakipaglaban ng titigan sa lalaki. Ang bastos naman nito. Ang mga kasama nito sa table, maging ang boss niya ay nagpapalit- lipat ang tingin sa kanilang dalawa. “Don’t display yourself too much in front of me, before I tore that clothes of yours,” she gritted her teeth. Gusto niyang sampalin ang lalaki. Sya pa ang nagdidisplay sa sarili niya? E ano namang masasabi nito sa babaeng nakakandong dito na halos luwa na ang dibdib? Asshole. “Stop it, Gio. Wala namang ginagawa sayo itong magandang binibini,” sabi ng isang lalaking mukhang may halo ding banyaga. “Sige na, Anni. Bumalik ka na sa ibang table,” pambasag din ng kanyang Boss sa titigan nilang dalawa ng walang hiyang lalaki. Bago pa sya tuluyang makalayo sa table ay narinig pa nya itong nagsalita. “Don’t call her Anni, Creig. It does not suit her,” aba at pati pangalan nya pinapakialaman. Ginagalaw galaw niya ang kanyang leeg. This man is getting on her nerves. Sa sobrang inis niya ay halos marinig niya ang marahang pagtunog ng buto sa kanyang leeg. “What is your problem, Gio? I call her Anni, because that's her name,” sagot naman ng boss niya. “Her name sounds stupid,” with that humarap siyang muli dito. Tumuntong siya sa mesa dahilan para kumalat lahat ng nakapatong doon. Halatang nagulat ang mga nakaupo sa table na iyon sa ginawa at hindi makapagsalita ang mga ito. Pati na din ang babaeng nakakandong sa lalaking nagngangalang Gio ay nalaglag sa sahig. Stupid pala ha. Sinuntok niya ang mukha ng lalaki with all her strength. Napamulagta din ito sa ginawa nya at ilang minuto itong hindi makapagsalita at nakatitig lang sa kanya. “My name sounds stupid? Well you look stupid,” sabi niya bago humakbang pababa ng mesa at tinalikuran lahat ng naroroon. Pag talikod niya, agad siyang dumiretso sa banyo at doon inilabas ang sakit ng kamay niya. Huhu, ang sakit palang sumuntok. Pinagpagpag niya ang kamay, pakiramdam niya ay nabali ang mga buto niya doon. Doon lang din niya narealize ang ginawa niya. Patay sya sa Boss Creig nya! *** Tigalgal pa din si Gio. Did a girl just puched him in the face? Ilang minuto bago iyon nagsink in sa kanya. “She is so hot. Should I marry her?” ang sinabing iyon ni Jameson ang nagpabalik sa kanya sa katinuan. Tumalim ang tingin niya dito. Natakot naman ito at napakamot na lang ng batok. “Joke lang naman e,” bulong pa nito. He pinched the bridge of his nose. He is mad right now that he can kill someone. “All of you bitches, get out of my face,” madiin niyang sabi sa mga babae sa table na iyon. Kanina pa sya naiirita sa mga ito. At mas naiirita na sya ngayon. Dali dali namang umalis ang mga babae dahil sa takot sa kanya. “What the-- Alejandro, pati ba naman ang mga babae namin?!” reklamo ni Mirkov, their Greek friend. Napailing iling na lang si Edward sa mga nagyayari. “Wag ka na magreklamo, Greek god, he can kill you, you know,” sabi pa nito. Habang si Creig naman ay pinipigilan ang tawa sa nangyayari. Alam nya kung anong nangyayari kay Giovanni pag galit ito. He has this anger management issue. So, nawawala ito sa tamang katinuan. And he can see that right now, wala na talaga ito sa katinuan. Binalibag nito ang lamesa sa harap nila. “Woah easy. Wag ka naman magkalat dito sa resto-bar ko,” tatawa-tawang sabi ni Creig. Namumula na sa galit si Giovanni na tumingin sa kanya. “Do you want me to rip off your mouth Creig Mckracken?” napatigil naman siya sa pagtawa at umiling iling. “Tell your f*cking employee to hide in hell. Because I swear that I will kill her,” with that tumayo na ito at galit na umalis sa resto-bar nya. Narinig pa nila ang pagharurot nito sa dala nitong Ducati. Pagkaalis na pagkaalis ni Gio ay nagtawanan silang apat. It's really entertaining. Pinipigilan lang nila tumawa. That is the first time na may sumuntok ng ganoon kay Gio, at sa harap pa nilang magkakaibigan. They really salute that girl. “Should we follow him?” tanong ni Mirkov. “He might kill himself,” tatawa tawa pa din ito. “Hayaan mo sya, nahurt lang ng sobra ego nun,” that’s Edward na pailing iling na lang habang nakangiti. “You have great employees here, Creig,” komento ni Jameson na siyang may pinakamalakas na tawa sa kanilang lahat. “I know, dude, I know,” pagkasabi niyang iyon ay tumunog ang cellphone ni Jameson. Sinagot niya iyon at aksidenteng nailoud speaker. “Hello, Jameson the Handsome, speaking.” “F*ck you, Ramirez. Laugh while you can. Cause I’ll f*cking tear your throat,” at pinatayan sya bigla ng caller. Nagkatinginan silang apat. At nang ipakita niya kung sino ang tumawag, napahagalpak na naman sila ng tawa just to see that it’s Gio. They did not even know how he can call while riding a motorcycle. That man, is a real shitty magician. -----------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD