FIVE

1725 Words
“When are you going to stop daydreaming, lady?” gulat na gulat siya nang makitang bukas na ang pinto ng kotse at bored na bored na nakitingin sa kanya si Giovanni. Kanina pa ba siya tulala? Nagpalinga-linga siya. Nasa harap sila ng isang restaurant. Anong ginagawa nila dito? “Don’t test my patience, Annina,” galit na wika ni Gio. Dali-dali naman siyang lumabas ng sasakyan. Mahirap na, baka kung ano pang magawa nito sa kanya. Hinatak siya nito papasok sa restaurant at halos madapa siya. Umupo ito sa isa sa mga customer's seat sa VIP area. Single at double sofa ang upuan sa VIP area depende sa dami ng customer. At kahit dadalawa lang sila ay sa double sofa naupo si Gio. Siya naman ay nanatili lang nakatayo. Hindi man lang siya nito ipinaghatak ng upuan. She sighed. Ano pa bang aasahan niya? Gio is Gio. Di pa siya nasanay. “Hey, Gio my friend. It’s been so long since your last visit here. And who's this beautiful-- Anni?!” si Creig ito, ang dati niyang boss. Ibig sabihin, pag-aari din pala ni Creig pati ang restaurant na ito. Hindi din naman nakapagtataka, dahil halata naman sa hitsura ng restaurant na first class iyon. “Just get us the menu, deepshit,” nakakunot ang noo na sabi ni Gio. Tinamaan na naman ito ng menopause. “And you,” baling nito sa kanya. “Can you just f*****g sit?” iritado na namang sabi nito bago sumandal sa sofa at binaling ang tingin sa ibang direksyon. Nagkatinginan na lamang sila ni Creig. “Still ungentleman, Gio?” tatawa tawang sabi ni Creig bago siya pinaghatak ng upuan. “Upo ka na, Anni,” nakangiting sabi nito at kinindatan pa siya. Hindi pa din talaga nagbabago ang dati niyang boss. He is still the same playful and happy-go-lucky Creig Mckracken. “Shut up, d*ckhead,” iritadong iritado na ang hitsura na Gio habang nakatingin sa kanilang dalawa. “Easy, dude,” tila sayang saya na naman si Creig sa nangyayari. Gustong gusto talaga nitong asarin si Gio at makitang tila sasabog na ito sa galit. She smiled at the thought. “Why are you smiling, lady?” nakatingin na pala sa kanya si Gio. Nakakunot na naman ang noo nito. Agad agad niyang itinago ang ngiti. “Here's the menu, Gio,” binasag ni Creig ang awkward na hangin sa pagitan nila ni Gio. Inabot naman iyon ni Gio, ngunit pinatong lang sa mesa. Isinandig nito ang ulo sa sofa at pumikit. “Just give us something edible,” napailing iling na lang si Creig. “Sige, Anni. Just give me time, and I swear to give you our best seller here,” nakangiting sabi nito kay Anni bago dumiretso sa kusina. Siya naman ay napatingin na lang kay Gio. Ni hindi man lang nagbago ang hitsura nito. He’s still as handsome as before. At heto siya, tila dekada ang nadagdag sa edad. *** “And where do you think you're going, lady?” napatigil siya sa paghakbang nang marinig ang madiin na boses na iyon. Three days had passed mula noong sinundan siya ng hinayupak na Gio na ito sa kanilang bahay, hinalikan at ginawang alila. At dahil talaga namang walang hiya ang lalaki, tinodo na nito ang pangbwibwisit sa kanya. Doon ito natulog sa kanilang bahay nung gabing iyon, at para makabawi siya, hindi niya ito pinatulog sa kwarto. Hinayaan nya itong magsumiksik sa pagkaliit liit nilang sofa. Ngunit hindi pa natatapos iyon, kinabukasan ay nagpumilit itong ihatid siya sa eskwelahang pinapasukan niya. At nang hindi siya pumayag, ay pinasan siya nito sa braso na parang sako ng bigas at ipinagpilitang ipasok sa kotse nito! Kaya ngayon ay pinagtataguan na niya ito. Dahil hinatid siya nito sa eskwelahan, pinag uusapan na tuloy siya ng mga kaklase niya. At mas umiral ang mga katagang “binebenta na niya ang sarili niya sa mayayamang lalaki.” Ngunit talagang ipinapahamak siya ng tadhana. Heto at naabutan pa din siya ng lalaki. Nakita niya itong pumasok sa Resto-bar at pasimpleng lumilinga linga. Parang may hinahanap. At alam nyang siya iyon. Bwibwisitin na naman siya nito. Paano ay hindi maka-get over sa ginawa niyang pagsuntok sa harap ng mga kaibigan. Talaga yatang nagasgas ang ego nito. Lumapit ito kay Mariel. Mabuti na lang at malayo ang distansya nya dito. Tila nag uusap ang dalawa at nang bigla na lamang tumingin sa direksyon nya si Mariel ay agad siyang yumukod at nagtago sa ilalim ng lamesa. Buti na lang at madilim ang resto-bar. Dahan-dahan siyang nakayukod na naglakad papasok sa opisina ng Boss Creig niya at nagdrama na masakit ang kaniyang tyan at uuwi ng maaga. Pinayagan naman siya nito. Heto nga’t sa back door pa siya ng resto-bar dadaanan. Pero talaga yatang may sa halimaw na dugo si Gio at naabutan pa din siya. “I’m asking you, lady,” nakakunot na ang noo nito. Napatayo siya ng tuwid at akmang inaayos ang pulang apron na nakatali sa bewang niya. “Ehem. Nagtatapon lang ng basura,” palusot niya. Mas lalong kumunot ang noo nito. “Then why the f**k are you crawling?” “Ahm, hehe,” napakamot siya ng ulo. Gumagapang ako para di mo ko makita duh. “Tss.” Bigla na lamang nitong hinigit ang kamay niya at tuluyan siyang hinatak palabas sa back door. Halos makaladkad siya sa bilis nitong maglakad. “Hoy, at saan na naman tayo pupunta?!” reklamo niya. Nakarating sila sa parking lot. Ngumisi lang ito, at naramdaman niyang may kung ano sa tiyan niya. “We’re going to a party.” *** “How long are you going to f*****g stare at me like that?” halos mapatalon siya sa gulat. Napakurap-kurap siya. Gio is looking at her intently. Kunot ang noo nito at irita na naman. Gaano katagal na ba siyang nakatitig dito? “For about 10 minutes,” mas lalo siyang napamaang nang sinagot ni Creig ang nasa isip niya. At kailan pa ito nakaupo sa tabi niya? “For about 15 minutes,” nakangisi na ito. Siya naman ang nangunot ang noo. “Nakakabasa ka ba ng isip?” maang na tanong niya. “Nope. But I can read expressions,” nakangiting tugon nito. “Shut up, Creig. Get the hell outta here,” si Gio iyon na nagsisimula nang kumain. “Okay okay, grumpy old man. Just don’t forget about Jameson. 5pm, St. Augustine Chapel. See you later, Anni,” pagkasabi niyon ay kumindat pa ang loko bago tumalikod pabalik sa kusina. Hm. Ano kayang meron? Napatingin siya kay Gio na nakayukod at tahimik na kumakain. Napabuntong-hininga na lamang siya. Ano na naman kaya ang kailangan ng lalaking ito sa kaniya? For the past 6 years, naging tahimik ang buhay niya- na tila iingay na naman ngayon. Ibinaba ni Gio ang kubyertos at tumingin sa kanya. “The food won’t eat itself, lady,” tumigil ito sa pagkain at tila hinihintay siyang kumain. He even crossed his arms. Napatingin siya sa mga pagkain sa mesa at nanlaki ang mata nang makitang tila may piyesta doon. Ngayon nya lang napansin na napakaraming pangmayamang pagkain sa mesa nila na kaya na yatang magpakain ng sampung tao. Ibinalik niya ang tingin kay Gio. Kakain ko lahat ng ito? Gusto sana niya iyong itanong. Pero tila nabasa na din nito ang iniisip niya. “Eat, skeleton. Before I eat you,” nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Agad- agad siyang yumuko at nag-umpisang kumain. Nakita pa niya sa gilid ng mga mata niya ang pagngisi ni Gio, pero agad ding nawala iyon at napalitan ng seryosong mukha. *** “Saan na naman tayo pupunta?” ayaw sana niyang magreklamo dahil alam niyang magagalit si Gio. Pero hindi niya mapigilan. Pagkatapos na pagkatapos kasi nilang kumain ay kinaladkad na naman siya nito pabalik ng kotse. Sa dami ng nakain niya, pakiramdam niya ay masusuka siya. Kaya ipinikit niya ang mga mata sinandal na lamang ang ulo niya sa may bintana. Hindi naman sumagot si Gio. Basta nagpatuloy lang ito sa pagmamaneho, kaya naman namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa buong biyahe. Kalahating oras ang lumipas ay naramdaman ni Anni na tumigil na ang sasakyan. Nagmulat siya ng mata at nakitang nasa tapat sila ng isang boutique. “Follow me,” lumabas na si Gio at siya naman ay walang reklamong sumunod dito. Hindi pa ba sila titigil sa pagpunta punta kung saan-saan? Nararamdaman niya ang kaunting pagkahilo sa ginagawa nila. Pagpasok nila sa boutique ay agad silang in-accommodate ng manager doon. May sinabi si Gio sa manager na hindi niya masyadong maintindihan. Basta't nakita na lamang niya ang sarili niyang nasa loob ng fitting room at isinusuot ang isang black formal dress na hapit sa kanyang katawan. “Mrs. Alejandro, tapos na po kayong magsukat?” narinig niya ang marahang pagkatok ng manager sa pinto ng fitting room. Kumunot ang noo niya. Siya ba ang tinutukoy nito? At kailan pa siya naging si Mrs. Alejandro? Nag-alangan pa siyang lumabas ng fitting room. Pero sa huli ay wala din siyang nagawa. Pagkalabas niya ay nakita niyang naghihintay si Gio sa kaniya. Nakadekwatro itong nakaupo sa sofa at nakahalukipkip ang mga kamay. Nakaitim din itong formal suit. “Ang ganda po ng asawa ninyo, Mr. Alejandro,” nakangiting sabi ng manager. “Hindi nya po ako asawa--” “Yeah, she’s beautiful.” Tila umakyat ang dugo niya papunta sa kaniyang mukha dahil sa sinabi nito. Tila narinig na niya ang mga katagang iyon dati. Tumayo si Gio at ikinawit ang kamay niya sa braso nito. “Saan ba talaga tayo pupunta, Gio?” hindi niya mapigilang tanong. “It's Ramirez,” simpleng sagot nito. Si Jameson ba ang tinutukoy nito? “Today’s his sister's death anniversary,” napatingin siya kay Gio. Ngayon lamang niya nalaman na may kapatid pala si Jameson. Napabuntong-hininga na lamang siya. She feels sorry for him. “Let’s go, lady,” iginiya siya ni Gio palabas ng boutique. Ngunit bago iyon ay inilapit nito ang bibig malapit sa tenga niya at bumulong. Bumagsak ang balikat niya. Sa loob ng anim na taon, si Gio pa din talaga ang nag-iisang taong may kakayahang wasakin ang puso niya. “Even if I cover you in gold, you're still the same old rusty metal. Trash.” ----------------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD