Chapter 4

1046 Words
KESHA MUGTO man ang aking mata dahil sa pag-iyak ko kagabi na hindi ko alam kung tumahan ba ako o hindi, pinilit kong bumangon dahil may klase ako ngayon. Gusto kong mawalan ng gana sa lahat ng bagay, gusto kong magmukmok dito sa kwarto ko pero hindi naman pwede dahil mas lalo akong kamumuhian nila Papa. Takot na akong muling makagawa ng mali sa paningin nila ni Mama kaya lalabas ako na parang walang nangyari. Nakailang hinga ako nang malalim para lang makumbinsi ko ang sarili na ngumiti at muling humarap sa mga tao sa labas nitong kwarto ko. "Aja!" saad ko at ngumiti. Binuksan ko ung pinto ng kwarto ko at tahimik ang paligid, siguro ay wala na ang mga kapatid ko. 'Makakakain ako nang maayos at hindi inaasar, hindi ko kailangan magpanggap' Masayang saad ko sa sarili ko na kahit mabigat pa ang loob ko. Ang masayang pakiramdam ko ay napawi nang makita kong sabay-sabay na kumakain ang pamilya ko at masayang nagkukwentuhan. Ang mabigat kong pakiramdam ay mas nabalutan ng lungkot at parang pinipiga ang tiyan ko. 'hindi ka talaga mahalaga sa kanila' Malungkot na kausap ko sa sarili ko at ilang ulit na sinuntok ang dibdib ko para maalis ang sikip at sakit. Muli akong huminga nang malalim at pilit inilagay ang ngiti ko sa labi tapos ay naglakad papasok ng kusina kung saan nandoon na din ang kainan namin. "Good morning po," nakangiting bati ko pero wala naman bumalik na bati sa akin. Patuloy pa din sila sa pag-uusap at hindi ako tinapunan ng tingin ng ninoman kaya umupo na lang ako sa upuang nakalaan sa akin at marahang kumuha ng pagkain. Isang sandok na kanin, kalahating hotdog at isang tuyo lang ang kinuha ko. Ayon na lang kasi ang natitira kaya naman ayon na lang ang kinuha ko. Natapos ang almusal namin na walang pumapansin sa akin. Pagod na pagod ang katawan ko kahit kagigising ko lang at wala pa akong ginagawa. Agad naman akong napaigtad nang mabitawan ko ung baso na hinuhugasan ko. Halos maiyak na ako nang makita kong basag na ito. Dali-dali kong pinulot ang mga basag na parte ng baso kahit pa nanginginig ang mga kamay ko. Sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga luha ko dahil sa kaba at sakit ng mga bubog na lumilikha ng sugat sa kamay ko. Mabilis kong itinapon sa basurahan lalo na noong narinig ko ang boses ni mama. Nagkunwari akong tahimik na naghuhugas kahit na tumutulo pa din ang luha ko. "Ano ang bumagsak?" tanong nito nang makarating s'ya sa kusina. "Wala po, itong pong basong plastic, nabitawan ko lang po," tugon ko na hindi lumilingon sa kan'ya. Hindi naman na s'ya nagsalita kaya kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko. Mabilis kong tinapos ang paghuhugas ko para matapon ung basura na pinagtapunan ko. Ayoko ng makita nila Mama iyon dahil katakot-takot na naman na sermon at pananalita ang sasabihin nila. Ayoko na, nakakapagod ng masabihan ng mga masasakit at nakakababa ng pagkatao ko. Sa edad kong labing walo, pinagdadaanan ko na ang mga bagay na ito. —----------- TAHIMIK akong naglalakad sa school at bahagya pang nakayuko dahil wala ako sa mood na magpagamit ngayon kila Ella lalo nararamdaman ko pa din ung sakit ng mga sinabi nila sa akin. Pagpasok ko sa classroom namin, pinili kong umupo sa pinakalikod at dulo. Yumuko ako sa mesa ko at doon pinakinggan muli ang mga kaklase ko na nagkukwentuhan. Invisible naman ako sa kanila kaya hayaan na. Pagod na akong isiksik ung sarili ko sa kanila para lang mapansin at may kakwentuhan ako, pero lagi naman din akong out of place sa kanila. Nawawalan na ako ng gana na gumawa ng hakbang para mapalapit sa kanila. Parang kila Papa, natatakot na akong gumalaw o kumilos lalo na pag nasa malapit sila dahil pakiramdam ko unting kilos ko mali para sa kanila. Kahit anong ngiti at pagpapalakas ko ng loob ko, natatalo pa din ng lungkot at takot na makagawa na naman ako ng ikakagalit at ikakadisappoint ni Papa sa akin. Buong klase akong nakatingin lang sa teachers ko, pinilit kong intindihin ang mga lessons namin para kahit papaano ay makapasa ako sa mga exams at quizzes namin. Agad akong nagligpit ng gamit ko matapos ang huli naming subject. Katulad noon, wala namang may pake kung umalis ako agad ng room namin. Hindi muna ako umuwi ng bahay at pumunta muna sa parke malapit sa amin. Habang nakaupo ako sa bench dito sa park, napapaisip ako, mapapansin kaya nila Papa kung hindi ako uuwi? Mag-aalala kaya sila kung malalaman nilang wala ako sa bahay? Hahanapin ba nila ako? O baka magiging masaya sila kasi wala na ang anak nila nagkamali lang mabuo, wala na silang anak na itatago sa kwarto. Habang nagdadrama ako doon, hindi ko namalayan na umuulan na pala at unti-unti na akong nababasa. Imbes na tumayo at umuwi ng bahay, mas pinili kong manatili doon at magpakabasa sa ulan. Katulad ng inaasahan ko, walang nag-intay o sumalubong sa akin nang makauwi akong basang-basa, kaya naman dumeretso na lang ako sa kwarto ko at hindi na nag-abalang tumingin sa kusina kung nandoon sila. Ibinaba ko ung bag ko at umupo sa gilid ng kama. Tumutulo ang luha ko habang nakatulala at pilit humahanap ng sagot sa tanong na. 'Anong mali sa akin?' Sinusubukan ko namang maging mabuting anak at maasahan sa lahat ng bagay pero bakit napakaunfair nila? Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon at iniluwa no'n ang kuya ko. Nakakunot ang noo n'ya habang may bitbit na tubig at gamot. "Inumin mo 'to," saad nito at padaskol na binaba ang tubig at gamot. "Maligo ka din, baka magkasakit ka," habol n'ya sabay talikod. Napangiti naman ako ng unti dahil ginawa n'ya. Nakita pala n'ya ako kaninang pumasok. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil nag-aalala pala- "Pag nagkasakit ka gastos pa, wala ka na ngang naitutulong pahihirapan mo pa sila Papa. Wag kang magdepress-depress'an! Itigil mo iyang pag-iinarte mo!" singhal nito sabay pabagsak na sinara ang pinto. Agad naman napawi ang ngiti ko dahil sa tinuran n'ya. Nag-iinarte? Ang arte ko? Hindi kasi nila nararamdaman ang nararamdaman ko kaya nasasabi nilang maarte ako. Kung sila kaya ang nasa kalagayan ko, masasabi pa kaya nilang nag-iinarte lang ako? ----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD