Ilang buwan ang lumipas ngunit tila wala man lang indikasyon na buhay ang katipan. Maski ang ama nito ay tila di rin alam kung totoo ba ang sinabi ng taong kumontak dito para sabihing nasa pangangalaga nito ang dalaga. Maging ang ina ng babae ay wala din palang alam sa nangyari dito. lumipat na kaagad siya sa condo niya after na nagkausap sila ng ama ng katipan. Siya na din ang nag take over sa mga kompanya na pag aari ng babae. Naglabas ng fake marriage contract nila ang ama nito para di na makapalag ang board na siya ang uupo in behalf of Nestea. Nagalit sa kanya ang mga kaanak ng dati nitong asawa, lalo na nang malaman na halos lahat ng ari arian ay ipinasa sa kanya. Mahirap lang ang pamilya na pinagmulan ng dati nitong asawa, ni hindi nga nagkakorona. Pero malaki ang naging tulong ni

