CHAPTER 14: SURPRISE

3702 Words
SALAMAT PO SA MGA PATULOY NA NAGBABASA NITONG STORY KO. SORRY DIN SA IBANG LAME UD AT CHAPTERS. SANA MAINTINDIHAN NYO NA ITS MY FIRST TIME TO RIGHT A STORY PO. -----------------------CJME-----------------------------         Chapter 14: SURPRISE           THIRD PERSON P. O. V Pagkaalis na pagkaalis ni James sa lugar kung saan pumunta sina Josh at Carlo ay dumiretso ito sa bahay nila kasama ang tropa nya. At sinabihan na may importante silang pag uusapan. "Oh tol anong importante nating pag uusapan?" biglang tanung ni Anthony pagkapasok nila sa kwarto ni James. "Pag uusapan natin ngayon kung papano ako babawi kay Josh at kung papano ako hihingj ng tawad." sagot naman ni James. "Yun lang naman pala eh.. Simple lang edi kausapin mo sya." bagot na saad naman ni Anthony. "Hindi yun ganun tol. Gusto ko unique yung tipong masosorpresa talaga sya." nakangiting sagot naman ni James. "Edi bat di ko nalang sya isurprise sa monday." singit naman ni Jeff. "Yun nga ang problema di ko alam kung papano." saad naman ni James. At yun na nga nag usap usap na sila sa gagawin nilang plano para sorpresahin si Josh sa darating na lunes. Pagkaraan ng halos tatlong oras na pag uusap eh nagsiuwian na rin ang mga kaibigan nito at sya naman ay nahiga nalang sa kama nito para matulog. Habang si Josh naman at Carlo ay papauwi na rin na masayang nag uusap sa kotse ni Carlo. Hanggang sa makarating ito sa mga mansion ng mga MC ADAM. "O sya dito na ko. Sige huh pasok na ako sa loob." pagpapaalam ni Josh bago ito lumabas ng sasakyan. "Sige..... See you on monday nalang Josh." nakangiting saad naman ni Carlo. "Sige.... Ingat ka sa daan. Tsaka wag kong bilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan at baka madisgrsya ka." saad naman ni Josh at mabilis na pumasok sa bahay nila. Pero naalala pa rin nito ang napag usapan nila ng taong mahal nya kaya naman ang saya ng mukha nito ay napalitan nanaman ng lungkot. Kaya dali dali itong umakyat patungo sa kanyang kwarto at agad na inilocm ang pinto nito. Sapagkat ayawnitong malaman ng mga kuya nya na may problema ito. Kaya naman pagkapasok nito sa kanyang kwarto ay nagbihis na ito ng damit pantulog at saka humiga nalang. Ngunit di talaga napigilan ni Josh na maiyak sapagkat bumabalik balik pa rin sa isip nito ang tagpong nangyari sa kanila ni James at labis itong nasaktan sa mga nasabi ng binata. Hanggang sa nakatulog na ito. ------------------------------------------------ JOSH P. O. V. Monday came at matamlay akong tumayo sa kama ko.  At naglakad papasok sa aking banyo para gawin ang morning ritual ko. At pagkatapos ay bumaba na ako para kumain. "Good morning princess." bati sa akin ni Ate Glen at tinanguan ko lang ito saka ako umupo at kumain na. "Ahemm.. Princess para kang namatayan dyan." natatawang saad ni Kuya Jopeth. "Sana nga Kuya eh." matamlay na sagot ko dito na ikinatigil nila sa pagkain. "Are you okay princess??  May problema ka ba??" sunod sunod na tanung ni Kuya Alex habang seryosong nakatingin sa akin. "Ahh opo kuya okay lang ako. Dami ko lang iniisip. Mga school matters lang kuya." pagsisinungaling ko dito at sana naman at paniwalaan nila. At tumango nalang sila. Hay naku mabuti nalang at naniwala sila. But i know Kuya Alex alam ko na hindi pa sya kumbinsido kasi palagi ko syang nahuhuling nakatingin sa akin. Hanggang sa natapos na kaming kumain at lumabas na ng mansyon. "Sige kuya una na ako. Ang dami ko lang aayusin sa school kuya eh." paalam ko dito at para na rin makaiwas sa mga mapanuring mata ni Kuya Alex. "Sige princess ingat ka nalang. Tsaka dahan dahan sa pag dadrive." sagot naman nito. Kaya pumasok na ako sa kotse ko at saka ko binuhay ang makina at pinaandar na. At nung malapit na ako sa paaralan namin ay may kakaiba akong nararamdaman. Di ko matukoy kung no sapagkat halo halo ang nararamdaman ko. May nararamdaman akong kaba na parang tuwa na iwan di ko alam. Pero isa lang ang natutukoy ko na mag mangyayari ngayong araw na to. Pero di ko lang lam kung masama ba o maganda ang mangyayari. Hay naku kung anu ano nalang ang naiisip ko. Mabuti pat makapark na nga lang. At pagkapark na pagkapark ko ay mabilis akong lumabas ng jotse at mabilis na nilakad ang gate namin. Ngunit ng nakaapak na ako sa gate namin eh napatigil ako sa paglalakad ng may isang grade even na lumapig sabay bigay ng isang  rosas at may note pa talaga. "To the world you may be one person... But for me your my world." Yan ang qoutes na nakalagay sa kasamang sulat. Wahhh nakakakilig naman nito. Kaya di ko napigilang napangiti. "Diretso lang po kayo ate." nakangiting saad nung estudyanteng nagbigay sa akin ng bulaklak kaya naman sinunod ko ang utos nya. At pagkaparating ko sa unahan may isa nanamang estudyante na lumapit sa akin sabay bigay naman ng rosas na may kasamang sulat. "Kung ikaw ay pusporo at ako rin ay pusporo. Isa lang ang ibig sabihin nito. Edi MATCH tayo." Wahhhh nakakakilig na talaga ang mga banat nito. If i know pasimuno to ni Carlo. Yung taong yun talaga palagi nalang akong napapasaya. Kaya naman nag umpisa nanaman ako sa paglakad at ganun pa rin ang nangyari. Hanggang sa natigil ako sa tapat ng Classroom namin kasi sarado pa ito at may nakasulat na.  "SEE ME IN ROOFTOP". Kaya di na ako nag aalinlangan pa at mabilis akong nagtatakbo paakyat ng rooftop para magpasalamat kay Carlo dahil sobra sobra na tong nagawa nya para sa akin. Ag habang nagtatakbo ako eh napapangiti at napapatawa ako sa mga nangyayari ngayong araw. At pansamantalang nakalimutan ko ang nangyari sa amin ni James nung nakaraang Biyernes. Kaya nga laking pasalamat ko at hindi ako iniwan at pinabayaan ni Carlo. Kahit na magkaibigan lang kami. Pero nagtataka lang ako kasi kung makapag effort sya daig ko pa ang gf nya kung pasahahin nya ako. Haysst ano ba tong iniisip mo. Mabuti pa bilisan ko na ang pagtakbo ko. Kasi di ko na mapigilan ang sarili ko. Gusto ko ng magpasalamat sa kanya. Sa lahat ng kabutihang nagawa nya. At sa lahat ng naitulong nya sa akin. At nung nasa bungad na ako ng pintuan papuntang rooftop ay tumigil muna ako saglit at inayos ko muna ang sarili ko para naman maayos at kaaya aya akong tignan pag nakaharap ko na si Carlo. At nung sa palagay ko ay okay na eh. Pinihot ko na ang doorknob at mahinhin akong hjmakbang papasok sa rooftop. At napatulala nalang ako sa nakita ko sa rooftop. Kasi may isang nakaset na table sa gitna yung parang sa isang mamahaling restaurant at may mga taga tugtug pa sa gilid. Waahhh grabe namang effort to. Oh my god. Kaya di na ako nakahakbang at nanatili lang ako sa kinatayuan ko habang manghang mangha pa rin sa nakikita ko. Grabe wow.. Ang ganda talaga ng pagkakaset at nakakakilig. "Nagustuhan mo ba?" biglang saad ng isang pamilyar na boses na nasa likuran ko. Kaya hinarap ko ito para kompermahin. "A- ahh e-ehh i-ikaw ang m-may g-gawa nito??" nauutal na tanung ko dito. "Yeah.. Ano maganda ba??  Nagustuhan mo ba??" tanung naman nito. Siguro yayayain nya si Nicole dito mamaya para magtapat na sya. "Ah ehh oo naman ang ganda and i like it." sagot ko naman pero kinakabahan ko masyado. Akala ko ba galit to sa akin. At akala ko ba ayaw nya muna akong kausap. Pero bat ganito ang kinikilos nya ngayon. "Shall we??" seryosong tanung nito at saka nilahad ang kamay nito. "Huh??" naguguluhang saad ko dito. "Sabi ko. Can we it na. So we can eat." pag alok nito. At talagang mas lalo akong naguluhan. Waahhh ano ba ang nangyayari. "Huh??  Ahh ehh bat ako??  Tsaka tapos na akong kumain sa bahay." nahihiyang sagot ko dito. "Bakit sino pa ba sa tingin mo??  Wala naman akong ibang sinabihan na pumunta dito kundi ikaw lang." seryosong saad naman nito na mas ikinabigla ko lalo. So that means sya ang may pakana ng lahat. Pati yung pagsalubong sa akin sa gate. "You mean ikaw ang may pakana ng lahat ng ito?  Pati yung pagsalubong ng mga estudyante sa akin?" diretsang tanung ko dito. "Yes its all me. Syempre kasama na rin ang mga barkada ko."sagot naman nito sabay kamot sa batok nito na parang nahihiya pa. Wahh ang gwapo nya lang tignan. "Huh??  Ahh ehh pero ba-bakit.?" pagtatanung ko pa "Wala lang.. Gusto lang kitang sorpresahin. Tsaka gusto kong bumawi sayo. At higit sa lahat gusto kong makausap ka ng maayos." seryosong sagot nito na ikinabigla ko. "Akala ko ba ayaw mo na ako makausap o makasama?" tila nagtatampo kong saad. "At saka ako ba talaga ang  inimbitahan mo dito??" dugtong ko pa. "Yun nga gusto kitang makausap para linawin ang lahat lahat. At oo ikaw lang ang inimbitahan ko. Bakit sa tingin mo may iba pa ba akong iimbitahan maliban sayo??" seryosong sagot naman nito. "Aba malay ko ba.. Baka kasi si Nicole pala talaga ang gusto mong makasama dito." saad ko naman. "Bat ko naman iimbitahan si Nicole dito." tanung nya naman sa akin. "Ewan ko sayo. Djba kayo palagi magkasama at ang sweet sweet nyo pa nga sa isat isa." pagdadrama ko. "Wait... wait... wait... Nagseselos ka ba kay Nicole." nakangiting saad nito na ikinabigla ko. "A-ano??  Ako magseselos??  At bakit??  Kapal mo huh." saad ko naman dito. "Asus sabihin mo nalang na nagseselos ka lang eh." panunukso pa ulit nito. "Di ah... Tseee bahala ka nga dyan." pagtagampo ko at akmang aalis na ako ng bigla nyang hawakan ang braso ko at mabilis na hinika ako saka nya ako niyakap. "Wag kang mag alala at wag ka ng magselos ikaw lang ang BABE ko." sagot pa nito na naging dahilan para biglang bumilis ang t***k ng puso ko. At ramdam ko ang pag init ng mga pisnge ko dahil sa sinabi nya. "Come on samahan mo muna akong kumain." dugtong pa nito saka ako inalalayan papunta sa nakaset na table. "Pero diba may pasok tayo. Baka napagalitan tayo nito." nag aalalang saad ko dito. "Dont worry di tayo mapapagalitan. Nagpaalam na ako sa tatlo nating subject teacher pati na rin sa principal." nakangiting sagot nito. Like what... At talagang pinaghandaan at plinank nya talaga to??  Hmm for sure may kinalaman ang mga lokaret kong kaibigan dito. "Aba pinagplanohan talaga huh." nakangiting saad ko dito. "Syempre para sa babe ko eh.. Tsaka para masolo kita. Palagi nalang kasing si Carlo ang kasama mo eh." sagot naman nito sabay upo pagkatapos nitong alalayan ako sa pag upo.. Wah ako na ang maganda. Hahahahaha. At dahil din ang puso ko di naman mapalagay.. Waahhhh.. At ayun na nga kumain na kami. Konti lang ang kinuha kong food kasi tapos na akong kumain sa bahay. At nung tapos na kami ay saka kami nag usap. "So ano pag uusapan natin at kailangan ganito talaga ng set up?" pag oopen ko ng topic kasi parang wala syang balak na magsalita eh kaya ayan ako na g nauna. "Kagaya nga ng sinabi ko kanina na gusto kong bumawi sayo kaya ganito talaga dapat ang set up. At saka gusto ko sanang humingi ng tawad da pakikitungo ko sayo sa buong linggong ito. Lalong lalo na sa mga nasabi ko sayo kahapon. Alam ko nasaktan kita dahil sa mga nasabi ko kahapon kaya eto ako sa harap mo buong pusong humihinge ng tawad." malumanay na saad nito. "Okay lang yun. Atleast ngayon eh bumawi ka naman. Pero matanong lang kita bat naging ganun bigla ng pakikitungo mo sa amin lalo na sa akin eh diba nakapag usap na tayo last monday afternoon??" nagtatakang tanung ko dito. "Ganito kasi yun............. JAMES P. O. V. Pagkatapos naming kumain dito sa naiset ko eh naging tahimik na ang buong paligid. Tanging ang tugtug lang ng mga inarkila kong musician g naririnig. Ayokong magsalita kasi nahihiya ako lalo nat sa dami ng nagawa ko sa kanya. "So ano pag uusapan natin at kailangan ganito talaga ng set up?" pag oopen up nya ng topic. Hay mabuti nalang at sya ang naunang magsalita. "Kagaya nga ng sinabi ko kanina na gusto kong bumawi sayo kaya ganito talaga dapat ang set up. At saka gusto ko sanang humingi ng tawad da pakikitungo ko sayo sa buong linggong ito. Lalong lalo na sa mga nasabi ko sayo kahapon. Alam ko nasaktan kita dahil sa mga nasabi ko kahapon kaya eto ako sa harap mo buong pusong humihinge ng tawad." malumanay na sagot ko dito. Totoo naman na gusto ko talaga bumawi sa kanya sa lahat ng p*******t ko sa kanya. "Okay lang yun. Atleast ngayon eh bumawi ka naman. Pero matanong lang kita bat naging ganun bigla ng pakikitungo mo sa amin lalo na sa akin eh diba nakapag usap na tayo last monday afternoon??" tanung naman nya ulit at dun ako nabigla sa huling tanung nya. Kasi di ko alam kung saan ako magsisimula sa pagsagot. O kung tama ba na sabihin nalang ang totoo at lahat ng narinig ko. Alam kong magagalit sya kapag nalaman nya na dahil lang dun sa narinig ko kaya ako nagalit sa kanya. Pero ito ang tama para tuluyan na kaming magkaayos. At dahil nga wala akong choice kaya sasabihin ko nalang sa kanya lahat lahat. "Ganito kasi yun......                * FLASHBACK* Maaga akong nagising ngayon dahil sa sobrang saya at excited kasi naman ayos na kami ng babe ko. Kaya di na ako nag aksaya ng oras mabilis kong tinungo ang aking banyo para makaligo. Pagkaraan ng ilang minuto eh lumabas na ako at mabilis na nagbihis. Pagkatapos nag suklay at naglagay ng wax para naman maging gwapo ako sa paningin ng babe ko kahit na gwapo naman talaga ako. Pagkatapos nagspray din ako ng kaunting pabango saka mabilis na bumaba para kumain. "Good morning everyone." masiglang bati ko sa lahat ng narito sa dining area. "Oh ano nakain mo at ganyan ka kasigla anak." tanung ni mom. "Wala lang naman mom." sagot ko dito sabay halik sa kanyang pisnge. "Wala lang pero ang ngiti mo kakaiba. Hmmm. " singit naman ni ate. "Wala naman talaga ate. Masaya lang ako dahil sa wakas nagkausap at nagkaayos na kami ng babe ko." masayang saad ko naman. "Ayun naman pala eh. Kaya pala ganyan nakangiti. O sya kumain ka na dito baka Malate ka pa." saad naman ni mom kaya naman mabilis akong umupo sa upuan ko at mabilis na kumain. Pagkatapos kong kumain eh mabilis akong nagpaalam sa kanila at tinungo ang aking sasakyan at saka ko pinaharorot. At masaya akong nakarating ng paaralan. At masaya akong naglalakad sa hallway na may malaking ngiti sa aking mga labi dahil sa tuwa. Ngunit napawi ang ngiti kong ito ng may narinig akong nag uusap. "Oh my gosh girl grabe talaga ang ganda ni Josh. Biruin mo boyfriend nya na si Carlo yung isa sa campus heartthrob na captain ng soccer varsith team." saad nung isang babae. Na mukhang ka year level lang namin. "Oo nga girl i heard na palagi daw yun sa bahay ng mga MC ADAM kaya pala kasi sila na." saad naman nung isa na mas lalong kinainit ng ulo ko. "At ito pa girl may nakakita raw a kanila na nagyayakapan habang naghahalikan kahapon dun sa terrace ng mga MC ADAM. Grabe ang sweet nila" saad naman nung parang nerd kasi mag suot na salamin habang ako aty nagtitimpi na di makagawa ng kung ano. "At ito pa huh. Kung hindi raw ana pinakiusapan ni Carlo si Josh na makipag usap at makipag bati kay James. Siguro hanggang ngayon magkaaway pa yung dalaw." saad naman ni g bakla. Kaya naman mas lumala ang galit ko. "Hala yun pala yun. Akala ko naman totoo talaga na makipag bati si Josh yun pala napipilitan lang dahil sa bf nya." react naman nung naunang nagsalita kanina. At di ko na kayang makinig kaya naman tumalikod na ako at nagpatuloy sa paglalakad na puno ng galit. Akala ko ba totoo ang lahat ng pinagsasabi nya kahapon. Yun pala napipilitan lang. Pwes ganun ang gusto nya edi ibibigay ko. Saad ko sa isip ko habang patuloy na naglalakad hanggang sa nakita ko sina Josh at Carlo na masayang naglalakad habang naghaharutan na ikinagalit ko lalo. Kasi nasasaktan ako kasi mahal na mahal ko yung tao. Kaya ayun pumasok na ako pero wala akong pinansin kahit na niisa. Dahil sa galit na galit ako dahil dun sa mga nalaman ko.           *End of flashback* "Wow huh dahil lang dun nagalit ka agad sa akin??  Di mo man lang ako kinompronta kung totoo ba lahat ng narinig mo James." maddin na saad ni Josh alam ko na galit na sya. "Kaya nga eh.. Sorry Josh kasi nagpadala ako sa galit ko at naniwala ako sa mga sabi sabi ng ibang tao at nagalit ako ng di ko man lang inalam ang totoo mula sayo." paghingi ko naman ng tawad dito. "Okay sige lilinawin ko ang lahat lahat sayo huh. Hindi kami ni Carlo at walang kami. Oo aaminin ko hinahatid nya ako sa bahay minsan pero never pa syang nakapasok sa amin. At higit sa lahat mali ang mga narinig mk tungkol sa amin ni Carlo. Carlo is my boy bestfriend at ayaw ko masira yung samahan naming iyon. Kaya sa susunod sabihan o kausapin mo ako kung may mga tsismis o sabi sabi ka nanamang marinig bago ka magalit. Ara wala tayong problema. Kuha mo ba??" mahabang saad nito. Hay mabuti nalang talaga at hindi pa sila ni Carlo. It means may labang pa ako. Pwedi pang maging kami. Kaya ngayon palang dapat bakuran ko na sya. Hindi man kami pero para sa akin kami na at akin lang sya. "Oo na sa susunod gagawin ko na yun. Basta pasensya ka na talaga Josh." saad ko pa. "Hayaan mo na yun. Pabayaan nalang natin. Siguro may mga tao talagang gagawin ang lahat para lang makapanira ng tao. At saka kalimutan na natin yun ang importante eh ito bati na at magkaayos na tayo. Pero sa susunod na ulitin ko pa ang ginawa mo hay naku James ewan nalang talaga. " mahabang saad nito. Hay naku mabuti nalang ag napakabait talaga nitong babe ko. "Oo na babe di na mauulit pa." nakangiting saad ko dito. "Tsee babe babe ka dyan. Di ako baboy noh." pag dadrama nito. "Asus asus nagdrama ka nanaman."pang aasar ko dito. "Tsee manahimik ka nga. Haysst tara na nga pasok na tayo." saad naman nito kaya naman ayun bumaba na kami at pumasok sa room namin. "Ayun ohh nagkabati na ang lovebirdss..." biglang sigaw ni Anthony pagkapasok namin. Wala pa kasi ang guro namin. "Gago lovebirds mo mukha mo." sigaw naman ni Josh pabalik dito. At tinawanan lang naming lahat. Pagkatapos eh naupo na kami sa aming mga upuan. "Oh ano bes ayos na kayo??" biglang tanung ni Lewis. Na tinanguan lang ni Josh. "Mabuti naman kung ganun at hindi nasayang ang effort nya." saad naman ni Ivy. "Wahh ikaw na bes.. Ikaw na ang maganda. Tignan mo di pa kayo pero ganun na makaeffort. Take note naghingi lang ng sorry pano pa kaya kung nanligaw ano.." nakangiting saad ni Lewis na ikinapula ng mukha ng babe ko... Hahaha kinikilig sya. "Tsee manahimik ka nga.. Napakadaldal mo talagang bakla ka." saway ni Josh dito. Nakakatawa talaga tong mga to. "Asus asus makabakla ka akala mo naman babae ka. Porket nasorpresa lang ganyan na huh." singit naman ni Ivy. "Correct bes.. Naku naku. Makabakla ka wagas huh.. Landi mo." saad naman ni lewis sabay tawa kaya napatawa na rin ang dalawa. At ako naman ay napailing nalang sa kakulitan ng tatlo. Hanggang sa pumasok na  nga ang huling gusto namin bago mag lunchbreak at nag umpisa ng maglecture. Hanggang sa nagbell na nga para lunchtime. Kaya nag ayos na kami ng gamit at sabay sabay na lumabas ng classroom.. THIRD P. O. V Masayang naglalakad ang anim na magbabarkada papuntang cafeteria habang ang mga estudyante sa paligid nila ay napapalingon at nagbubulong bulungan pa. Ngunit pinagsawalang bahala lang nila ito. Pero di nila alam na may masamang nakatingin sa kanila sa isang banda habang masaya silang naglalakad. "O pano ba yan girl nag epic fail yung plan mo." saad nung isa nyang kasama. "Yeah girl what you gonna do na this time. Tignan mo oh masaya na silang nagsasama sama." dugtong naman nung. "Pwedi ba magsitahimik nga kayo. Nakakairita kayo eh. Imbes na tulungan nyo ko eh pinapainit nyo pa ang ulo ko." biglang sigaw nung pinakaleader nila. "Wooahh chill girl... So ano na nga ang plano mo." saad naman ulit nung isa. "Dont tell me wala ka pang plano matapos mag epic fail yung plano mong pag awayin sila." saad naman nung isa. "Bobo ka ba Cristy. Ako si Nicole mawawalan ng plano. Just watch and learn girls. Kung ngayon nag epic fail ang plan ko pwes sisiguraduhin ko na sa susunod ako na ang mananalo." nakangiting sagot naman nito. "Pero pano pag nalaman nila na ikaw ang nag utos dun sa mga estudyanting narinig ni James na nag uusap usap sa hallway??" tanung bigla nung isa. "Relax Jessy walang makakaalam nun unless kung ilalaglag nyo ako sa kanila." saad naman ng leader nila. "Dont worry girl di ka namin ilalaglag alam mo namang magsisters tayo diba. At alam mo naman na kinamumuhian namin ang mga baklang yan kasi mga mang aagaw sila." saad naman nung nagngangalang Cristy. "Enough with that girl ang mabuti pa kumain nalang tayo. At pag isipan ang susunod na gagawin natin." kalmadong saad ni Nicole at mabilis na lumabas sa pinagtataguan nito at mabilis na naglakad papuntang Cafeteria at di nila alam na may nakarinig pala sa nalang usapan nila. -----------------------cjme----------------------------- Waahhh ayan nakapag update ulit si ako. Sorry kung medyo sabaw ng every chapter ko. Di pa kasi fully develop ang pagiging writer ko at first time ko lang to. Sorry din sa mga typos and errors. Again enjoy reading guys.. Please keep oreading and voting also guys... ©CasseopiJaneMinneaE
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD