Lumipas ang isang linggo, naging abala si Iridessa hindi niya pwedeng hayaan na mapawalang besa ang divorce nila at makuha ni Triton ang naiwang ala-ala ng kanyang magulang. Mula nang makausap nila si Atty. Salvador, hindi muna pinatuloy ni Iridessa si Marcelito sa penthouse. Kahit nangungulila siya sa init at proteksyon ng Don, kailangang unahin ang seguridad ng kanyang imperyo. Ipinatawag niya si Carina, ang kanyang pinagkakatiwalaang assistant at operations manager, para simulan ang isang palihim pero masusing internal audit. Tila walang katapusan ang gabi sa loob ng penthouse. Tanging mabilis na pagtipa sa keyboard at pagbuklat ng mga folder ang maririnig. Sa ilalim ng liwanag ng laptop, bakas sa mukha ni Iridessa ang determinasyon, pero ang bahagyang panginginig ng kanyang mga kamay

