Makalipas ang ilang araw, ang Ninoy Aquino International Airport ay walang pakialam ang iba normal ang kilos, wala silang kaalam-alam na may isang malaking iskandalo. Pagbaba pa lang nina Triton at Elena sa arrival gate, sinalubong na sila ng isang pangkat ng mga pulis na pinamumunuan ni Major Santos. "Ms. Elena Callantes, also known as Elena Frijas, you are under arrest for the murder of Mr. and Mrs. Callantes," deklara ng pulis. Agad na nagkagulo. Pumagitna si Triton, ang mukha ay namumula sa galit. "Anong kalokohan ito?! Mga gagô ba kayo? Alam niyo ba kung sino ang binabangga niyo? I am a De Villa!" "Wala kaming pakialam kung sino ka, Mr. De Villa," sagot ni Major Santos habang inilalabas ang warrant. "May utos ang korte. At kasama ka sa dadalhin namin sa presinto para sa kasong VAWC

