Sa bahay ng mga De Villa, masayang idinaraos ang kasal ni Triton at ng kanyang longtime girlfriend na si Iridessa Callantes, ang nag-iisang anak at tagapagmana ng Callantes Corp. Si Triton ay ang bunsong anak ni Don De Villa, at masaya siya para sa kanyang anak dahil natagpuan na nito ang babaeng makakasama niya habang-buhay.
Abala si Iridessa sa pag-asikaso sa mga bisita, lalo na sa kanyang mga business partner na dumalo sa kasal.
"Congratulations, Ms. Dessa," masayang bati sa kanya ng mga ito bago ibigay ang kanilang mga regalo. Agad naman niya itong tinanggap at ibinigay sa kanyang personal maid na tahimik siyang sinusundan.
"Thank you so much," naiiyak niyang pasasalamat. Kahit papaano ay dumalo sila sa mahalagang araw na ito para sa kanya. Alam niyang abala ang mga ito kaya labis siyang nagpapasalamat sa kanilang pagdalo.
"Enjoy your day, Ms. Dessa... I mean, Mrs. De Villa!" Pang-aasar sa kanya. Nagtawanan naman sila.
"Nasaan si Triton? Simula nang dumating kayo, hindi ko na siya nakita?" Tanong ng isa niyang kasama sa negosyo.
Iginala ni Iridessa ang kanyang paningin. Wala na ito sa puwesto kung saan kausap nito ang mga bisita kanina.
"Baka nakikipag-usap pa sa ibang bisita," nakangiti niyang sagot. Humingi siya ng paumanhin at lumapit sa ibang bisita, sinasabing kukuha lang siya ng pagkain.
Lumapit siya sa mesa ng pamilya ni Triton upang itanong kung nasaan ang kanyang asawa.
"Excuse me, Ate Cressida, nakita mo ba si Triton?" Tanong niya sa asawa ng kapatid ni Triton.
"Hindi, 'e. Ang huli kong kita sa kanya ay kasama ang mga kaklase niya noong college," sagot nito. Napatango naman si Iridessa.
"Nakita mo ba si Triton?" Tanong naman ni Cressida sa asawa niyang si Calypso na abalang nagpapakain sa kanilang anak.
"Huli kong nakita, kausap niya ang kanyang sekretarya," sagot nito.
"Ano 'yan, araw ng kasal nila ni Iridessa, trabaho pa rin ang nasa isip? Sobrang workaholic naman 'yan!" Umiiling na sabi ni Danika. Asawa ito ng kakambal ni Calypso na si Callisto.
"Tingnan mo na lang sa loob, Dessa, baka nandoon," sabi naman ni Callisto. Tumango na lamang si Iridessa bago tuluyang lumakad patungo sa loob ng mansiyon.
Pagpasok niya, nakasalubong niya si Don De Villa, buhat ang anak ni Callisto. Agad siyang nagmano bilang paggalang.
"Dad, nakita mo ba si Triton?" Tanong niya.
"Nasa opisina niya, kausap ang kanyang sekretarya. Doon kami galing. Pinagalitan ko nga dahil araw ng kasal ninyong dalawa, trabaho ang inaatupag," agad na sagot nito. Nakita niya ang pagod sa mga mata ni Iridessa at napailing na lamang siya.
"Puntahan mo na lang siya sa loob. Kami muna ang bahala sa mga bisita," utos nito. Ngumiti naman si Iridessa bago tuluyang pumasok. Sinundan siya ng tingin ng Don hanggang sa makaakyat siya sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Nang nasa tapat na siya ng pinto ng opisina ni Triton, bigla siyang nakaramdam ng kaba sa hindi niya malamang dahilan.
Kumatok siya bago tinawag ang pangalan ng asawa ngunit walang sumasagot. Muli niya itong kinatok, nang sunod-sunod at mas malakas kaysa kanina.
Maya-maya pa ay bumukas ito. Ang salubong na kilay ni Triton ang sumalubong sa kanya. Napukaw ang kanyang atensiyon sa babaeng nakaupo sa may sofa, walang iba kundi si Vesper, ang 'malanding' kaibigan ng kanyang asawa.
“Anong ginagawa mo rito, Iridessa?” Tanong niya na may halong pagkairita. Huminga nang malalim si Iridessa bago sumagot.
“Ikaw ang anong ginagawa rito? My god, Triton, kanina ka pa hinahanap ng ibang bisita,” sagot niya dito sa malumanay na boses.
“May inaasikaso ako. Mahalaga ito,” sabay turo niya sa mga document na nakakalat sa mesa.
“Araw ng kasal natin, Triton! Akala ko ba maglalaan ka ng oras para sa atin? Nandiyan naman ang sekretarya mo, kaya niya namang gawin iyan. Anong silbi niya?!” Hindi na niya maipigil ang sarili dahil napag-usapan na nilang dalawa ito. Sa araw ng kasal nila, isasantabi nila ang lahat ng trabaho, at isang buwan silang naka-vacation leave.
Ang pangako ni Triton ay maglilibot silang dalawa sa iba’t ibang bansa.
“Puwedeng ba, Iridessa, mamaya na tayo mag-usap. Aayusin ko lang itong maling nagawa n—”
“Wala na tayong pag-uusapan, Triton! Akala ko, okay na! Akala ko, babawi ka! Mahalagang araw natin 'to! Sana sa pagbalik na lang natin inayos iyan! Bakit kailangan pa niyang dalhin dito?!” Putol niya sa sasabihin ni Triton. Dismayado siyang nakatingin sa kanyang asawa.
Mahal na mahal niya si Triton, kahit madalas ay wala itong oras para sa kanya. Iniintindi na lamang niya dahil hindi naman madaling mag-handle ng isang kumpanya.
Tila natauhan naman si Triton nang makitang umiiyak ang asawa. Nilapitan niya ito at niyakap.
“I’m sorry, susunod ako. Mabilis lang ito,” bulong niya dito. Lalong nadismaya si Iridessa dahil kahit anong gawin niya’y hindi siya ang priority ni Triton.
Masama ang loob niyang bumaba ng hagdan. Agad naman siyang sinalubong ng kanyang personal maid.
“Carina, sabihin mo kay Philip na ihanda ang sasakyan. Uuwi na tayo,” malungkot ang boses niyang utos. Hindi na nagtanong si Carina at agad itong sumunod.
Lumabas si Iridessa ng mansiyon at lumapit sa ama ng kanyang asawa.
“Dad, uuwi na po muna ako. Si Triton na po ang bahala rito,” paalam nito. Nagtaka naman si Marcelito dahil sa sinabi ng kanyang manugang.
“Nasaan si Triton?” Tanong niya.
“Tatapusin lang daw niya iyoo—”
“Anong tatapusin? Hindi naman importante iyon! Puwede niya yang pirmahan pagbalik ninyo galing bakasyon!” Putol nito sa sasabihin ni Iridessa. Nagkibit-balikat lang ito dahil hindi na niya alam.
May pagsisisi siyang nararamdaman kung tama pa bang nagpakasal silang dalawa. Ayaw niyang makaramdam ito dahil mahal na mahal niya si Triton.
“Sige na, ako na ang bahalang kumausap kay Triton. Alam kong pagod ka na rin,” anito. Tuluyan nang nagpaalam si Iridessa. Gusto niyang umalis doon dahil lalo lamang siyang nasasaktan.
Nagtataka naman ang ibang bisita dahil sa biglaang pag-alis ni Iridessa. Hindi pa nga nagsisimula ang party para sa dalawa.
“Dad, what happened?” Tanong ni Callisto pagkalapit niya sa kanyang ama.
“Huwag mo akong kausapin! Hindi ko maintindihan sa kapatid mong walang pakiramdam! Inuna pa ang walang kuwentang trabaho kaysa sa asawa niya!” Galit na sagot niya bago lumakad patungo sa mansiyon. Sumunod naman si Callisto dahil mukhang malilintikan ang bunso nilang kapatid.
Saktong pagpasok nila’y kabababa lang ni Triton sa hagdan kasama nito ang kanyang sekretarya.
“What have you done, Triton?!” Galit na sigaw niya sa kanyang anak bago ito malakas na sinampal.
“Are you lost your mind, huh?! Araw ng inyong kasal, pero nagawa mong talikuran para sa walang kuwentang trabaho?!” Muli niyang sigaw dito. Gulat na gulat naman si Triton dahil ngayon lang siya napagbuhatan ng kamay ng kanyang ama.
“Dad, importante ang trabahong i—”
“Mas importante ang araw na ito, Triton! Umalis na si Iridessa! Sana man lang inisip mo rin kung anong nararamdaman niya! Sinabi ko sa iyo, pag-isipan mo nang maraming beses kung handa ka nang pasukin ang buhay may-asawa!” Sermun niya dito. Tumingin siya sa sekretarya ni Triton.
“Ikaw naman, alam mong importante ang araw na ito! Talagang dinala mo pa dito ang dapat mong trabaho?!” Baling nito sa sekretarya ng kanyang anak.
“Malala na yang pagiging workaholic mo, Triton. Sana naman kahit ngayon lang, inilaan mo ang araw na ito para sa inyo ni Iridessa,” dismayadong sabi ni Callisto sa kanyang nakababatang kapatid.
“Ano pang ginagawa mo dito? Puntahan mo na si Iridessa! Huwag mong hintayin na tuluyang magdilim ang paningin ko sa iyo!” Galit pa ring sermon ni Marcelito sa kanyang anak.
Kahit noon pa, sakit na niya sa ulo si Triton. Habang tumatanda ito, palala nang palala ang ugali nito.
Walang nagawa si Triton kundi sumunod sa ama. Sumakay ito sa kanyang kotse at pinaharurot palabas ng kanilang bahay.
Habang sa bahay naman ng mga Callantes, nagulat sila sa biglaang pag-uwi ni Iridessa. Nagtungo agad ito sa kanyang silid at doon nag-iiyak.
“Anong nangyari, Carina?” Nag-aalalang tanong ni Diodora, ang mayordoma doon sa mansiyon ng mga Callantes.
“Hindi ko alam. Pagkatapos nilang mag-usap ni Sir Triton, gusto na niyang umuwi. Pero narinig ko kanina, nagtatrabaho pa rin si Sir Triton kahit araw ng kasal nila,” kuwento niya sa ginang. Napabuntong-hininga naman si Diodora bago tumingala sa ikalawang palapag ng mansiyon.
Ulila na si Iridessa. Tanging mga kasambahay na lang nila ang kasama niya sa mansiyon. Minsan ay dinadalaw siya ng kanyang mga tiyahin o kaya mga pinsan niya. Pero mas sanay siyang mag-isa. Sa edad na eighteen ay siya na ang umupo bilang CEO sa kanilang kumpanya. Hindi naging madali para sa kanya dahil nag-aaral pa ito. Marami siyang pinagdaanan bago naging successful.
Napatingin ang mga kasambahay kay Triton sa bigla nitong pagpasok sa mansiyon. Nag-sisigaw ito na para bang walang mga tao sa kanyang paligid.
“Nasaan si Iridessa?” Hingal na hingal niyang tanong.
“Sabi ni Ma’am Dessa, ayaw ka muna niyang kausapin,” seryosong sagot ni Carina.
“Hindi matatapos ito kung papairalin niya ang kanyang makitid na utak!” Galit na sabi nito, dahilan para lalong mag-init ang ulo ni Carina.
“Ako pa ang makitid ang utak ngayon, Triton? Ang dami mong pangako, pero ni isa, walang natupad! Sana naman bigyan mo rin ako ng oras, hindi puro trabaho! Dahil hindi lang ikaw ang busy, marami din akong kailangang gawin sa kumpanya ko. Pero naglaan ako ng oras para sa iyo, sa araw na ito! Sana hindi mo na lang ako niyayang magpakasal kung hindi ka pa pala handa!” Sagot ni Iridessa habang pababa ito ng hagdan.
“Irid, please give me a chance. Alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ang kumpanya,” mahinahon nitong pagmamakaawa na parang hindi ito isang tigre kanina.
.
.
.
ITUTULOY