CHAPTER 34

1525 Words

Ang hangin sa loob ng visitation room ay tila nauubusan ng oksiheno habang nagtatagpo ang paningin ng mag-ama. Si Marcelito ay nakaupo nang tuwid, bakas sa kanyang tindig ang isang taong hindi kailanman natitinag ng anumang unos. Sa kabilang banda, si Triton ay mukhang basang sisiw—magulo ang buhok, lukot ang damit, at ang mga mata ay namumula sa puyat at takot. "Papa! Salamat naman at dinalaw mo ako!" bungad ni Triton, ang tinig ay puno ng desperasyon habang sumusubsob sa mesa. "Kailangan ko ng piyansa, Papa. Ngayon din. Kailangan nating pigilan si Iridessa! Sinisira niya ang pangalan natin! Ginamit niya ang kapangyarihan ng mga Callantes para idiin ako!" Malamig na tinitigan ni Marcelito ang kanyang anak. Hindi niya ito tiningnan nang may awa, kundi nang may matinding pagkasuklam. Daha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD