---- Naglakad ang dalawa patungo sa isang pribadong villa na hindi kalayuan sa dalampasigan. Ang villa ay nababalot ng katahimikan, tanging ang tunog ng mga insekto at hanging dagat ang maririnig. Pagpasok sa loob, bumungad kay Triton ang isang malawak na sala na tanging dilaw na ilaw lamang ang nagbibigay ng liwanag. "Dito muna ako tumutuloy," mahinang sabi ni Elena habang naglalakad patungo sa bar counter. "Pasensya na, hindi ko inaasahan na magkikita tayo rito." Naupo si Triton sa malambot na sopa, ang kanyang isip ay gulong-gulo pa rin. Hindi siya makapaniwala na ang babaeng iniyakan niya ng maraming taon ay nasa harap na niya ngayon. Kumuha si Elena ng isang bote ng mamahaling alak at dalawang baso. Ibinalik niya ang kanyang tingin kay Triton, at sa ilalim ng malamlam na ilaw, kita

