Kinabukasan, maagang gumising ang dalawa para sa second check-up ni Iridessa. Mas kampante na sila ngayon kaysa noong una, pero hindi pa rin mawala ang excitement at kaunting kaba sa tuwing makikita nila ang maliit na buhay sa screen ng ultrasound. Pagkatapos ng matagumpay na check-up—kung saan sinabi ng doktor na everything is on track at normal ang lahat ng vital signs ni Iridessa—ay hindi agad sila umalis ng clinic. Pinatapos muna ni Marcelito na makapag-ayos ang dalaga bago siya lumapit at umupo sa tabi nito sa loob ng pribadong silid ng doktor. Hinawakan ni Marcelito ang dalawang kamay ni Iridessa at tinitigan ito nang may malalim na emosyon. "Iridessa, narinig mo ba 'yung t***k ng puso niya kanina? Mas malakas na kumpara noong nakaraang linggo. Sabi ni Dr. Santos, healthy ang devel

