Kinabukasan, habang pinapanood ni Marcelito ang pag-alis ng sasakyan ni Iridessa patungong Maynila, agad niyang tinawagan ang kanyang pinaka-pinagkakatiwalaan na tauhan, si Bernardo. Si Bernardo ay isang retiradong intelligence officer na tanging kay Marcelito lang tapat. “Bernardo,” bungad ni Marcelito. “Nakaalis na siya. Gusto kong bantayan mo ang bawat galaw niya sa Maynila. Ang mga lugar na pupuntahan at kung sinong kakausapin niyang mga tao. At lalong-lalo na ang mga lalaking lalapit sa kanya.” Utos niya dito habang seryosong ang mukha. “Masusuno, Don Marcelito. Pati po ba ang pakikipag-ugnayan niya sa asawa niya?” Tanong ni Bernardo. “Lahat. Huwag mong hahayaan na mawala siya sa paningin mo. But tandaan mo ito: Huwag kang magpapakita. Gusto kong maramdaman niyang malaya siya. At k

