Chapter 100

1971 Words

"Come here," tawag nito sa kanya na may bakas ang inis sa tinig. Dahan-dahang lumapit si Shantelle at naupo sa kama katabi nito. "Ano ba ang problema mo? Galit ka na naman ba sa akin dahil sa usaping pagkakaroon ng anak?" "S–Stanley, a-alam mo naman na hindi pa ako handa!" nanginginig ang boses na tugon niya. "Kailan ka pa magiging handa? Kapag nawala na ako sa piling mo?" salubong ang kilay na tanong nito. Napatingin si Shantelle sa mga mata nito. "Ano ang ibig mo sabihin?" "Kapag hindi tayo magkaanak agad. Gagawa ng paraan si Lolo para lang paghiwalayin tayo," paliwanag nito. Gusto niya malaman kung ano ang magiging reaksyon ni Shantelle. Hindi nakasagot si Shantelle, napayoko lang siya. Naguguluhan siya ngayon. Ang isipin na maghihiwalay sila ay tila dinudurog na ang puso niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD