NAKA BALIK NA kami ng Manila at agad na pumunta sa basement kung saan dinala ang tatlong animal. Nagpumilit din si Eugene na sumama kahit pa nga hindi ko siya pinayagan dahil kagagaling pa lang naman niya sa hospital. Pero makulit siya kaya pinayagan ko na dahil hindi daw ako aalis ng bahay hangga't hindi siya ang kasama. Tinungo namin ang lugar kung saan ang basement na sinabi ni daddy. Pinagmaneho narin kami ng driver ni daddy. Nandito kami ni Eugene sa backseat habang magkahawak ang kamay. Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana at iniisip ang gagawin ko sa tatlo lalo na kay Nathalie. Kung dati ay nakokonsensya pa ako dahil sa pagtanggal ni daddy sakanya sa work pero ngayon hindi na. Nawala ng lahat ang awa ko sakanya at napalitan ng inis. Nang makarating kami ay a

