DAHAN-DAHAN akong sumilip sa kwarto at hinanda ang sarili ko. Bumungad sa paningin ko ang maaliwalas na kwarto. May malaking bintana at may kurtina na kulay white. Walang higaan sa kwartong 'to. May lamesa at may naka patong na mga ginagamit pang painting. May mga nagkalat na brush, color, sketch book, at mga pencil na ginagamit ng mga artist. Medyo nawala ang kaba ko dahil wala naman akong kakaibang nakita sa loob ng kwarto. Hindi katulad sa mga iniisip ko na bangkay or halimaw. May mga nakatayo ding wooden sketch pad pero may naka taklob na sa puting tela bawat isa. Ipinalibot ko pa ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto dahil wala talaga akong makitang kakaiba. Naglakad ako palapit sa mesa at tinignan ang mga kalat sa mesa. Kay sir Perseus siguro ang mga 'to. Kaya siguro ayaw niyan

