HINDI AKO mapakali sa swivel chair ko ng malaman kong nandito si Caius sa kompanya. Kanina pa din ako panay tingin sa salamin at baka oily face na pala ako. Hindi pwedeng pangit ang itsura ko kapag nag ikot-ikot si Caius. Kanina pa din panay ang tawa ng kaibigan kong si Lovely. Alam niya kasi na baliw na baliw ako kay Caius. Inayusan pa talaga niya ako kanina ng kilay para mag mukha akong maganda. Mabuti nalang at supportive siya sa 'kin kundi sasabunutan ko siya kapag hindi. Mabuti nga at nakahanap ako ng kaibigan na katulad kay Lovely. Kaya kapag walang-wala siya ay tumutulong talaga ako. Para naman maibsan ang bigat ng problema niya. Tahimik ang buong office namin at tanging tunog lang ay ang keyboard ng computer namin. Busy- busyhan ang mga kasama ko dahil nalaman lang nila na nandi

