NAGLALAKAD ako papasok ng kompanya habang ka text ang kaibigan kong si Lovely. Maaga kasi daw siyang pumasok kaya kinukulit niya ako na pumasok na dahil wala daw siyang ka chikahan. Ganito talaga ako, eksaktong 7:30AM talaga ako umaalis sa unit ko. Malapit lang naman kaya hindi ako mahihirapan, hindi ko na din kailangan sumakay pa ng taxi dahil kayang lakarin. Regalo sa 'kin ni daddy ang condo unit na tinitirahan ko matapos akong gumraduate ng college. Ako na din ang pinapili ni daddy kung saang condo building ang gusto ko. Napili ko yun dahil malapit lang sa kompanya na pinapasukan ko. Para hindi ako malate dahil ang hirap ko pa naman gisingin. Medyo nalulungkot si mommy dahil sila nalang dalawa ni daddy sa bahay at ang mga maid. Si ate Sunshine ay nakatira na ngayon sa Makati sa bahay

