NAGISING AKO dahil sobrang sakit ng ulo ko. Sobrang sakit din ng katawan ko na parang binugbog. Tumingin ako sa paligid ko habang kinukurap ang mga mata ko dahil nanlalabo 'to. Ipinalibot ko ang tingin ko at napansin ko na nasa hotel room ako. Tumingin ako sa katawan ko at nakitang may nakatakip na kumot sa katawan ko. Sumilip ako sa ilalim ng kumot at nakitang naka suot lang ako ng bra at panty. Napangiwi ako nang igalaw ko ang katawan ko. "Bakit ang sakit ng katawan ko?" Tanong ko pa sa sarili ko. Hindi lang katawan ko ang sumakit kundi ang gitna ko. Masakit din ang singit ko pati narin ang balakang ko. "Ano bang nangyayari?" Tanong ko ulit sa sarili ko. Lahat yata ng katawan ko ay masakit maging ang ulo ko pero mas masakit ang p********e ko. Tinignan ko pa ang panty ko at maayos

