Eugene's Pov Bumalik ako sa bahay matapos ang magdamag na paghahanap ko kay Sunshine. Nadatnan ko din ang bahay na nakabukas at wala na do'n si Amber. Siguro ay umalis na siya ng tuluyan. Mabuti narin yun ng mawala na siya sa landas ko. Tinungo ko ang hagdan para pumunta ng kwarto ko. Laking gulat ko ng makita kong nakabukas ang pintuan ng kwarto ko. Dali-dali akong pumasok at nakita ang magulo kong kwarto. Napamura ako ng ibang damit ni Sunshine ay kinuha ni Amber. Wala narin ang travelling bag na kay Sunshine pag-aari. Alam kong siya ang may gawa nito. Mabuti nalang at hindi lahat ng damit ni Sunshine ang kinuha niya. Hindi ko alam kung bakit niya kinuha yun o anong dahilan niya. Pinulot ko nalang ang mga nagkalat na damit ni Sunshine. Pinulot ko din ang jacket ng dalaga sa sahig h

