PUMASOK AKO sa kompanya ni Caius dala ang resignation ko. Mamaya ko 'to iaabot sa leader ko. Hindi pa alam ng kaibigan kong si Lovely ang plano ko kaya sigurado ako na malulungkot yun sa plano ko. Wala naman akong magagawa eh, kailangan ko 'tong gawin para hindi na ako mahirapan pa. Sinadya ko din mag palate ngayon para hindi ako abangan ni sir Caius. Tatlong araw na kasi siyang panay text sa 'kin at kahit isa ay hindi ako nag re-reply. Sumakay ako sa elevator at saktong may kasabay akong dalawang babae. Mabuti nalang dahil ayaw kong mag-isang sumakay sa elevator dahil baka paglaruan na naman ako ng tadhana at pagtagpuin na naman kami ni sir Caius. Hangga't maaari ay hindi ako magpapahawak sakanya. Alam ko sa sarili ko na iba talaga ang epekto sa 'kin ni Caius. Mabilis uminit ang kat

