NAKA ILANG shot na yata ako ng tequila kaya umiikot narin ang paningin ko. Sa sobrang nagustuhan ko ang lasa ay pabalik-balik na ako umorder sa waiter. Ngayon ay pinoproblema ko na kung paano ako uuwi. Nahihilo na talaga ako at umiikot ang paningin ko. Plano ko nalang na mag book ng room dito sa hotel para hindi na ako bumiyahe. Wala naman din kaming pasok bukas kaya ayos lang kung matagalan akong gumising. Kahit nahihilo ay pilit akong tumayo habang hawak ang sling bag ko. Pasurang-surang akong naglalakad at pilit na dinidilat ang mga mata ko. Nahanap ko ang pintuan ng hall at lumabas. Wala man lang talagang umalalay sa 'kin habang naglalakad ako. May kanya kanya silang mundo sa loob. Kaya lalabas na ako at mag bo-book ng room dahil hindi ko na kaya pa. Naglakad ako papunta sa fro

