ABALA ANG lahat at madami ding bisita ang dumating sa bahay namin. Hindi naman ako mahilig sa ganitong event kaya nandito lang ako sa loob ng kwarto ko at nag kukulong. Balak kong mamaya na lumabas kapag kunti nalang ang mga bisita. Pagulong gulong lang ako sa kama, kanina pa sumasakit ang mga mata ko kakapanood ng movie. Napagod ako kakahiga kaya bumangon ako sa kama at sumilip sa bintana ng kwarto ko. Nakita ko si Eugene na nakatayo habang nakatingin din sa bintana ng kwarto ko. Hindi ko naman alam na nakatayo pala siya, nagkasalubong tuloy ang tingin namin dalawa. Lumingon ako sa wall clock na nakasabit ay nakitang malapit na may 9PM naalala ko na magkikita nga pala kami ni Eugene. Umatras ako sa bintana ko at napagdesisyonan na magbihis at mag ayos. Nakakahiya naman kasi sa bisit

