WALA NA akong nagawa sa gusto ni sir Perseus. Ang dami niyang pinamiling damit na kung ano-ano. Kahit sabihin kong ayaw ko ay talagang pinipilit niya. Kahit hindi ko naman talaga kailangan ang mga yun. Simula sa mga make up, designer clothes, bags, shoes, pati narin mga panties ko ay binilhan niya din ako. Nagulat pa talaga ako na alam niya ang sukat ng katawan ko. Palabas kami ng store kung saan pina-exclusive ni sir Perseus ang store para makapag shopping ako ng solo. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang nag iikot-ikot kami sa mall. May nakasunod samin na dalawang lalaking staff habang buhat-buhat ang mga pinamili ni sir Perseus para sa 'kin. Hindi ko alam kung saan na naman kami pupunta. Kanina ko pa nga niyayayang umuwi si sir Perseus pero ayaw niya kasi daw may bibilhin pa kami.

