NANG MABASA ko ang text ni sir Caius ay hindi ako nag reply. Mas pinili ko yun para kahit ngayon man lang ay hindi ko siya makita. Pinagpatuloy ko nalang ang paglilinis ko at hanggang sa matapos akong maglinis sa kwarto. Sinunod ko agad ang sala at nag vacuum narin ako. Ngayon ko lang ginusto na hindi kami magkita ni Caius. Dati kasi ay laging bukang bibig ko na sana magkita kami at magkasama. Pero ngayon binabawi ko na ang lahat ng hiling ko. Sa susunod talaga ay mag iingat na ako sa mga wish ko. Pero yung wish ko na magustuhan niya ako ay hindi naman natutupad. Kaya medyo masakit talaga para sa 'kin. Wala naman sana akong ginagawang masama pero bakit ganito takbo ng buhay ko. Ang sakit lang. Nang matapos ako sa sala ay nag pahinga lang ako saglit para maglaba na naman ako mamaya. H

