NAALIMPUNGATAN AKO ng maramdaman kong may nakayakap sa beywang ko. Agad kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa paningin ko ang mukha ni sir Perseus na mahimbing na natutulog. Agad akong tumingin sa kabuuan ng kwarto at napagtanto na nasa kwarto nga pala ako ni sir Perseus. Nakatulog pala ako kanina dahil sa tapik niya. Napadako ang tingin ko sa wall clock at nakitang 3PM na pala. Ang haba pala ng tulog ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ni sir Perseus na nakayakap sa beywang ko. Tagumpay ko namang natanggal yun kaya dahan-dahan akong bumangon. Ayaw kong magising si sir Perseus dahil ang himbing ng tulog niya. Tumayo ako saka ako naglakad papunta sa pinto. Dahan-dahan kong pinihit ang siradura ng pinto saka ako lumabas ng kwarto. Naisipan ko nalang na pumunta ng kusina para

