LUMABAS ako ng bahay at nakasuot lang ako ng pantalon at simpleng blouse. Nakasakay na ang anak kong si Fitz sa kotse ni Dilan. Nasa backseat sya kaya sa passenger seat na lang ako uupo. Nakakahiya naman kasi kay Dilan kung sa backseat din ako uupo. Baka sabihin ginawa namin siyang driver. Binuksan ko ang pintuan ng passenger seat saka ko pumasok sa loob. Bumungad pa talaga sa 'kin ang nakangiting mukha ni Dilan na halatang masaya na sumama ako. "What took you so long po, mommy?" Tanong sa 'kin ng anak ko na sinilip pa talaga ako. "Ahm.. nag usap pa kami ng lolo dad mo. That's why." Sagot ko saka isinara ang pinto ng kotse. Ikinabit ko ang seatbelt sa katawan ko habang si Dilan ay binubuhay ang makina ng sasakyan. Nakita ko naman binuksan naman ni manong ang gate ng bahay namin kaya p

