Chapter 1

2097 Words
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ng babaeng hindi ko sinasadyang mabangga ng papasok na ako dito sa pinakamalapit na fast food sa main building ng CBE building. Alam kong kasalanan ko dahil sa pagmamadali ko ay hindi ako naging maingat pero hindi tama ang mga salitang narinig kong sinabi niya. "What did you say Miss?" Kalmado kong tanong ng malingunan ko ang babae. Nakatulala lamang ito at hindi nagawang sagutin ang tanong ko. Nagkaroon ako ng pagkakataon na pasadahan ng tingin ang kabuohan niya dahil sa pagkatulala nito sa kinatatayuan. Nakasuot ito ng isang black silky fitted jeans na hapit na hapit sa slinder na hita, sandong puti na hapit din sa perpektong hubog ng katawan. May itim na glove itong suot na halatang gumagamit ng motor at isang killer high heeled leather boots. She's f*****g hot with her innocent yet fierce get up. Maamo rin ang mukha pero ang mga mata ay matapang kung tumitig. May kaliitan ang hugis ng napakaganda nitong mukha. Sa isang tingin ay mapapasabi kang napakainosente nito. Black round eyes, cute pointed nose, long and seductive eyelashes. Bahagya ring nakataas ang kanyang kilay kaya nagmukha siyang mataray sa likod ng inosenteng mukha. And her pouty lips na pulang pula na ngayon ay bahagyang napaawang. Napalunok ako dahil sa sandaling pagtitig sa kanyang tila nang-iimbetang mga labi. Yeah, f**k you Third! Tumikhim ako dahil ang balak kong pagsungitan siya ay biglang naglaho ng makita na parang anghel ang nakabangga ko. Shit! Kailan pa ako bumase sa hitsura ng isang babae kung paano ako makikitungo? Asik ko sa sarili. Imbes na magsayang ng oras ay muli na akong tumalikod. Naalala kong kailangan kong bumili ng makakain dahil kanina pa ako nagugutom. Natigilan ako mula sa tatlong hakbang na nagawa ko dahil sa kamay na pumigil sa braso ko. Nilingon ko ang may-ari n'on at hindi ako nagkamali ng makita ko ang itim na glove sa kamay nito. Ang babaeng nakabangga ko, para siyang nahimasmasan mula sa napakalalim na pag-iisip. "Hubby!" Sabi niya na parang bulong lamang sa sarili ko nabasa ko sa konting awang ng kanyang labi. "Are you okay Miss?" Napakurap kurap ito at nanlaki ang mga mata. "Putangina! Ikaw nga asawa ko." Napaatras ako dahil sa biglaang pagdamba niya sa'kin ng yakap. Kinilabutan ang buong katawan ko dahil ramdam na ramdam ko ang malulusog niyang mga dibdib na dumidiin at sumasayad sa dibdib ko. Sa pagkataranta ay mabilis ko siyang naitulak dahilan para mawalan ito ng balanse at matumba sa sahig. "My ass." Sigaw nito. "Ouch." Doon lamang ako natauhan sa ginawa kong pagtulak sa kanya. Mabilis akong lumapit lalo ng mapangiwi ito ng akmang susubukang tumayo. "Hey, are you okay?" "Buhatin mo ako." Utos niya. Binuhat ko siya tulad ng gusto niya dahil alam kong mali ang ginawa kong pagtulak sa kanya. Nagulat ako pero dahil babae siya dapat hindi gan'on ang naging reaction ko. Ibinaba ko siya sa isang bakanteng umupaan na pinakamalapit sa kinaroroonan namin. "Saan ang masakit?" Hindi niya nagawang sumagot kaya napabaling ako sa mukha niya paranv tingnan ang kanyang reaction. Natigilan ako dahil ilang pulgada lang ang layo ng mga labi namin sa isa't isa. Natuon ang mata ko sa kanyang pulang pulang labi dahil sa pagkurba nito at sumilay ang mapang-akit niyang ngiti. "Hubby." Sabi na naman niya at syaka ako niyakap ng mahigpit. "W-Wait, wait miss, miss get off me." Pilit kong tinatanggal ang kanyang mga braso na nasa leeg ko pero mas malakas ang pagkakayakap niya. Ayokong makaramdam ng pag-irita o inis dahil sanay akong nirerespeto ang mga babae. I have my mother and sister in law, may pamangkin din ako na babae kaya alam ko kung paano magbigay respeto sa tulad nila pero sa kilos ng isang ito ay parang nauubusan ako ng pasensya. "Nagkita din tayo sa wakas." Bulong pa nito. Mas lalo akong nagpumilit na makalayo sa kanya dahil hindi ako komportable sa sobrang lapit namin, wala ng personal space. Sa tipo ng pagsasalita niya ay parang matagal na kaming magkakilala ngunit alam kong isa lang siya sa mga babaeng gustong makakuha ng atensyon ko. I'm not boastful or something pero ramdam ko kung ang isang babae ay may interes sa'kin. "I'm sorry miss sa pagbunggo ko at pagtulak ko sa'yo pero hindi naman siguro tama na bigla ka nalang yayakap sa isang lalaking hindi mo kilala." Pilit ang pagpapakalma ko sa boses kahit sa kabilang parte ng utak ko ay gusto ko na siyang sigawan. Nakahiga ako ng maluwag ng bahagya itong humiwalay para silipin ang mukha. Nakakaramdam na ako ng ilang dahil sa mga tinging ipinupukol ng mga tao sa loob ng lugar. Lalo at nakakahiya ang posisyon namin. Bahagyang nakabend ang paa ko sa sahig habang siya ay nakaupo. Nakapantay ang mukha ko sa dibdib na niya na mas lalong nagpailang sa'kin. Damn! I hate clingy! "Kilala kita kaya nga kita niyayakap e. Ako lang naman ang magiging asawa mo." Masayang masayang sabi niya. Sa sobrang paglalapit ng mukha namin ay amoy na amoy ko na ang mabango niyang hininga na tumatama sa ilong ko. Nakahawak pa rin ang kamay niya sa leeg ko. "You're insane woman." Asik ko na hindi na nakapagpigil sa kabaliwang lumalabas sa bibig ng babaeng 'to. Umirap siya. "Duh, alam kong baliw ako no need to emphasize it, baliw ako, baliw na baliw ako sa'yo." Walang pakandungang tugon niya. "Don't s**t the hell out of me, you're crazy." Sa pagkakataong ito ay pinilit ko talagang bitawan niya ako na napagtagumpayan ko naman. I hate it, ayoko sa mga babaeng lantaran ang pagpapakita ng interes sa lalaki dahil isa iyon sa nagiging rason para mawalan ng respeto sa kanila ang lalaki. "Yeah, yeah, crazy over you hubby." Pakanta niya pang tugon. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngiti lang ang ganti niya. "Stop calling me hubby I'm not your husband." Kinilabutan ako sa isiping mag-aasawa ako. Magmamahal ng isang babae at iikot ang mundo ko tapos magagawa kong sayangin ang buhay ko dahil sa putang pagmamahal na 'yan. Ayokong matulad sa Kuya ko. Don't get me wrong, mahal ko sila ni Princess Mimi na siyang asawa niya, ang mga taong nasaksihan ko kung paano nagmahal ng totoo. Pero ayokong maranasan ang bagay na iyon dahil sa mga consequences. For me loving someone is a weakness and I don't want to be weak. "Hindi nga pero malapit na-" Hindi ko na pinatapos ang kung ano man ang sasabihin niya. Lumabas ako ng fast food kahit na kumakalam ang sikmura ko. Alam kong nabastos ko siya sa ginawa kong pagwalk out pero mas magiging bastos ako kung mauubos ang pasensya ko at mapagsasalitaan ko siya ng mga salitang hindi dapat. "WHAT'S with the face 'bro?" Bungad na tanong ni Second ng makabalik ako sa opisina. Pabagsak akong umupo sa swivel chair at agad na pinukot ang telepono na nakaconnect sa secretary ko. "Please buy me a food for my lunch." "Copy that sir." Agad namang sagot sa kabilang linya. "Thank you." Pagkababa ko ng tawag ay mariin akong napapikit at napahilot sa sentido. The heck! Ngayon lang nasubukan ang pasensya ko at mukhang malapit na masagad dahil sa babaeng 'yon. "Nagkita na kayo ni bayaw?" Napadilat ako dahil sa tanong ni Second. He's older than me, isang taon lang kaya hindi ako komportable na tawagin siyang Kuya. Naguguluhan akong tumingin sa kanya pagkatapos kong luwagan ang necktie ko. "Bakit naman kami magkikita ni Princess Imi, di ba nasa bakasyon sila ni Kuya First?" Umiling siya at tumawa. "No, not Princess Mimi, 'yong mapapangasawa mong babaeng cool manamit." Cool manamit? Wala akong kilalang babae na cool manamit dahil hindi naman ako mahilig sa babae. Not until, a picture of a woman pouting her lips crossed in my mind. 'Yong babaeng nasa chain kanina, aaminin kong cool siya pero kung lahat ng cool ay magugustuhan ko ay baka matulad ako sa kapatid kong si Fifth na kaliwa't kanan ang babae. "The one wearing a white sando?" Mas lalong lumapad ang pagkakangiti niya. "Oo, 'yong sumisilip ang cleavage." Tumawa siya sa sariling sinabi pero ako nananatiling irita sa babaeng 'yon. "Kilala mo 'yon?" Tanong ko. "Hindi masyado, kanina ko lang nakilala dahil kaibigan siya ni King tapos pumunta sa set kanina para kaibiganin ako dahil balak ka raw niyang ligawan." Halos mahulog ako sa kinauupuan dahil sa sinabi niya. The heck! "Sinabi niya 'yon?" "Aha huh, mukhang masusubukan ang pasensya mo brother, looking at her she's persistent type of woman." Napabuntong hininga nalang ako bago nagsimulang kunin ang mga papeles na dapat kong pirmahan. Hindi ko dapat problemahin ang babaeng 'yon dahil hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari 'to sa'kin. Na may nanggulo at sinabing gusto akong pakasalan but in the end sumuko din dahil wala talagang mapapala sa'kin. And I know gan'on din ang babaeng nasa fast food kanina. Looks lang naman ang habol nila, yaman na rin perhaps. "At bayaw ang tawag sa'kin." Napaangat muli ang tingin ko sa kapatid kong halatang nang-aasar, gumaganti siya dahil madalas ko siyang asarin tungkol kay Anton, his manager and everything she can be for his. "Don't mind her she's crazy 'bro." Baliwala kong tugon na ikinatango niya lang. "Wag lang siyang magpapakita kay mommy dahil siguradong ang nanay pa natin ang magtutulak sa kanya na pakasalan ka, you know our loving mother atat na magkaroon ka ng asawa dahil baka tumanda kang binata." "Nagsalita ang hindi kinukulit sa pag-aasawa." Balik ko. Pareho kaming pinipilit ng magulang namin na magsettle down na dahil nagkakaedad na raw kami pero hindi nalang namin pinapansin. Naputol ang pag-uusap namin dahil sa pagpasok ng secretary ko na may dalang pagkain. Inilapag niya ang mga dala sa lamesa ko at mayroon iyong kasamang red rose na may decoration na ribbon sa gitnang parte. "What's that? Bakit may rose?" Napapakamot sa ulo siyang tumingin sa bulaklak. "Sir, may babae po kasing nagpumilit na ibigay ko raw po 'yan sa inyo." "Bakit mo tinanggap?" Kalmado lang ang boses ko, never in my entire life na sinigawan ko ang isang empleyado kahit pa nagkaroon ng kasalanan. I'm always calm and respectful. "Alam mo naman na hindi ako tumatanggap ng mga ganyang bagay lalo kapag galing sa mga babae." Yumuko siya dahil alam niyang tama ako. Kaya nga siya ang kinuha kong secretary dahil ayokong may nakapaligid sa'king babae tapos magiging pabaya siya sa trabaho. "I know sir, I'm sorry nagbanta po kasi siyang papasabugin niya ang buong building kapag hindi ko siya sinunod." Namutla siya. "Tinutukan niya rin po ako ng baril sa ulo." Napanganga ako dahil sa explanation niya. "Sinong babae?" Ang kaninang namumutlang mukha ay nagkaroon ng liwanag dahil sa naging tanong ko. "Maganda po sir, sexy, mapang-akit ang ngumiti tapos cool--" "Stop right there, tinatanong ko kung sino hindi ko sinabing purihin mo." "Hindi ko po nakuha ang pangalan sir." "Anong suot?" Tanong ko ulit dahil parang may hint na ako kung sino. "Nakasandong white na hapit sa katawan." Agad niyang sagot, sa kislap palang ng mata ay puno na ng paghanga habang tila minememorya sa isip ang mukha ng babaeng 'yon. "You may leave." Nang makaalis ito ay doon ko hinarap siya Second na ngayon ay nagpipigil ng tawa habang nakatingin sa bulaklak. Simangutan ko siya kaya tuluyan na siyang napahagalpak ng tawa. Halos mabaliw siya kakatawa at pasimple pa ang pagpahid ng luha sa gilid ng mata. "Woah! First day palang pinapabilib na ako ni bayaw." Kantyaw niya. "Hindi ko ineexpect na gagawin niya 'yon." Kahit ako ay nagulat sa sinabi ng secreatary ko. Sa amo ng mukha ng babaeng 'yon hindi mo masasabing kayang manutok ng baril. "Crazy." Bulong ko. Napabaling ako kay Second na may hawak na maliit na papel, kinuha niya iyon mula sa bulaklak. "Hi hubby, I miss you already, ang gwapo mo talaga. Love you. Muah-Your wife." Pagbasa niya sa note na hindi ko napansin kanila. "Tangana! Lakas makapanligaw." "Tuwang tuwa ka pa talaga." Salubong ang kilay ko dahil sa sobrang pang-aasar niya. "Syempre, sinong hindi sasaya kung ang kapatid ko ay malapit ng maikasal. Siguradong magdidiwang ang buong pamilya kapag nalaman 'to. Sabihin ko kaya kay mommy?" "Don't you dare brother." Seryosong pakiusap ko sa kanya. Kapag nalaman ito ni mommy tapos na ang maliligayang araw ko dahil one hundred percent na ipagtutulakan niya ako sa babaeng 'yon kahit hindi pa nito kilala. "Good luck sa pasensya mo." "Wala lang magawa ang babaeng 'yon ni hindi ko nga kilala." Bored lang 'yon sa buhay, mukha pa namang spoiled brat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD