Chapter 3

2075 Words
PADABOG kong binuksan ang pinto ng opisina ko dahil sa inis na nararamdaman. Walang hiya talaga ang babaeng 'yon, pangalawang beses pa lang kaming nagkita tapos kung umasta parang asawa ko sya. Kinkilabutan ako. Damn! "Woah! Binata na ang kapatid natin may first kiss na." Sigaw ni Fifth pagkakita sa'kin. Pare pareho silang may mga ngisi sa labi. "How did you know?" Bumalik ako sa aking swivel chair, bahagya pa akong natigilan dahil nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy. Amoy lavander. Inupuan nga pala ito ng babaeng 'yon. Kainis, dumikit ang amoy niya. "May lipstick ka sa labi." Inulan na naman ako ng kantiyaw. Pinunasan ko ang labi ko gamit ang panyo at totoo ngang may lipstick. "Her name is Desiree Gale Ancho Park, 29 years old no boyfriend since birth so never been kiss never been touch, hundred percent virgin. She's an agent." Salubong ang kilay na bumaling ako kay Second na nakangisi habang may binabasa sa cellphone niya. "Mula kay King ang impormasyon na 'to kaya alam kong totoo." "She's an agent?" Ako. "Yup, hindi lang basta agent dahil isa siya sa pinakamagaling sa kanilang buong departamento, kaya niyang pumatay in a snap. Confidential ang information na 'yan kaya wag niyong ipagsasabi sa iba." "As if interesado ako." Hindi ko na sila pinansin at bumalik na sa pagtatrabaho. "Hindi ka nga interesado, hindi ka talaga interesado." Pang-aalaska nila pero hindi ko pinansin. "Kita niyo kung paano siya mainis kay bayaw, normal lang sana dahil talagang makulit ang babae pero si Third Castillion 'yan e. Kasing haba ng Great Wall of China ang pasensya tapos naubos 'yon sa simpleng pagdating lang ni bayaw. Woah! Exciting mga 'bro." Boses ni Fifth. "Yeah, yeah pero ang hot niya at ang ganda pa. Halatang magiging magaling sa kama 'yon kapag naturuan." Doon na ulit ako napaangat ng tingin sa kanila dahil kung mag-usap usap ay parang wala ako dito. "Shut up, Six! Hindi tamang pag-usapan ang isa babae sa ganyang paraan isipin mong may ina tayo, may sister in law at may pamangkin na puro babae. Paano kung sila ang malagay sa ganyang sitwasyon na pinag-uusapan ng walang kamalay malay?" "Easy, easy dude sorry naman." Depensa niya pero may pang-aasar pa rin na ngisi. "Tama nga naman si Kuya Third niyo brothers, siya nga sa isip niya lang pinagnanasaan si bayaw tapos kayo bulgaran." Si Second. Tumayo si Fifth habang nakapamulsa. "Nah uh hindi ako kasali, she's hot and gorgeous but hindi ko siya pinagnanasaan kay Kuya Third siya 'no kaya hands off ako." Naglakad siya papalabas na parang modelo sa Men's magazine. "But I like her to be my sister in law too." "Me too." Si Fourth syaka sumunod kay Fifth. Nagsitayo na rin ang iba ko pang kapatid pero si Second ay nananatiling nasa sofa habang abala sa kanyang cellphone. "Good luck sa lovelife 'bro padalhan mo nalang kami ng wedding invitation medyo magiging busy kasi tayo this coming days." Tugon ni Six, sabay silang umalis ni Seven. Wala si Kuya First, ang panganay namin dahil palaging nakabuntot sa asawa nito. "Not gonna happen." Bulong ko. Tutok ang mata ko sa laptop ng magsialisan ang mga kapatid ko ng magsalita si Second. "Bar tayo mamaya 'bro?" Aya nito. Umiling ako bilang pagtanggi. "Next time 'bro madami akong trabaho." "Unwind muna tayo, sige na." Dahil hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko dahil sa pangungulit niya ay tuluyan kong tinuon sa kanya ang atensyon. "Di ba ayaw mo sa gan'ong mga lugar bakit para kang sinisilihan sa kagustuhang pumunta doon?" Natahimik siya at parang hirap lumunok, nag-iwas pa ng tingin. "I just want to have a break." "Have a break, really? Ano ba talaga ang rason, kapag sinabi mo sa'kin ang totoong dahilan sasamahan kita kahit madami ang trabahong dapat kong tapusin." Halata ang pagkahiya niya sa paraan ng pagkamot sa batok at hindi makatingin sa'kin. "Ahm. Narinig ko kasi na pupunta ngayon si King sa bar." Tinaasan ko siya ng kilay. "Tapos?" "Tsk. Basta gusto kong sumama baka mapa'no 'yong bestfriend ko." Halata na ang inis sa boses niya kaya nagkibit balikat nalang ako. Ewan ko ba sa taong 'to kung bakit naiinis nagtatanong lang naman ako. "Okay sasamahan kita." Sagot ko nalang upang matapos ko na ang mga dapat na gawin dahil kahit ilang ulit akong tumanggi igigiit niya pa rin na samahan ko siya. "Thanks 'bro." TULAD ng napag-usapan, pagsapit ng gabi ay nagyaya na si Second na pumunta kami sa bar kung saan ang bestfriend niya. Medyo malayo ito sa kompanya ko kaya alas nuebe na kami ng makarating doon. Sinalubong kami ng isang bouncer at akmang kakapkapan kami ng matigilan ito ng ipakita ni Second ang kanyang wallet na may pangalan niya. "Sorry po Sir." Paumanhin ng bouncer. "Ayos lang." Ako na ang sumagot dahil nagtuloy tuloy na ang kasama ko papasok sa loob. Kilala ang pamilya namin sa buong Pilipinas at ibang parte ng Asya pero iilan lang ang nakakakilala sa mga mukha namin sa kadahilanang ayaw naming maging espesyal ang trato sa'min ng mga taong nakapaligid sa'min. Gusto naming mamuhay ng normal sa kabila ng yaman ng angkan ng mga Castillion. Though, gumagamit pa rin kami ng connection kapag kinakailangan. "Nakita mo na?" Tanong ko. Napakaraming tao sa loob at dahil medyo malalim na ang gabi ay nagiging wild na ang mga nagsasayawan sa dance floor. Sikata na bar ito kaya hindi nakapagtatakang marami ang nagagawi dito. Dancing lights, flirty music, liquors, girls, make out at ang iba halos magsex na. Iyon ang mga bagay na pinagkakaabalahan ng mga tao. A typical bar, maingay at amoy usok ng sigarilyo pati na alak. Wala akong namumukhaan sa mga nandidito. Hindi gaya ng bar na palagi naming pinupuntahan ni Second malapit sa kompanya ko na may mangilangilan akong kilala sa mukha. "Ayon sila." Napabaling ako kay Second ng magsalita siya, pasigaw iyon dahil sa lakas ng tugtog. "Sila? Akala ko ba si Anton lang?" Tukoy ko sa bestfriend niya. "Kasama niya ang kaibigan niya." "May kaibigan pala 'yon? Mabuti may nakakatagal sa ugali niya." Naglakad kami patungo sa pinakahuling table na nasa bandang sulok na. Hindi lang simpleng upuan ang meron sa bar na ito kundi mga mamahaling couch at glass tables. Mamahalin rin ang mga inumin. "Yow bayaw, dito." Nagpantig ang tenga ko pagkarinig sa pamilyar na boses na mas malakas pa sa tugtog ang pagsigaw. Hanggang sa makarating kami sa sinasabi ni Second na kinaroroonan ng bestfriend niya doon ko nakompirma na tama ang pagkakadinig ko. Nandito ang babaeng gusto kong iwasan. Kapag minamalas ka nga naman. "Ows, nandito rin pala ang future husband ko." Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Umupo si Second sa tabi ni Anton habang ako ay umupo sa single couch na katapat nila, katapat ng babaeng parang baliw na nakangisi ngayon. "Hubby anong gusto mong inumin? Tatawag ako ng waiter." "No need, hindi ako iinom." "WAITER!" Sa lakas ng sigaw niya ay tinalo pa ang isang mega phone na mas lalong nakairita sa'kin. Kapag malapit itong babaeng 'to talagang nasusubukan ang haba ng pasensya ko. "Yes ma'am, what's your order?" Agad na tanong ng waiter pagkalapit nito. "Bigyan mo ng juice ang asawa ko, bawal alak dyan kasi virgin pa." Tatawang sagot nito na pinukol ko ng masamang tingin. Hindi siya natinag. "Yon lang po ba ma'am?" "Oo 'yon lang muna." "Just wait a minute ma'am." Hindi ko mapigilan na magsalubong ang kilay habang tinitignan ang pamumungay ng kanyang mga mata na tanda na may tama na ito ng alak. Napatingin ako sa table nila at napapailing ako ng makitang marami na ang walang laman na bote ng hard liqour. Kababaeng tao ang lakas uminom. "By the way Intoy ko, kumusta na 'yong ipinasa kong resume? Pasok ba?" Tumayo siya sa harap ko at namewang. Nadagdagan naman ang inis ko dahil sa itinawag niya sa'kin. "Don't call me names." Kalmadong sabi ko pero ang totoo ay naiirita ako sa presensya palang niya. "Endearment ang tawag d'on, Intoy ko at ako ang Inday mo." Humalakhak siya na parang tanga. Pinili ko nalang na manahimik dahil kung sasagutin ko siya mas lalong hahaba ang usapan. Lihim akong napamura ng bigla niyang ilapit sa mukha ko ang mukha niya. Mabuti nalang at mabilis kong naisandal lang ulo ko sa couch. "Alam mo ikaw lang ang nagpapalakas ng t***k ng puso ko sa simpleng paglapit lang, ano bang ginagawa mo sa'kin?" Pupungas pungas na tanong niya at ngumiti pa. Bahagya ko siyang itinulak para mailayo sa'kin ang mukha niya, hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng hilo dahil sa amoy alak niyang hiningang tumatama sa'kin. "Lasing ka na." Ako. Humagikhik siya at umupo sa glass table paharap sa'kin. May tama na nga talaga. "Stop it, may tama ka na." Saway kong muli dahil sa kakulitan niya. "I know may tama na ako, may tama na ako sa'yo." Pumikit pikit ito na parang pilit na inaaninag ang ang mukha ko. "Yang mukha napakagwapo ay hinding hindi ko na nakalimutan simula ng una kitang makita, muntik ng malaglag ang panty at bra ko sa mukha 'to." Muli siyang dumungay sa'kin pero ngayon ay nagtagumpay siyang haplusin ang mukha ko. Mabilis ko iyong tinapik na ikinanguso niya. "Makikipagpatayan talaga ako maging akin lang ang may-ari nito." Sabay halakhak niya. Hindi ko alam kung dapat akong matouch o mainis sa mga pinagsasasabi niya. Sinong matinong babae ang ipapangalandakan ang nararamdaman niya sa harap mismo ng taong 'yon. Baliw lang ang gagawa n'on at sa asta niya ngayon kumbinsido akong may tama sa utak ang babaeng 'to. Akmang tatayo na ako para makalayo sa kanya ng bigla niyang higitin ang kwelyo ko at ibinalik ako sa kinauupuan ko. Napasinghap ako dahil sa laki kong tao ay nagawa niya akong pigilan, ang lakas niya. "Wait lang Intoy ko, wait pakinggan mo muna ang kanta ko para sa'yo." Ungot niya. "Tsk. Ayoko." "Sige na please, please Intoy ko." Pagpapaawa niya at sa kabila ng malakas na musika ay dinig na dinig ko ang lambing ng boses niya. Nagkibit balikat ako. "Go on pero pagkatapos nito ipangako mong titigilan mo na ako." Pagsuko ko dahil mukhang hindi siya papaawat. Napapalakpak siya na parang bata habang pupungay pungay ang mga mata dahil sa kalasingan. Tumikhim muna ito bago tumingin sa mga mata ko at nagsimulang kumanta. "My name is Gale, Gale with Gumamela... Apir. Apir. Apir. Atok. Atok. Atok A-line. A-line. A-line. A-kiss. A-kiss. A-kiss..." nasapo ko ang ulo ko ng marealize ang lyrics ng kanta niya at mas masakit sa ulo ay 'yong action niyang may panguso pa. Pinagsisihan kong pinakanta ko siya pero kung ito ang way para tigilan niya ako titiisin ko pansamantala. "Por que ba gwapo ka 'kala mo kung sino ka. Tingnan mo ang kilay ko mas maganda pa sayo.'' At mukhang masayang masaya siya sa kabaliwan niya. "Itigil muna 'yan." Saway ko ng hindi makayanan ang pinaggagagawa niya lalo at halos lahat ng tao ay sa amin na nakatingin pero ang babaeng 'to ay walang pakialam. Kumakaway pa. "Ako si Desiree matangkad at maganda kapag ako inibig mo sasaya ang buhay mo. Ako si Desiree at ikaw ang buhay ko kapag iniwan mo masasaktan ako." Napatakip ako sa mukha ko dahil sa sobrang kahihiyan na ginagawa niya. Sintunado na nga umaasta pang parang bata. Akmang tatakpan ko na ang bibig niya para tumigil sa pagkanta ng ako ang matigilan dahil sa sunod niyang sinabi "Ps Ps I love you, mahal mo ba ako kasi mahal kita, Yes or No? Sagot!" Pasigaw niyang kanta at itinapat sa mukha ko ang boteng wala ng lamang alak. "No." Automatic na nalukot ang mukha niya dahil sa walang pagdadalawang isip na sagot ko. "Ngayong tapos ka ng kumunta kung kanta nga ba talaga ang mga pinagsasabi mo siguro naman tumutupad ka sa usapan." Natahimik siya at yumuko. "Simula ngayon ay titigilan mo na ako." Seryosong tugon ko sa kanya at bumaling kay Second na parang nanonood ng sine sa pagkaaliw ng mukha. Gustong gusto talaga niya na nahihirapan ako sa ganitong bagay dahil hindi manlang ako tinulungan. "Una na ako 'bro." At tuluyan na akong tumalikod. "Gusto mo talagang tigilan na kita?" Tanong ni Gale, hindi ko siya nilingon pero tumango ako. "Oo." "Okay kung 'yan ang gusto mo, simula bukas hindi na ako magpapakita sa'yo." Bahagya akong natigilan pero agad ring nakabawi at nagpatuloy sa paglalakad. Mabuti ng matahimik na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD