chapter 7

2161 Words
“Rinig mo?” bulong ni Jenny sa akin na nasa likod ko, umiling nalang ako. “Kainis, ba't kasi soundproof 'tong office, eh. Di tuloy natin marinig,” reklamo naman ni Earl, na nakadikit sa pinto, parang butiki. Hindi ko na lang sila pinansin at nag-sikap na idiin ang tainga sa pinto, baka sakaling may marinig akong mula sa loob. Halos matumba na kaming tatlo nang biglang magbukas ang pinto at unang bumungad ay ang daddy ni Val. “Oh... Megan, ikaw pala 'yan,” bungad niya. “Kamusta na?” dagdag pa niya. Sandali akong napatingin kay Val, na namumula ang mga pisngi. Mukhang sinaktan na naman siya ng daddy niya. Pilit akong ngumiti. “Okay lang po, tito.” Tinapik niya ang balikat ko at tumango-tango. “Dalaw ka sa bahay minsan, ha? Miss ka na ni Tita Sasha mo.” Matapos kong tumango at ngumiti ng tipid, nauna na siyang maglakad. Bago pa man makalabas si Val, agad ko siyang hinawakan sa pulso. “Okay ka lang ba?” Ano bang klaseng tanong 'yan? Malamang oo ang isasagot niya. Tanga mo talaga, Megan. Kinagat niya ang ibabang labi niya, halata sa mga mata niyang gusto na niyang umiyak. "I'm not," sagot niya, halos pabulong. Hindi na ako nakapagsalita nang dahan-dahan niyang alisin ang kamay ko. Ramdam ko ang panlalamig ng palad niya, at ang mga tingin niyang parang nagsasabing ayaw na kaming iwan. Nang makaalis sila, hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko. May alam ako, at hindi ko kayang manahimik lang. Alam kong kaya kong mag-explain at kaya kong linisin ang pangalan niya, gaya ng paglinis niya sa pangalan ko. Pumasok ako sa loob ng office at natagpuan doon ang tatlong lalaki habang kinakausap si Ms. Cruz. “Miss Isolde, do you need anything?” I took a deep breath bago magsalita. “Wala pong kasalanan si Valkyrie. She just wants to protect me from these guys na muntikan na akong pagsamantalahan kagabi.” Lahat sila nagulat, pati na rin sina Earl at Jenny na nasa gilid ko. “You don’t have to expel her, Ms. Cruz. Those three should be the ones expelled” “H-Hoy, Megan! A-anong kasinungalingan 'yan?!” Nauutal na tutol ni Bryan, na may hawak na tungkod. Mukhang napuruhan kagabi. “O-oo nga! Look at this, ito ginawa sakin ni Val, hindi makatao 'to!” Sabat pa ng isa, na kasama rin ni Bryan kagabi. Magkahawak ang dalawang kamay ko sa likod, dahan-dahan ako na lumapit sa kanila. Para akong bata na tuwang-tuwa sa takot ng iba. Halos manginig sa takot ang isa na kasamahan rin ni Bryan nang hawakan ko ang balikat niya. Parang ako pa tuloy ang nag-plano gumahasa sa kanya kagabi. “Baka nakakalimutan mo kung sino ang gumawa 'nyan sayo kagabi,” I smirked. “Hindi si Val ang gumawa 'nyan, kundi ang lalaking tumulong sa'kin kagabi.” Tumingin ako kila Jenny at Earl, halos hindi nila alam kung saan titingin nang magtagpo ang mga mata namin. "He knocked them out last night, and they're crying like a poor monkeys shouting and begging for help." Tumingin ako kay Ms. Cruz at nginitian siya. “Wrong decision po yata na paalisin niyo si Val” Sandali pa siyang natahimik bago mag salita. “I'm sorry, Ms. Isolde, pero Mr. Grey is the one who asked me to drop her. He said, Ms. Grey would be transferred to another school as a punishment since this is not the first time she has a record” walang emosyon niyang sagot. Halos nalaglag ang balikat ko nang marinig 'yun. Nanlalamig ang mga kamay ko at hindi ko alam kung anong dapat gawin. Fuck, is all of this happening because of me? Matapos kong kunin ang bag ko sa classroom, nagpaalam na ako sa teacher namin. Buti nga pinayagan akong umuwi ng maaga. Almost 30 minutes, I’ve been waiting for almost half an hour, but he’s not answering my calls. Shit naman, Est, sagutin mo naman. Walang jeep na dumadaan kaya sinubukan kong tawagan si Est para pick-upin ako, pero hindi niya sinagot ang mga tawag ko. As far as I know, wala siyang klase today, and hindi naman busy ang schedule niya every Wednesday. I had no choice, lalakarin ko mula school hanggang sa bahay nila Val. Habang tumatagal, napapagod ako, nagsisimula na ring bumigat ang paghinga ko, sumabay pa ang mataas na sikat ng araw. Ang sakit ng ulo ko, ilang minuto na ba akong naglalakad? Tangina, alam mo naman kasi ang kondisyon mo, pinilit mo pang lakarin. Kung sana naghintay ka na lang ng jeep. Pero wala eh, kung maghihintay ako dun, for sure hapon pa ako makakaalis. Hindi pa nasagot si Est sa mga tawag ko, nasan na ba kasi ang lalaking 'yun? Hindi ko na siya maintindihan. Bumibigat nang bumibigat ang paghinga ko, dumodoble na rin ang paningin ko, at para bang gusto nang bumigay ng paa ko. Huminto ako sandali at napa-hawak sa pader. Hindi ko alam kung saang building ako napa-tigil dahil hindi ko na rin masyado makita ang paligid. “Miss!” Someone called me. Bigla na lang ako nakaramdam ng panghihina, pakiramdam ko mamamatay na ako. I just laughed a bit, “Siguro nga, patay na ako...” Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, malabo ang paningin ko na para bang may usok sa paligid. I can hear some voices but I can’t say kung saan nanggaling. Unti-unting luminaw ang paligid. Puting kisame, malamig na ilaw. Kumakalansing na tunog ng mga kagamitan sa ospital ang unang narinig ko. Shit. Nasaan ako? Pilit kong iginalaw ang kamay ko, pero ang bigat. May nakakabit na swero. Sumikip ang dibdib ko nang ma-realize kong nasa ospital ako. Tangina. Nakita ko ang bag ko sa maliit na mesa sa tabi ng kama. Tiningnan ko ang pinto, nakasarado ito. Wala namang tao sa loob. I can't stay here. Hindi pwede, baka hindi ko maabutan ang daddy ni Val, i need to convince him na wag na siyang ilipat. Inalis ko ang swero nang hindi iniinda ang sakit. Bumangon ako kahit nanlalambot pa ang tuhod ko. Parang sasabog ang ulo ko, pero hindi ko pinansin. Kailangan kong umalis. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang nurse na may dalang tray ng gamot. Nanlaki ang mata niya nang makita ako. “Miss! Saan ka pupunta? Kailangan niyo pang magpahinga—” Hindi ko na siya pinakinggan. Tumakbo ako. Kahit nanginginig ang mga binti ko, kahit parang nagdidilim ang paligid, hindi ako tumigil. “Mam! Bawal tumakbo!”sigaw ng guard na nadaanan ko. Hindi ko alam kung paano ko nagawang makarating sa labas. Pero nagawa ko. Bumungad sa akin ang sikat ng araw, nakakasilaw. Parang sinasaksak ang mata ko. Huminto ako sa gilid ng kalsada, hinahabol ang hininga. Dinukot ko ang cellphone ko sa bag, nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Walang missed calls. Walang text. Walang kahit ano. Napaluhod ako sa semento. Tumutulo ang pawis ko kasabay ng luha ko. Sinubukan kong tumayo pero ang bigat ng katawan ko. Parang hinihila pababa ng lupa. Saan ako pupunta ngayon? Kung nagising ako sa ospital, ibig sabihin, may nakakita sa akin. Ibig sabihin, alam na nilang lahat. Sa sobrang sakit ng dibdib ko, napahawak ako sa t-shirt ko. Para bang may mga kamay na pumipiga sa puso ko. Hindi ko na alam kung anong masakit, yung katawan ko o yung puso ko. I can’t breathe. I can’t... Pagmulat ko ng mata, nakahiga na ako sa malamig na semento. May mga tao sa paligid, nakatingin sa akin. May sumisigaw. May tumatawag ng ambulansya. Pero wala akong pakialam. Kasi sa mga oras na ‘to, parang gusto ko na lang talagang mawala. Ang lakas ng pagkatok sa pinto ang pumukaw sa akin. Hindi ko na alam kung ilang oras akong nakatulog o nakatulala lang dito. Pero nang bumukas ang pinto, nakita ko si Val, hingal na hingal “Megan!” halos pasigaw na tawag niya. Napakurap ako. Parang ang hirap bumangon. Ang hirap magsalita. Pero kahit papaano, nagawa kong ngumiti. “Val...” Mabilis siyang lumapit, nanginginig ang mga kamay nang hawakan niya ang braso ko. “Anong nangyari sa’yo?! Bakit ka nasa ospital?!” Humigpit ang hawak ko sa kumot. s**t. Paano ko sasabihin ‘to? Paano ko ipapaliwanag nang hindi niya malalaman? “Megan?” Ilang sandali akong nanahimik bago pilit ngumiti. “Na... nalula lang ako. Mainit kasi kanina. Kaya siguro nahimatay ako.” Napasinghap si Val. Halata sa mukha niya na hindi siya kumbinsido. “Seryoso? Yun lang?” Tumango ako kahit parang mabigat ang ulo ko. “Oo. Wag kang mag-alala, okay na ako.” Pero hindi siya tumigil sa pagtitig sa akin. Hindi siya tumigil sa paghigpit ng hawak sa braso ko. “Megan,” bulong niya. “Sinabi ng nurse sa akin na may problema ka sa puso.” Parang may kumalabog sa dibdib ko. Napatitig ako sa kanya, pilit pinipigil ang panginginig ng mga labi ko. “Wala. Wala ‘yun, Val,” pilit kong sagot. “Megan,” seryoso na ang tono niya. “Hindi mo ‘to pwedeng itago sa akin. Ano bang nangyayari sa’yo? Bakit ka biglang nagkakaganito?” Para akong napako sa kinalalagyan ko. Parang gusto ko nang bumigay. Pero hindi ko kaya. Hindi ko pwedeng sabihin. Hindi ngayon. “Val, please,” halos maputol ang boses ko. “Ayoko na pag-usapan.” “Megan...” “Sabi ko ayoko na pag-usapan!” sigaw ko, pero kasabay ng sigaw ko ang malakas na pagtunog ng heart monitor sa gilid ko. Parang sinasampal ako ng tunog na ‘yun, isang paalala na kahit anong gawin ko, hindi ko pwedeng takasan ‘to. Napaatras si Val, kita ko ang gulat at sakit sa mga mata niya. Hindi siya nagsalita. Hindi na siya kumibo. At sa gitna ng katahimikan, ang tanging naririnig ko lang ay ang tunog ng puso kong sumisigaw ng katotohanan na pilit kong itinatago. Naka-tulala lang ako sa puting kisame. Hinihintay na bumalik si Val. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nararamdaman ko ang swero sa kamay ko, mahapdi, pero wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Ilang sandali ay may narinig akong tunog mula sa cellphone ko. Umilaw ang screen at nasilip ko ang pangalan. Si Est. Kahit na hirap na hirap ay sinikap kong kunin ang phone ko. Halos manginig na ang buong katawan ko sa sakit. I answered the call. “Hello, Megan. Sorry hindi ako nakasagot ng calls mo, sobrang busy kasi sa school.” It's a lie. I know that was a lie. Wala silang klase every Wednesday and Thursday, kasinungalingan. “It's okay, alam ko naman na busy ka,” mahina kong sagot, nanginginig dahil sa panghihina. “Puntahan kita mamaya, nasan ka? Nasa school ka ba?” His voice was soft, as if he didn’t ignore my calls for two days. “Nasa hospital ako.” Natahimik siya, halos ilang segundo rin bago siya magsalita ulit. “Hospital?” His voice almost cracked. “Anong ginagawa mo dyan? Anong nangyari?—” Napapikit ako. Bumigat lalo ang dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ‘to. Kung paano ko sasabihin na kahit nandito ako, parang hindi ko naman siya kailangan. If i say I'm okay and i don't need him here, it's a lie. Because the truth? I really need him right now, by my side. “I’m okay, Est,” bulong ko. “Wag ka na pumunta, I know na busy ka pa.” Narinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya. Parang gusto niyang may sabihin, pero hindi niya magawa. “Megan.” Napakagat ako sa labi ko. Ang sakit. Sobrang sakit. Kung hindi pa ba ako tumawag ng napakaraming beses, malalaman niya ba? Kung hindi ko pa sinabi, malalaman niya bang halos mamatay na ako kanina? “I’m fine,” ulit ko, pilit ang ngiti kahit wala naman siyang makikita. “Ayoko namang makaistorbo pa.” “Huwag mong isipin ‘yun, hindi ka istorbo,” halos bulong na rin niyang sagot. Hindi ko alam kung bakit, pero parang lalo lang akong nagalit sa sinabi niya. Hindi ako istorbo, pero ganon yung pinaparamdam niya sakin. Pinaparamdam at pinapamukha niya sakin na wala lang ako sa kanya. “Sige na, Est,” putol ko sa kanya. “I need to rest.” Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya. Pinatay ko na agad ang tawag bago pa tuluyang bumigay ang luha ko. Agad kong inihagis ang cellphone sa kama. Ramdam ko ang pagkadurog ng puso ko, parang may bombang sumabog sa loob. “Tangina,” bulong ko sa sarili ko habang napapikit, pilit pinipigilan ang pag-iyak. Pero hindi ko na napigilan. Sobrang bigat. Sobrang sakit. Lahat ng pinipigil ko kanina, lahat ng gustong isigaw ng puso ko, ngayon bumubuhos nang parang bagyong walang tigil. Sa dami-raming tao, balik siya pa yung taong pinaka-sinaktan ako? Hindi ko inakalang masasaktan ako ng ganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD