Chapter 1

2281 Words
“Huy, Megan, ano ba talaga ang type ni Val sa lalaki?” Napatingin ako sa likod ko. Si Jenny, isa sa mga kaklase naming overly curious pagdating kay Val. Nakasandal siya sa pinto ng rooftop habang hawak ang milk tea niya. “Bakit, gusto mo ring umakyat sa waiting list?” biro ko habang umiinom mula sa sariling tumbler. “Uy, seryoso ‘ko. Crush siya ng buong batch, pero parang wala siyang napapansin kahit isa. Kahit si Earl, deadma niya. Eh, ang pogi kaya nun.” I let out a sigh and looked up at the sky. The clouds were already orange, a sign that the day was coming to an end. Umupo ako sa harap ng bench kung saan ko sinimulang i-check ang papers para sa student council. “Gusto niya ng lalaki na… hindi trying too hard,” sagot ko, sabay tingin kay Jenny. “Yung totoo sa sarili. Hindi nag-e-effort maging someone he’s not.” “Weh, ganon pala gusto niya? Parang—” Biglang bumukas ang pinto ng rooftop. At iniluwa doon si Earl na may dalang eco bag na halatang may laman. “Uy, Megan. Naiwan mo ‘tong forms sa council room,” sabi niya. Pero imbes na abutin agad, inilapag niya muna ito sa tabi ko at sumulyap kay Jenny. “Hi.” “Hi,” sabay ngiti ni Jenny, biglang nag-ayos ng buhok. Tumaas ang kilay ko. Kung makapag pa-cute siya akala naman totoong gwapo ang nasa harap niya. “Thanks, Earl,” tipid kong sabi habang inabot ang bag. “Pero bakit may laman na snack ‘to?” “Ah… ano… ‘yung yogurt drink, para kay Val. Alam mo naman, paborito niya ‘yun ‘di ba?” Pumikit ako ng mariin at pilit pinanatiling kalmado ang boses. “Ako na naman ang tagadala?” Earl just shrugged. “Ikaw lang kasi pinapansin niya.” Bago pa ako makasagot, may narinig kaming tili mula sa hagdan. “Megan!” Narinig ko pa lang ang boses, alam ko na. Walang iba kundi ang reyna ng late entrance at dramatic arrivals—Sepharina Valkyrie Gray. Pag-akyat niya sa rooftop, hingal na hingal siya. “Bakit di mo sinabi na nandito kayo? Grabe, iniwan niyo ako sa library, akala ko na kidnap na kayo.” “Wala may gustong mang kidnap samin” sabay seryosong sabi ni Earl. Val grinned. “Baka sayo lang, sa mukhang ‘yan ba naman.” Napairap ako. “Tigilan mo nga ‘yang paglalandian nyo sa harap namin. May nagpabigay ng yogurt drink, o.” Inabot ko sa kanya ‘yung inumin. She looked at it, then back at me. “Ikaw bumili nito, no?” “Wow. Bakit ako lagi?” “Eh kasi ikaw lang lagi ang may effort sakin.” mapang asar nyang sabi at kumindap pa. Si Earl, tahimik lang. Si Jenny naman ay patuloy lang ang pagsilip kay Earl. Habang nagpapalitan kami ng asaran, napansin kong dahan-dahang kumalma ang araw. It was on this rooftop. surrounded by teasing, questions about ‘ideal types’, playful glances, and loud jokes, that our story quietly began. End of the semester na, at abala ang buong Student Council sa paghahanda para sa Inter-school Year-End Fair. First time na magka-collab ang ilang senior high schools sa event na ‘to, kaya todo ang SC sa pag-oorganisa at pag-welcome ng mga external volunteers. “Nandito na po yung mga volunteers from Saint Aurelia” sabi ni Earl habang tinutulungan akong mag-ayos ng attendance sheet sa gym. “Great” sagot ko habang tinitingnan ang task list. “Pakisabi pumasok muna sila. I-orient ko na lang.” Biglang bumukas ang gym door. Pumasok ang ilang estudyanteng may bitbit na karton ng props, extension cords, at ilang tarpaulin. Pero isang boses ang agad na tumama sa tenga ko, malakas, confident, at may halong kulit. “Good morning, mga bossing! Kami na ‘yung dagdag na manpower, saan ba pwedeng umupo o diretso trabaho agad?” Napalingon ako. Doon ko siya unang nakita. Naka-hoodie na varsity-style jacket, may bitbit na speaker, at ngiting parang laging ready mang-trip ng puso. In short, mukha siyang playboy. “Hi, ako nga pala si Est. From Saint Aurelia. Volunteer daw kami rito for the inter-school collab thing. Ikaw si Megan, right?” Napakurap ako. “H-ha? Paano mo—” “Sikat ka kaya dito sa NHIS bilang SC, At sinabi rin ni Earl” sagot niya habang ngumisi. Napatingin ako kay Earl na nagkunwaring busy sa clipboard. Huminga ako ng malalim at pilit na ikinakalma ang sarili para hindi masapak si Earl. “Okay, Est. Pwede kayong maupo muna habang inaayos ko ‘yung task assignments.” “Copy, boss Meg.” sagot niya sabay kindat. Napairap nalang ako. Great. Isa nanamang makulit. Habang chine-check ko ang attendance, ramdam kong may nakasilip sa tabi ko. Paglingon ko ay nakita ko si Est na naka titig sakin, mukhang enjoy na enjoy sa view. “Uy,” bulong niya. “Masungit ka pala in person.” “Hah? Excuse me?” I was offended. “Joke lang. Gusto ko lang marinig boses mo ng malapitan” sabi niya sabay lakad palayo. “Ang cute mo pala pag naiinis.” Putik. Volunteer ba ‘to o bida sa romcom? Pero kahit inis ako, hindi ko napigilang mapangiti ng konti. Sa kalagitnaan ng orientation, napansin kong parang sumisikip dibdib ko. Ilang beses akong napaupo, kunwari lang na chine-check ang documents. “You okay?” tanong ni Earl. “Yeah. Baka napagod lang. Okay lang ako” sagot ko, pilit pinapawi ang hilo. “Megan!” Napalingon ako nang marinig ang sigaw ni Val. Kita kong tatakbo siya papalapit sakin. Iniabot niya ang paper bag na hawak niya, tiningnan ko ito bago magbalik ng tingin sa kanya. “Ano ‘yan?” She let out a frustrated sigh and rolled her eyes. “Paper bag, bulag ka ba?” pang-aasar pa nito. Sinamaan ko naman siya ng tingin. “Eme lang, gamot mo ‘yan. Nandyan na inhaler mo.” Kinuha ko ito at ngumiti sa kanya bago siya akbayan. “Libre mo ‘ko isaw mamayang uwian.” “Shunga, tigilan mo ‘ko! Kita mo namang mausok dun, gusto mo bang hikain ka na naman.” ngumuso ako at kinuha ang kamay niya, dinikit ko ito sa pisngi ko at umasal na batang nanghihingi ng lima sa kanyang ina. “Pleaseeee.” After ng fair ay nagsimula nang mag-uwian ang lahat. Last day na ito at next school year na ulit ang balik kaya naman pinauna ko na sila Val at Hiro sa pag-uwi. Habang nakaupo sa gitna ng oval while watching the sunset, hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-anong bagay. “Ma, bakit may mga taong dumarating sa buhay natin tapos after nila tayong kompletuhin ay aalis din agad sila?” Tumingin ako sa tabi ko kung saan nakaupo si mama habang nakatanaw lang rin sa langit. Ngumiti siya ng mapait. “Madalas, dumarating sila sa buhay natin para maging aral. Posibleng ang aral na ‘yon ay masakit at pwede ring hindi.” sagot niya. Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mga berdeng damo. Malamig ito, kasing lamig ng yelo. Yeah, people... Sasanayin ka nilang nandiyan sila palagi for you, but kapag nasanay ka na, doon naman sila aalis na parang wala ka lang sa kanila. I hate being abandoned. Well, sino nga namang hindi? Nang mapansin kong madilim na ang kalangitan ay agad na akong tumayo para makauwi na. Paglabas ko ng gate, laking gulat ko nang makita ko si Est na nakatayo habang nakasandal sa pader, mukhang may iniintay. Sino naman kaya iniintay nito? May tao pa ba sa loob ng school maliban sakin? Lalagpasan ko na sana siya nang makita niya ako. Nagtagpo ang mga mata namin at agad siyang humarang sa daraanan ko. “Ang tagal mo, akala ko bukas ka pa uuwi,” natatawa niyang sabi pero binigyan ko lang siya ng mataray na tingin. Inayos niya ang tayo niya at nilinis ang lalamunan niya. “Samahan na kita umuwi, 7 PM na, delikado na maglakad.” Hindi ko alam kung ano ang trip niya kaya naman nilagpasan ko na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Pansin kong binilisan niya ang lakad niya para makasabay sakin, hindi ko na lang siya nilingon at nagpatuloy sa paglalakad. “Grabe ang saya ng fair kanina, noh? Sayang kasi wala na nun next school year.” “Nakita mo ba ‘yung kinakain nila kanina dun sa likod ng gym? Natikman ko na ‘yon, eh! Pero nakalimutan ko na ang lasa.” “Pero pwede natin tikman ‘yon, gusto mo ilib—” Hindi na siya natapos sa pagsasalita nang takpan ko ang bibig niya gamit ang palad ko. “Napakaingay mong lalaki ka.” Napabitaw ako nang bigla niyang ilabas ang dila niya. “Gago, kadiri ka!” Hahampasin ko na sana siya nang bigla na lang siyang tumakbo ng mabilis. Hindi ko siya hinayaan at hinabol ko agad siya. Matapos naming maghabulan ay nakarating kami sa isang kanto. Hindi pa naman masyado madilim dahil maraming nagkalat na ilaw sa daan pati na rin ang mga ilaw ng sasakyan na dumadaan sa kalsada. “Ang bagal mo tumakbo, dati ka bang pagong?” natatawa pa niyang asar habang ako naman ay naghahabol ng hininga. Umalis siya sa harap ko at pumasok sa 7/11 na nasa tapat lang namin. Dahil dito ay nagkaroon ako ng pagkakataon na gamitin ang inhaler ko. Natatakot talaga ako na may ibang maka-alam na may hika ako, ayaw ko kasing kaawaan nila ako. Hindi ako gaya ng ibang normal na kabataan noon. Hindi gaya nila na nakakapaglaro sa labas. Ako na palaging nasa bahay lang dahil kaunting alikabok o kahit paglalakad lang ng ilang minuto ay nahihirapan na akong huminga. I don’t have any friends nung bata pa ako, tanging si Hiro lang talaga. Noong pumasok na ako sa paaralan, first year high school noon ko naman nakilala si Val. Marami kaming pagkakaiba. Kung siya ay maingay at energetic na babae, ako naman itong tahimik at mahinang babae. Si Val at ang family niya ang tumulong sa amin nung mga panahong walang-wala kami. Walang makain, kuryente, at tubig sa bahay ampunan. I'm grateful that Val convinced her dad to support us by providing for our utilities, food, and other needs. Kaya naman hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanya, kundi isa na ring kapatid. Napansin ko ang paglabas ni Est sa pinto kaya agad ko naman tinago ang inhaler at inayos ang sarili ko. Kita kong mahina itong natatawa habang papalapit sakin. “Tawang-tawa?” mataray kong sabi nang makalapit ito sakin. Pilit nyang itinago ang ngiti nya. “Nakita ko kasing nag-aayos ka nung paglabas ko ng pinto” salita niya at mistulang kinikilig. Akala ba niya nagpapaganda ako para sa kanya? Hindi ko na lang siya pinansin at tumayo na lang ako. Kung magsasalita pa ako baka isipin niya denial ako, feeling pogi pa naman ‘to. Habang nag lalakad, nanatili ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, hindi ko alam kung bakit bigla siyang natahimik. Basta hindi na lang siya kumibo. Mula sa kinatatayuan namin ay natanaw ko na ang bahay namin kaya naman binagalan ko ang lakad ko. Sa hindi malamang dahilan, ayaw ko pang matapos ang gabi na ito. Pakiramdam ko oras na magkahiwalay kami ng landas ay babalik na naman ako sa madilim kong mundo. “Uy, Megan.” Naputol ang katahimikan nang marinig ko ang boses ni Est. Napalingon ako sa kanya. Nakatigil siya sa gilid ng kalsada, parang may gustong sabihin pero nag-aalangan. “Hmm?” “Pwede ko bang kunin… number mo?” Napataas ang kilay ko, pero hindi ako sumagot agad. Nakita ko kung paano siya kumamot sa batok, halatang kinakabahan. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at kinuha ko ang phone niya at nag-type ng number tapos iniabot ko ulit ito sa kanya. Nagulat siya. “Hah? Totoo ba? Baka naman hindi mo number ito ha.” “Tsk. Kung ayaw mo, akin na ulit,” sabay kunwaring aagawin ko. “Ay, hindi! Akin na ‘to. Sayang ‘to!” Sabay takbo palayo ng kaunti habang hawak ang phone na parang nanalo sa raffle. Natawa ako nang bahagya at napailing. Ang kulit niya talaga. Pagpasok ko sa bahay ay pansin kong tulog na ang lahat. Hindi ko nalang sila ginising pa dahil pasado alas nuwebe na rin ng gabi at hinayaan na silang magpahinga. Pagkatapos maligo, nahiga na ako sa kama. Binuksan ko ang phone ko at nakita ko ang ilang notification sa i********:. estfromsaintaurelia commented on your post: “Grabe ‘to, pang Miss U ang ngiti.” estfromsaintaurelia commented on your photo: “Pansin ko mas bagay sayo ‘yung serious look. Pero baka bagay din ako sayo?” Napailing ako, pero hindi ko na napigilan ang ngiti. Nabaling ang atensyon ko sa isang notification galing sa hindi kilalang number. 09367858335: “Hi. Ganda ng smile mo dun sa photo. Pwede bang reserved na ‘yon para sa akin next time?” Nakita ko ang sarili kong nakangiti mag-isa sa screen. Agad akong napailing at napapikit ng mariin. Hindi pwede, playboy siya… Megan, pigilan mo. Ano ba kasing meron sa lalaking ‘to bat parang ang lakas ng appeal niya? Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad na akong nagpagulong-gulong sa kama ko na parang nasisiraan ng bait. Teka? Bakit ba parang kinikilig ako? Hindi pwede! Hindi ko sya crush! Mahina kong tinapik tapik ang pisngi ko at pilit na ginigising ang sarili. Wag, Megan. Wag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD