Chapter 2: Family Day

1582 Words
Natapos ang programa at hinihintay ko na lamang ang paglabas ni Kyrie mula sa back stage. Medyo nakakaramdam na ako ng gutom kaya naman napasulyap ako sa suot kong relo. Hmn? Tama ba ang oras na ito? Mag-aalas dose na? Kaya pala nagugutom na ako. Hindi ko alam kung sa bahay na lang ba kami kakain o sa fast food na lang. Gusto ko sanang i-treat si Kyrie dahil alam kong ginalingan niya pero wala pa akong sahod kaya kailangan kong magtipid. Nasaan na ba ang batang ‘yon? Sa muli kong paglingon sa unahan ay napangiti na ako nang matanaw ko siya kasama pa ang iba pang mga bata. “Yanna, Marvin, Mia, Kuya Kyrie, ba-bye!” paalam ng isa sa mga kaklase ni Kyrie habang kumakaway nang lapitan sila ng mga magulang nito. Nagpatuloy sila Kyrie sa paglalakad at isang pares ulit ng mag-asawa ang sumalubong sa kanila. Nilapitan ng isa sa mga kaklase niya ang mag-asawa at niyakap ang mga ito, malamang na sila ang kaniyang mga magulang. Kumaway na din ang bata kina Kyrie bilang paalam at saka sila umalis. Habang pinanunuod ko silang masayang nag-uusap at naglalakad ay napapangiti ako. Nagpapasalamat akong kahit na hindi normal si Kyrie ay nakahanap pa rin siya ng mga kaibigang tanggap siya at tinatrato siya ng normal. Mabuti pa ang mga batang ito. “Mama!” tawag ni Kyrie sa akin nang makita niya na ako. Mas lalong naging matamis ang ngiti ko sa kaniya at kumaway. Napalingon ang mga kaklase ni Kyrie sa akin at para bang namangha sila at nagtaka. “Kuya Kyrie, siya ba ang mama mo?” tanong ng batang babae. “Why is she so pretty? Ang kinis-kinis ng mukha niya, ‘yong mama ko kasi ang dami ng wrinkles! Artista ba siya?” Medyo nagulat ako sa sinabi ng batang babae at nakaramdam ako ng hiya. Napahawak tuloy ako sa aking mukha na pakiramadam ko ay bahagyang namula. Sa tana ng buhay ko, ngayon na lamang kasi ako nakarinig ng papuri. T-Totoo ba ang sinabi niya? M-Maganda ako!? “Is she really your mom? Then, can I be your father?” tanong ng batang lalaki na kasama ni Kyrie at napakunot ako ng noo habang nagpipigil ng pagtawa. Ilang taon na ba ang batang ito? Gusto niya bang makasuhan ako ng child abuse? Eh!? “Sandali, nasaan nga ba ang papa mo, kuya Kyrie?” tanong ulit ng isa pang batang lalaki na nililingon ang paligid. S-Sh*t! “A-Ahmn, kasi—” Ilalayo ko na sana si Kyrie upang iwasan ang mga tanong tungkol sa papa niya ngunit agad na naman silang nagsipagsalita. “Oo nga kuya Kyrie! Wala ka bang papa?” tanong muli ng batang babae. Agad akong napatingin kay Kyrie. Huling beses kasi na pinag-usapan namin ito ay nagwala siya dahil nga wala daw siyang papa. Napakahirap pa naman niyang pakalmahin kaya medyo kinabahan ako. “Kids, listen, ahmn,” sabi ko na sinubukang magpaliwanag. “Hindi lahat ng pamilya ay—” “He’s here!” sabi ni Kyrie at ngumiti ng malawak. “PAPA!” Nanlaki ang mga mata ko at nagulat sa kaniyang sinabi. A-Ano? P-Papa!? Sinong tinatawag niyang papa? Sabay-sabay kaming napalingon ng kaniyang mga kaklase sa itinuturo ni Kyrie. Halos mahulog ang panga ko nang makita ang isang lalaking papasok ng pinto ng function hall. Nakasuot ito ng itim na polo na may mahabang manggas na nakatupi hanggang siko. Matangkad, may kaputian ang balat at ang kaniyang mukha ay tila perpektong nililok dahil sa kagwapuhan nito. Ang katamtamang kapal ng mga kilay niya ay akma sa kaniyang madilim at luntiang mga mata. Ang kanyang ilong ay parang sa mga modelong nakikita ko sa mga magasin at mga artista, at kung lumakad siya ay napakasimpatiko at tila napakaeleganteng tao. S-Sino kaya ang taong ito? “Siya ang papa mo? Hala! Napakagwapo!” puno ng paghangang sabi ng batang babae. “Ka-Kyrie—” tawag ko sa kaniya para pigilan ang pagsisinungaling niya ngunit bigla na lamang itong tumakbo papunta sa lalaking kaniyang itinuro. “Papa!” hiyaw ni Kyrie at yumakap sa lalaki. Nagulat ang lalaki sa ginawa ni Kyrie at kunot-noo siyang napalingon sa bata. Alam kong nagtataka siya sa ginawa nito at kung bakit siya nito tinawag na papa pero hinayaan niya lamang itong yakapin siya. “Kyrie! A-Ano bang—” hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang mapalingon sa akin ang lalaki at magtama ang aming mga mata. Napahinto ako pati na rin… ang pagtibok ng aking puso. A-Anong pakiramdam ito? “Hi po, kayo po ba ang papa ni Kuya Kyrie?” tanong ng batang lalaki. Napabalikwas naman ako at doon lamang nabali ang aming tinginan ng lalaki. “H-Hindi siya ang—” “Yes, I am,” agad na tugon ng lalaki na ikinalaking muli ng aking mga mata. A-Anong sabi niya!? “Wow! Your papa is so handsome pala, kuya Kyrie!” sabi ng batang babae na tila naghuhugis puso ang mga mata. “Akala ko talaga, pulot ka lang eh!” sabi ng isa pang kaklase ni Kyrie saka nginitian ang lalaki na inaakala nilang ama nito. “B-Biro lang po!” Sa tingin ko ay nagkaroon ng ideya ang lalaki kung bakit ginawa iyon ni Kyrie nang makitang lumapit din ang mga kaklase nito. Hinawakan niya sa balikat si Kyrie at binati ang kaniyang mga kaklase sa pamamagitan ng bahagyang pagyuko. B-Bakit siya nagpanggap na ama ni Kyrie? Magkakilala ba sila? “Uhmn! Nandito na din po sila mommy! Ba-bye po!” paalam ng batang babae. “Paalam kuya Kyrie!” paalam ng mga kaklase ni Kyrie at nagkanya-kanya na sila ng lakad papunta sa kani-kanilang mga magulang. Napapalibutan kami ng maraming tao ngunit sa paningin ko ay si Kyrie at ang lalaking ‘yon lang ang nakikita ko. Hinatak ko ang kamay ni Kyrie ng marahan upang ialis sa pagkakayapos sa bewang ng lalaki ngunit humigpit lamang ang pagkakayakap nito sa kaniya. “Ka-Kyrie, let him go! Please?” pakiusap ko sa kaniya. “No, he is my papa! He is my papa!” pagmamatigas ni Kyrie at napabuntong-hininga na naman ako. Nahihiya akong lumingon sa lalaki habang kagat-kagat ang aking pang-ibabang labi. Baka isipin niya din na nababaliw si Kyrie, ano bang gagawin ko!? Mukha pa namang mayaman ang lalaking ito, baka ipakulong niya ako! “Hey! Young man,” tawag ng lalaki kay Kyrie at tiningala siya ng bata. “If you wanted something to ask your dad to give you, what could it be? Toys? Clothes? Food?” “I want french fries,” agad na sagot ni Kyrie at napapik naman ako ng aking noo sa hiya. “Kyrie!” tawag kong muli pero parang hindi na naman niya ako naririnig. Ngumisi ang lalaki sa kaniya at bigla na namang kumabog ang dibdib ko. A-Ano ba naman ito!? Kainis! “Then, okay!” mahinahong sabi ng lalaki kay Kyrie at dinukot ang pitaka niya na nasa kaniyang bulsa. Kumuha siya ng pera mula dito at inilagay sa kamay ni Kyrie. “Here, you go with your nanny and buy whatever you want.” A-Ano!? Na-Nanny? Ako!? Ba-baliw na ‘to! Napagkamalan pa akong katulong!? Hmp! “She’s not my nanny! She is my mama!” sabi ni Kyrie at tila nagulat ang lalaki. Napatingin ito sa akin at napaiwas naman ako ng tingin. Uhmp! “Oh, I see, I’m sorry,” maiksing sabi ng lalaki. Umayos siya ng tayo at isinilid ang isang kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon; ang isa naman ay marahang ipinatong sa ulo ni Kyrie at bahagyang ginusot ang buhok ng bata, “Anyway, kailangan ko ng umalis. Nice to meet you, Kyrie.” “Bye papa!” sabi ni Kyrie at kumaway sa lalaki. Tumalikod ang lalaki at nagpatuloy na sa kaniyang pupuntahan. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag nang tuluyan na siyang humalo sa mga tao. Nilapitan ko si Kyrie at pinagsabihan. “Kyrie! Mali ang ginawa mo ha! You’re telling a lie!” “But mama, he is my papa!” pangangatwiran ng bata. “He is not your papa! Hindi mo pwedeng tawaging ‘papa’ ang kung sinu-sino na lang! Hindi tama ‘yon!” pangangaral ko sa kaniya. “Huwag mo ng uulitin ‘yan! Kyrie!!!” “Look, mama! I have money!” ani Kyrie na para bang walang akong sinasabi sa kaniya. Napabuntong-hininga na lamang akong muli kasi nahihirapan na naman akong kausapin siya ng maayos. Hindi na naman niya iniintindi ang mga sinasabi ko! Napailing na lang ako sa labis na pagkadismaya. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang ginawa niya. Marunong na siyang magsinungaling, nababahala ako! Baka palagi na niya itong gawin, huwag naman sana. “Mama,” tawag ni Kyrie sa akin at muli ko siyang nilingon. Ipinakita niya sa akin ang hawak niyang pera at saka ngumiti ng malapad, “French fries!” Nang makita ko ang hawak ni Kyrie na limang libong piso ay naidilat ko ng husto ang aking mga mata. Ang akala ko ay isang daan lamang ang binigay ng lalaking ‘yon sa kaniya! T-Totoo ba ito? Muling hinanap ng aking mga mata kung nasaan ang lalaki ngunit sa dami ng taong naroroon ay hindi ko na siya nakita. Kinuha ko ang perang inaabot sa akin ni Kyrie at muli kong binilang. Isa, dalawa, tatlo, apat… limang libong piso nga! “G-Grabe namang pambili ng French fries ‘to! Pang buong taon!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD