Chapter 75: Something

1398 Words

Eurie's Pov: Matapos kong makaidlip at makainom ulit ng gamot ay kahit paano ay naging maayos na ang pakiramdam ko. Medyo masakit pa ang ulo ko ngunit hindi kagaya kanina ay hindi na ako ganoon kalamya. Malamang ay dahil na rin kay Maddie at sa mga kwento niya. Napapangiti ako habang kausap si Maddie. Ang dami niyang kwento tungkol kay Nigel at kahit na nanghihina pa ako ay tawang-tawa talaga ako. Noon pa man ay masungit na pala talaga ang lalaking 'yon, at sa mga kwento ni Maddie mukhang sila lang dalawa ang maayos kahit papaano ang pagsasama sa kanilang pamilya. "G-Ginawa niya talaga 'yon? Baliw talaga siya," natatawa kong sabi at halos nakalimutan ko ng may sakit pa nga pala ako. "Oo, unang araw niya sa school namin no'n tapos akala ko talaga wala siyang pakealam sa akin! Eh nakita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD